Kabanata 15

87K 3K 1.9K
                                    


Kabanata 15: (Slight Matured Content)

MALAKAS ang tawanan sa likod ng bahay nang makalabas ako, umalingawngaw kaagad ang bidang boses ni Casper at Alan. Dala-dala ko ang tray ng salad, may narinig akong mga pumito at tawanan pero nawala rin kaagad iyon.

Nang lumingon ako sa maingay na lamesa ay naabutan kong binatukan ni Kuya Axle ang isang lalaking pamilyar na sa akin, isa sa kaibigan nila.

"Aray! Ax kukunin ko lang number ng kapatid mo."

"Try, I'll throttle your neck." Nakangising wika niya pero ramdam ko ang kaseryosohan doon.

"Kaya walang nagtatakang manligaw diyan kasi bantay sarado mo e takot sayo, si Kiyo lang malakas," segunda ni Alan.

May ininom si Kuya Axle, hindi ko alam kung alak o juice iyon. "If he's afraid then he's not worth it."

Kaagad kong kinuha ang aking cellphone para itext siya, masiyado siyang halata. Kung ako siguro sila at nahalata ko na.

Ash:
Calm your ass, stop being defensive. (>_<)

Inayos ko ang tray sa mahabang lamesa, nakita kong kunot-nuong binuksan niya ang cellphone niya, ngumuso siya roon sandali bago magtipa.

Kuya Axle:
I'm calm, baby. I'll behave.

Hindi ka pa tapos? Sit beside me. I love being around you.

Huminga ako ng malalim nang mabasa ang magkasunod na text niya, kaagad akong nagreply.

Ash:
Last na 'to. Kukunin ko lang 'yong
Inihaw na baboy sa loob tapos okay na. ヽ('▽`)/

Mabilis kong ibinulsa ang aking cellphone, naabutan kong nakasunod ang mata ni Aliyah doon saka siya nag-iwas tingin. Is she watching me?

May ilang bumabati sa akin na pinapasalamatan ko naman, inilibot ko ang paningin para hanapin si Cleo pero wala pa rin siya, gano'n din si Kiyo. Bumalik ako sa loob para kunin ang natitirang ulam. Naabutan ko si Mommy sa kusina habang umiinom ng tubig, mukhang aalis sila ni Tito Ryan dahil bihis na bihis na naman siya at balot na balot ang katawan.

"M-Mommy aalis po kayo?" hindi ko maiwasan magtanong.

Tinapos muna niya ang ginagawa bago ako hinarap. "Oo, may pupuntahan kami ni Tito Ryan mo. Baka bukas na kami makabalik, puwede kayong magpatulog sa isang guest room. Just separate the boys to your girl friends, pwede naman basta madami kayo sa isang kwarto," seryosong aniya saka pinasadahan ng tingin ang suot ko.

Nakangiting tumango ako, of course. Hindi ko rin naman papayagan iyon kung sakali.

Ang akala ko ay aalis na siya pero nagulat ako nang may ilapag siyang isang maliit na sobre sa lamesa. Hinimas niya ang kaniyang hindi pa malaking tiyan. "That's my gift."

Gulat akong napatingin doon. Hindi ko inaasahan magreregalo siya, bahagya pang nanginig ang aking kamay nang buksan ang kulay brown na sobre, may laman card sa loob no'n.

"P-Para saan po ito?"

"You can use that money soon, ikaw bahala kung saan. Nakapangalan sa'yo ang account na iyan, saka muna buksan kapag kailangan. Actually tamad lang ako bumili ng regalo." Humalakhak siya bago ako talikuran saka mabilis na umalis sa kusina.

Gulat na napatitig ako roon. Ayos lang sa akin kahit ano, basta galing kay Mommy. Kahit siguro pakong may kalawang ay itatabi ko iyon. Kahit walang pagbati ay masaya na ako.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon