Kabanata 19

79.4K 2.6K 904
                                    


Kabanata 19: Slight Matured Content

              NANG magising ako kinabukasan ay wala na si Kuya Axle sa tabi ko. Kagaya nga ng sinabi niya ay sinamahan niya akong matulog, tulog lang.

Noong una ay akala ko'y mahihirapan ako makatulog dahil katabi siya pero dahil kampante akong nandoon siya at walang mangyayare ay kaagad akong dinalaw ng antok.

Habang naliligo ay hindi ko maiwasan maisip ang sinabi ni Tito Ryan kagabi. I know, Axle can't do that. But why would his father told me those things? Bakit niya sinisiraan si Axle sa akin?

Mabilis akong nagbihis ng pangbahay para makababa na.

Sandali akong napatitig sa aking phone na nasa ibabaw ng kama bago iyon kinuha. Hindi ko alam pero binuksan ko ang messenger ko para ichat si Daddy, siya lang ang sinasabihan ko noon ng problema pero ngayon ay wala na, wala ng makikinig sa akin.

Ang hirap pala kapag nasanay ka sa isang bagay tapos biglang mawawala, 'yong kailangan mong magpatigil kasi wala naman ng mababago pero 'yong sakit nasa dibdib mo pa rin.

Mabilis akong nagtype ng mensahe para sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya mababasa. Kahit alam kong hindi naman na niya rin mababasa at makikita ay nagtype pa rin ako ng mensahe para lang gumaan ang pakiramdam ko.

Siguro dahil sa isip ko ay hindi ko pa rin matanggap.

Ash:
Good morning, Daddy. I know you'll never read this but I just want to say that I missed you so much. Nag-aaral po ako, ulit. Hindi na ako aabsent. Huwag kayong mag-alala diyan kung nasaan man kayo. Daddy, please help me decide, hindi ko alam ang gagawin ko. I hope I trusted the right person.

Halos malaglag ang panga ko nang pagka-sent ko ay naseen kaagad iyon ng facebook ni Daddy. Ilang beses ko pang ni-refresh ang messenger ko pero naka-seen na talaga.

Holy father shit!

Kaagad akong kinabahan, hindi ako makalunok sa sobrang kaba.

Impossible! Sino bang ibang nakakapagbukas ng facebook ni Daddy?

Ash:
Daddy?

Sinubukan ko ulit magchat.

Nanginginig ang kamay ko habang nakatingin sa screen, hindi na na-seen ang huling message ko.

Active 1 minute ago.

What the hell happened?

Ang alam ko ay sinama sa kabaong ni Daddy ang mga gamit niya, maaaring naka-open ang facebook niya sa ibang phone ng katrabaho niya pero kanino?

Mariin akong pumikit dahil may naiisip pa akong isang bagay kung bakit na-seen ang chat ko sa kaniya.

Is he alive? Is he okay?

May parte sa akin na umaasa na sana... sana ay buhay siya. Pero bakit niya gagawin iyon? Wala akong maisip na dahilan para gawin iyon ni Daddy, lalo na sa akin. Hindi niya ako hahayaan mahirapan dito kung totoong buhay siya.

Naisip kong kailangan ko iyon sabihin kay Mommy. I should asked her if Kuya Axle hurt him or manipulating us like Tito Ryan told me. Kasi hindi ko iyon makita o sadyang napaikot na niya ako kaya hindi ko na makita?

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon