Kabanata 34

65.5K 2.3K 537
                                    


Kabanata 34

       Isang malakas na buntong-hininga ang aking pinakawalan nang makita si Axle na nagbubuhat ng mga paso na inaayos ko. Tagaktak ang kaniyang pawis habang nakahubad-baro. Ang kaniyang balat ay mas naging moreno dahil sa pagbilad sa araw, bahagya bang makintab dahil siguro sa pawis.

Mukhang naramdaman niyang may nakatingin sa kaniya dahil nilingon niya ako.

Nang magtama ang aming mata ay seryeso niya akong pinanuod hanggang makalapit.

"I finished moving those plants to the pot," inporma niya sa akin. Gamit ang damit na nakasabit sa balikat ay pinunasan niya ang mukha.

Bahagyang tumabingi ang aking ulo dahil doon. Nahihiya ba siyang makita kong pawis siya?

"Hindi ba't sila Mang Tonyo ang dapat gagawa n'yan? Nasaan na siya? Bakit ka nandito?" Kunot-nuong tanong ko.

Binasa niya ang ibabang labi. "Tapos naman na ang ginagawa ko sa opisina. I told you, I will help you here until you finish."

"Hindi mo naman kailangan gawin 'to, Ax. Napag-usapan na natin 'to," mahinahon kong wika.

He raised his right eyebrows. "I know, but just let me do this." Tipid siyang ngumiti saka ako tinalulikuran upang ligpitin ang ilang gamit na nandoon.

Tatlong araw na simula nang pag-uusap namin sa cabin niya, pumayag siya at hindi ako pinilit sa gusto ko pero hindi rin naman siya umaalis, kung nasaan ako ay nandoon din siya.

I didn't do what he wanted that day, that I should be staying in his cabin. I see no reason for us to be together or maybe I just don't want to be around him all the time.

Kinuha ko ang aking gamit at naglakad na paalis doon upang makapagpahinga, bukas ay balik Pampanga na ako. Mabuti na lang at tapos ko na ang trabaho rito.

"Ash!"

Napangiwi ako nang marinig ang malakas na sigaw ni Axle, kasunod no'n ay ang presensiya niya sa aking gilid.

"You didn't wait for me," akusa niya.

Tumaas ang sulok ng aking labi. "Hindi mo naman sinabing hintayin kita."

"Aba, dapat hintayin mo ako gano'n ang magka—" Tumigil siya kaya nilingon ko siya, pansin kong napapalingon sa amin ang ibang staff sa hotel.

"Magka?"

"Magkaibigan." Pagpatuloy niya saka nag-iwas tingin sa akin.

Nang makatapat kami sa pintuan ng aking cabin ay akala ko'y dederetsyo na siya sa kaniyang kwarto pero tumigil din siya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Are you avoiding me?" nagulat ako sa seryoso niyang boses. Ang kaniyang mata ay seryosong nakatingin sa akin.

Hindi kaagad ako nakasagot.

"Because of what I said? Because of what happened? Because of Az?" Sunod-sunod na tanong niya. "I said I can wait, Ash."

"Hindi ko pa kaya ngayon, Ax. Kahit sino, pakiramdam ko ay hindi ko kayang papasukin sa buhay ko ngayon. I want it in myself, ayoko na maging katulad ng dati na lagi akong naka-asa sa iba, nang umalis ako noon akala ko kaya ko na, akala ko kakayanin ko na mag-isa pero hindi. I'm still dependent, I depended my life to my son and the Miere. Kung wala sila, pakiramdam ko ay hindi ako magpapatuloy. Iba na ngayon, Ax. Yung lungkot ko ngayon ay walang makakatulong kahit sino, gusto ko lang talaga mag-isa, hindi ko kailangan ng kahit sino ngayon. Pasensya na," I tried to explained to him. Again.

Hanggat maaari ay ayoko makapagsabi ng kahit anong masakit, dahil sa ngayon. Pakiramdam ko'y hindi ko alam ang ginagawa ko, baka magising na lang ako na nakasakit na ako ng iba dahil lang sa nasasaktan din ako.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon