Chapter 22: Duel Arena Tournament

128 1 0
                                    


===Zenrie===



April 16, 2020, 06:45 AM

The sun rays peeked on the window and struck my face. Dahil sa silaw ay unti-unti kong minumulat ang aking mga mata habang nakatingin pa rin sa kisame. Parang nagloading ang buong katawan ko habang nakatingin sa mundo ng kawalan simula noong makauwi ako sa dorm na halos 12:20 na ng hatinggabi. Kinailangan ko pa talagang gamitin ang aking assassin skills upang hindi ako mahalata ng aking mga kasamahan na nawala ako sa dorm. Luckily, they were still asleep.

Akala ko tuloy tatawagin na naman ako ni Zoiren na akyat-bahay kapag nakita na naman niya akong lumusot sa bintana ng dorm. Palibhasa hindi niya ako nakilala dahil sa tulong ng cloak na binigay sa'kin ni Prof. Rythen.

The butterflies who disguised to be me disappeared when I got here and act like nothing happens. Ibang klase talaga ang gabing 'yon. Isa sa mga bagay na dumating sa aking buhay sa virtual world na isa sa magpapabago sa takbo ng aking tadhana.

Pero maiba nga lang... I need more five minutes to sleep.

Muli akong pumikit nang niyakap na naman ako ng aking antok sabay takip ng makapal na kumot. Tinatamad pa akong bumangon lalo na't matagal akong nakatulog kagabi. Mimi will take over the breakfast right now.

"Zenrie... Zenrie gumising ka na." Isang mahina ngunit malambing na boses ang aking narinig sa kabilang bahagi ng double-deck bed. Niyagyag pa ang aking kanang braso upang magising talaga ako.

"Five minutes pa. Ayoko pang bumangon," I lazily uttered and turn my body to the exact location.

"ZENRIE MATSOUKA-HIDALGO GUMISING KA NA! MAY DUEL ARENA TOURNAMENT PA TAYO NGAYONG UMAGA AT BAWAL TAYONG MA-LATE SA OPEN FIELD!" Malakas na saad nito na dinaig pa ang ingay ng aking alarm clock. Hindi pa rin niya tinigil ang pagyagyag ng aking braso hanggang sa binuklat ko ang kumot.

"Ano ba---" natigilan ako nang unti-unti kong masilayan ko ang mukha ng gumising sa'kin.

His raven black eyes met mine when my blurry vision disappeared. Nakaayos na rin ang buhok niya't amoy na amoy ko pa ang cool menthol sa shampoong ginamit niya. Isa pa sa napansin ko ay bakit medyo namumula yata ang mukha nito na parang sinampal ng blush on.

Sandali lang... bakit nandito'yong akyat-bahay sa kuwarto namin?

"Good morning Zenrie," nakangiting bati sa'kin ni Zoiren. Mas maaliwalas pa ang mukha niya parang isang particular na sunshine.

"Zoiren..." basag kong saad habang bumabangon. "... huwag mo ngang ilapit sa'kin ang mukha mo at baka suntukin pa kita pababa ng double-deck bed na'to."

Naningkit tuloy ang mga mata ko dahil dito. Akyat-double deck pa nga.

Agad namang bumalik ang ulirat ni Zoiren at muntikan pang mahulog sa munting hagdanan. Mabuti na lang at napahawak siya sa hawakan at bumuwelo sa balanse. Kay aga-aga papara mahulog sa double-deck bed.

I stretched my arms lazily and gently rubbed my eyes. I even realized that I didn't take off my big sweater right after I got here last night. Tinapang giliw! Mukhang lumilipad pa rin ang isipan ko sa sinasabing Navillerian Metamorphosis glow up kagabi.

"Naku! Pasensya na at ako pa ang gumising sa'yo," sabi niya't tumawa nang mahina. "Ang tagal mo kasing gumising kaya pinag-utusan ako ni Emmie para rito."

Marahan naman akong tumango habang lutang pa rin ang aking isipan sa mga pangyayari.

"Hindi na rin ako magtataka kung sino ang mastermind," nagkakamot kong saad.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now