Kabanata 39

61.4K 2.4K 1.3K
                                    


Kabanata 39

Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa aking sarili habang nakaupo sa loob ng kotse ni Axle. Lahat ng ginawa ko kanina para mapansin niya ay unti-unti kong naisip kung gaano ako katanga.

Bakit gano'n, malakas ang hangin dahil sa ulan sa labas at aircon sa kaniyang kotse pero pakiramdam ko ay hindi ako makahinga.

"Uy, Ash sure ka okay ka lang ha?" Napatingin ako kay Cindy na nasa harapan ngayon, nakalingon siya sa akin habang nag-aalala ang mukha.

Marahan akong tumango sa kaniya.

I want to appreciate her kindness, but deep inside of me. I feel envy.

Axle didn't comeback for me, nang nasundo na niya si Cindy ay nadaanan lang nila ako sa labas ng Mall kaya huminto sila. I hate myself for doing this, bakit ko ba ito ginagawa?

Simula noon ay nakikihati na ako sa atensyon, I'm still craving for attentions and it's hurt.

"Mabuti na lang talaga at doon kami dumaan ni Ax. Hindi ba babe? Ayaw mo pa roon dumaan buti at pinilit kita," dagdag ni Cindy, hindi ko maiwasan mapatingin sa kamay ni Axle na nasa kaniyang hita.

Dati ako 'yan. Ako 'yong nakaupo diyan, ako 'yong hawak niya.

Naging tahimik ako buong biyahe hanggang makarating kami sa bahay nila Mama, isinantabi ko na ang umaapaw na nararamdaman ko.

Ano ba kasing gusto kong mangyare? Katulad ng sabi ni Yuan, nang umalis kami noon ay iniwan na rin namin lahat. He moved on, I always knew I would end up being the one who got hurt.

Nang maka-hinto kami sa parking lot ay pinagbuksan ni Axle si Cindy, hindi ko na siya hinintay pagbuksan ako kasi alam kong hindi naman niya iyon gagawin, inayos ko ang bahagyang basa kong damit.

Kinain ako ng kaba nang bumukas ang pintuan at tumambad si Mama, nanlaki ang kaniyang mata nang makita ako. Ang gulat sa kaniyang mukha ay napalitan ng pinaghalong saya at lungkot.

Mahigpit niya akong niyakap na akin naman ginantihan. Mariin akong napapikit sa sarap ng pakiramdam na iyon.

"Anak!" tawag niya sa akin habang mahigpit ang yakap.

"Ma, miss na miss na kita."

Hindi ko maiwasan umiyak, ang makita siya pagkaraan ng mga nangyare sa akin sa ibang bansa ay nakakagaan ng loob. Isang dahilan kung bakit ako nagpagaling, I want to spend my time with my mom. Ang dami ng nawala sa amin, ayoko ng dagdagan pa iyon.

Nang magkasakit ako ay naisip kong maikli lang ang buhay ng tao. Sobrang ikli na hindi mo na namamalayan na ubos na ang oras mo. I don't want to waste my time anymore, this is my second life so I don't want to waste it with hatred and secrets.

Nang maghiwalay kami ay sinapo niya ang magkabila kong pisngi animong pinag-aaralan ang mukha ko.

Pansin ko ang pagbabago sa kaniyang mukha sa lumipas na panahon, there are some visible lines on her forehead. Ang saya sa kaniyang mukha ay napalitan ng pagtataka.

"Anong nangyare sa'yo?"

"P-Po?"

"Nagkasakit ka ba?" nag-aalalang aniya habang sinisipat ako, tipid akong ngumiti. So tama sila, alam ng magulang kung may kakaiba sa anak, kung may nagbago.

I chuckled and hugged her tight. Finally.

"I'm fine, Mama. Kumusta po kayo? Si Asher?" tanong ko.

Inalalayan niya ako sa kanilang sala, wala gaanong nagbago simula noong huling pumunta ako. Nang makaupo kami sa sofa ay tumuon naman ang atensyon ko kay Axle at Cindy na nagbubulungan sa pintuan. Para bang isang malaking sekreto iyon, kita ko ang pag-iling ni Axle.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon