Kabanata 8

77.9K 3.2K 3.5K
                                    




Kabanata 8:

'No way!'

Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib nang malanghap ang pamilyar na amoy na iyon. Hindi ako puwedeng nagkamali, parang naamoy ko na 'yon!

Kapag nananaginip ako ay gano'n ang amoy ng lalaki sa panaginip ko.

Nagulat ako ng bumitaw ang pangahas na magnanakaw ng halik, kaagad ko siyang hinakawan kung saan pero pumiglas siya kaya nakalmot ko siya. Shit! Nakarinig ako ng mga kalabog at yabag palayo, luminga-linga ako kahit pa wala akong makita, hanggang natapos na lang silang magbilang hanggang sampo at bumukas ang ilaw.

Halos mapanganga ako nang makitang malayo na ako sa pwesto ko kanina, nasa gilid na ako. Gagu?

Nagtawanan ang iba, maingay sila Alan at Casper na nasa itaas ng upuan ngayon na ginawa nilang stage nila.

Laglag ang panga ko nang makita si Cleo at Kiyo na magkadikit. Mukhang nagkagulatan pa sila nang makita ang isa't-isa. They kissed? Then who the fuck kissed me?!

I immediately looked around to see who was closest to me, Sage was closest to me but he was next to Vonna. That's impossible.

Pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko sa larong iyon. Napaupo ako sa pinaka malapit na upuan at wala sa sariling nilingon ang pwesto ni Kuya Axle at Godwin. Nandoon pa rin silang dalawa, nakaupo si Kuya Axle habang may sinasabi sa kaniya ang babae, hindi niya ito nililingon at nakatingin lang siya sa baso na nasa kaniyang harapan habang nakangiti roon na para bang may kinukwento sa kaniya ang baso.

Napansin ko rin si Pam na nakabusangot sa gilid kasama ang mga kaibigan niya.

Wala sa sariling napahawak ako sa aking labi. I can still feel the lips, parang namamanhid ang labi ko. Gano'n ba talaga iyon?

Hinilot ko ang aking sentido. Ladies and Gentlemen that's how I lost my first kiss.

"A-Ash, where have you been?" Lumapit si Kiyo sa akin pansin ko na bahagya pa siyang namumutla.

Umupo siya sa aking tabi.

"M-May humila sa akin kanina..." I trailed off. I looked around to look for Cleo. "Where's Cleo?" tanong ko bago siya makapagtanong pa sa una kong sinabi.

Nakita kong nanlaki ang mata ni Kiyo. "A-Ah... H-Hindi ko alam, biglang umalis." Nag-iwas siya ng tingin sa akin.

Tumango ako saka napatitig sa kawalan. Nagpatuloy ang laro nila, isa sa kaibigan ni Ivy ang nanalo sa punyetang laro na iyon na hindi ko alam kung sino ang naka-imbento.

Nang magsi-uwian ay nanatili si Kiyo sa aking tabi habang naging tahimik naman na ako. Paminsan-minsan ay nakikitawa ako sa kanila pero hindi ako uminom ng alak. I don't plan to drink or get drunk. Hindi naman nila ako pinilit pa lalo't si Kuya Axle ang sumasalo ng tagay para sa akin.

Hinawakan ako ni Kiyo sa braso nang makarating kami sa malapit sa gate. "A-Asherah, may sasabihin ako."

Nilingon ko siya. "Ano?" I'm sleepy and my head is aching. Gusto ko na lang umuwi.

"K-Kanina si Cleo 'yong nahalikan ko, akala ko talaga ikaw. Hindi ako mapakali kanina pa, k-kasi baka iniisip mo kakasimula ko pa nga lang manligaw tapos b-baka isipin mo nagchi-cheat na ako." Marahas siyang bumuntong-hininga.

Kumurap-kurap ako. Niyapos ni Kiyo ang aking braso, bumaba ang tingin ko doon. Sabi nila kapag hinawakan ka ng taong gusto mo ay may mararamdaman kang kuryente? O hindi iyon totoo? Why I can't feel anything in his touch?

"Ayos lang Kiyo, nakita ko nga nakita, it's part of the game." I told him the truth.

Kita ko ang pagkabahala sa mukha niya, magsasalita pa sana siya nang sumigaw si Kuya Axle.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon