Kabanata 20

79.7K 2.5K 528
                                    


Kabanata 20:


              "DALAWANG suit tayo, boys at girls magkahiwalay ah?" ani Aliyah habang nasa hotel na tutuluyan na kami.

Umapila si Casper. "Ang KJ, ayoko ngang makasama 'tong mga ito buong gabi." Turo niya kay Alan at Felix.

"Wow, pare parang hiyang-hiya naman kami. Ikaw nga 'tong nangyayakap kapag tulog."

"Hoy, hindi ah."

"Bahala ka, kumuha ka ng hiwalay na kwarto mo kung gusto mo," ani Aliyah saka pumunta sa front desk.

Nilingon ko si Vonna naabutan ko siyang nakatingin sa akin, ngumiti siya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko na pinapansin niya ako. Ang akala ko'y dahil magka-away sila ni Cleo ay hindi na rin niya ako papansinin.

"Par, tagay maya ah?" ani Alan kay Kiyo na tulala sa gilid, tinapik siya sa balikat ni Alan nang hindi siya sumagot.

"Oh?"

"Anong oh? Ang sabi ko inom daw tayo mamaya, sabi nila." Tumango si Kiyo saka ako nilingon, nginitian ko siya.

Bumuntong-hininga siya animong problemado.

"Ugh! Boys kakarating pa lang natin alak na kaagad!"

Humalakhak si Casper na busy na kakatingin sa mga dumadaan babae sa labas ng hotel. "Minsan lang 'to, saka padespedida na rin ni Yuan."

Napalingon ako kay Yuan na katabi ang kaibigan niya sa likod ko, despedida?

"Uh, despedida? Aalis ka?"

Ngumisi siya saka tumango. "Aalis kami ng pamilya ko next saturday, sa ibang bansa kasi magpapagamot ang kapatid ko. Kasama kaming lahat."

Napatango ako, magtatanong sana ako sa kaniya kung paano ang pag-aaral niya pero biglang dumaan si Kuya Axle sa gitna namin. "Let's go, Aliyah got our room," aniya saka nilagpasan kami.

Nagkatinginan pa kami ni Yuan dahil sa ginawa niya. Tingnan mo 'tong lalaking 'to ang bastos nag-uusap e sa gitna dadaan.

"Bilis! Ang bagal!" inis na wika ni Kuya Axle.

"Gago badtrip ba si Ax? Makasigaw wagas?" biro ni Felix.

"Stay away with his property, he'll be calm," rinig kong usal ni Godwin saka sumunod na rin sa iba.

Pakiramdam ko ay ang lagkit na lagkit ang aking ibaba. Gusto kong maligo o maglinis muna ng katawan bago matulog.

Nagkasabay kami ni Kiyo sa paglalakad. "Kumusta?" wika ko.

Tipid siyang ngumiti. "Still breathing."

"Hindi pa kayo nagkakausap?" mahinang tanong ko dahil nasa unahan lang namin sila Vonna at Aliyah.

Umiling siya saka humalakhak. "Hayaan mo na 'yon. Huwag pilitin kung ayaw," aniya.

Pansin ko ang tabang sa kaniyang tono. "Hindi mo hahabulin?"

"Para saan? She'll not be happy with me. I'll move on anyway." Nauna na siyang maglakad, inakbayan niya si Godwin, nakita kong sinikmuraan siya ni Godwin pero natawa lang siya.

Hindi ko maramdaman ang saya sa tawa niya.

"Stop staring to other men," nagulat ako nang magsalita si Kuya Axle sa likod ko, gulat akong napalingon sa unahan.

Akala ko nauna na siya.

"He's broken hearted, kinakamusta ko lang," sabay kaming lakad sa pinaka dulo binagalan ko ang aking lakad para bahagyang makalayo sa iba.

"I'm broken hearted too," aniya saka inismidan ako.

Nang makarating kami sa kaniya-kaniyang kwarto ay napagpasyahan nilang mag-ayos muna ng gamit bago kami sabay-sabay na bababa.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon