Kabanata 38

60.8K 2.5K 2.2K
                                    


Kabanata 38

        Ilang araw ang lumipas simula nang maka-uwi kami sa Pilipinas. Nabisita ko na ang pamilyar Miere, mamaya naman ay bibisitahin ko si Mama at Asher pagkatapos kong bumili ng regalo.

Napailing ako nang mabasa ang text ni Yuan na mag-ingat ako sa pagdrive. Simula kasi noong na-aksidente ako ay parang siya pa ang nagka-trauma pahawakin ako ng manubela. Ngayon lang ulit ako nakapagdrive.

"Ash!" tawag sa akin ni Cleo pagkapasok ko sa isang kilalang coffee shop sa loob ng mall.

I smiled at her as I approached our table. Today we thought of going out, when I sat down I noticed that she already ordered our food.

"Uy, umorder na ako ha? Sama na kasi ng tingin ng waiter e akala ata nakiki-aircon lang ako," sabi niya.

Natawa kaming pareho. "Ayos lang, Cleo. Pasensya ka na kasi ang hirap maghanap ng parking sa labas, doon pa ako sa likod nagpark."

"Okay lang 'yon ano ka ba? A-Ahm. Pasensya ka na hindi kita masiyado nakausap noong birthday ni Kiyo, inaasikaso rin kasi namin 'yong mga katrabaho niya nahihiya naman ako iwanan sa lamesa."

Nagsimula na kaming kumain. It's a breakfast date, may pupuntahan daw kasi sila ni Kiyo mamaya.

"Hmm. Ayos lang 'yon. Ang sarap nga ng handa. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang kayo ni Kiyo ang magkakatuluyan," sabi ko. Kitang-kita ko ang pamumula ng kaniyang mukha bago uminom sa coffee niya.

"Sorry about what happened before, Ash. I-I mean 'yong tungkol sa amin ni Kiyo," malakas siyang bumuntong-hininga. "May nangyari sa amin habang nililigawan ka niya," pag-aamin niya.

I nodded slowly, I already knew that, but now that it's coming to her, the effect on me was different.

"Hmm, may I know what happened Cleo? Kasi hindi ba si Sage ang gusto mo noon? Anong nangyare sa kanila ni V-Vonna?" nag-aalangan tanong ko.

Sumandal sa upuan si Cleo animong inaalala ang mga nangyare noon.

"I like Sage that time, I don't know. Siguro nga nakaka-tanga ang pagmamahal. Nang nalaman kong buntis ako ay pina-alam ko sa kaniya. I gave him wrong signals, wrong hope. Masiyado pa akong ano sa desisyon ko, basta naisip ko si Sage ang gusto ko." Kumunot ang aking noo sa sinabi niya habang sinusubukan intindihin. "Broken hearted ako kay Sage, tapos ayon gusto ko sana magwalwal syempre pumunta ako sa clark, sinamahan ako ni Kiyo ayon . . . Hello baby after nine months." Humalakhak siya na parang may naalala.

Hindi ko maiwasan mapangiti na kahit hindi maganda ang nangyare noon ay okay na siya.

"Kung gano'n wala talagang nangyare sainyo ni Sage? K-Kasi narinig ka kayo noon."

Ngumuso si Cleo. "Wala. Pero lasing kasi siya no'n nuong birthday ni Ivy, parehas kaming nagising na ano sa isang kama. Pero walang nangyare no'n. Alam ko. Gaga lang talaga ako noon. Ewan ko ba kung anong kabobohan iyon."

"N-Nagkaayos ba sila ni Vonna?" nag-aalalang tanong ko.

Humigop siya sa kaniyang kape, ginaya ko naman siya. "Vonna went abroad after that. Ang totoo hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-uusap talaga ni Vonna, imagine asawa ko na ang kapatid niya. Kasalanan ko naman, alam kong pinapakisamahan na lang niya ako kasi asawa ako ni Kiyo. Hindi na sila nagbalikan ni Sage."

Nalungkot ako sa sinabi niya, hindi ko pansin noon iyon dahil masiyadong okupado ang isip ko. Hindi ko rin naman sila nakikita noon.

"Where's Sage?"

"We're okay. Nagkikita naman kami, ayos na rin naman sila. Ang alam ko nasa Cebu ngayon si Sage dahil sa work niya, madalas siyang umuwi rito sa Pampanga noon lalo na noong kakalabas pa lang ni Ax sa —" Naitikom ni Cleo ang bibig.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon