Kabanata 1

98.4K 3.6K 1.1K
                                    

Pronunciation:
Axle: Aks-sel
Asherah: Ashe-rah



Kabanata 1:

Sabi nila mayroon talagang isang tao tayong kakainisan kahit wala naman ginagawang masama sa atin. Kahit na maayos naman ang trato sa atin o kaya ay hindi naman tayo pinapansin pero inis na inis ka pa rin. Like, if you see his face you will get any chance just to punch him. Ganoon inis ang nararamdam ko sa kaniya. We're not close but we don't like or hate each other too.

Parang hangin lang, mag papansinin kami kung kailangan.

Mabilis akong bumaba sa kaniyang kotse nang makarating kami sa bahay. Hindi ko na siya hinintay pang bumaba para pagbuksan ako.

No way! I heard the loud sound of the car door as he closed.

Naabutan ko si Mama sa sala habang nanunuod sa tv at kausap si Tito Ryan. My mom's new husband.

Hindi ko maiwasan manliit ang aking mata nang makita ang kamay niyang nasa hita ni Mama na kaagad naman niyang itinanggal nang makita ako. Nagtaas ako ng kilay saka humalik sa pisngi ni Mama.

"Sumakay ka kay Axle?" tanong niya.

"Opo." Narinig ko ang pagbukas ng pintuan sa aking likod tanda na pumasok na rin siya. "Mom, sa susunod huwag mo na po ako ipahintay kay Kuya Axle, kaya ko naman ng umuwi mag-isa saka naiistorbo ko lang siya," mahinahong wika ko, umaasang pumayag siya.

Sinigurado ko rin maririnig ni Axle ang sinabi ko, nakakainis kaya!

Tumikhim si Tito Ryan.

"Bago ka pa lang kasi rito Ash kaya hindi ka puwedeng mamasahe, maraming loko-loko sa daan. Isang buwan ka pa lang dito, hindi ka pa kilala ng mga tao baka mapagtripan ka pa d'yan," paliwanag niya sa akin bago tumagos ang tingin sa aking likod, sa lalaking pumasok. "Where's your sister?"

Tumalikod na ako sa kanila at dumeretsyo sa aking kwarto, at least I tried. Alam ko naman hindi ako papayagan.

Hindi ko na sila nilingon kahit pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin, bago pa ako pumasok sa aking kwarto ay narinig ko pang sagot niya.

"Aliyah can go home Dad, she's with her classmates," ani Axle.

Nagtangis ang aking panga nang tuluyan makapasok sa aking kwarto. Kapag si Aliyah, hinahayaan umuwi kahit gabi na samantalang ako ala-singko pa lang ay kailangan nasa bahay na. Ayos lang naman sa akin ang hatid-sundo, pero sana hindi na lang si Axle kasi lagi lang kami nag-aaway.

Napailing ako bago pagpalit ng pangbahay.

Isang buwan pa lang simula ng tumira ako sa bahay na ito. My mom married again with her first love, Tito Ryan.

Axle and Aliyah's father.

Hindi ko na halos matandaan kung paano nangyari, nang tumuntong ako ng labing anim ay madalas ng nagtatalo si Daddy at Mama hanggang mauwi sa hiwalayan.

My Mom left us for another family, ang alam ko ay matagal ng patay ang asawa ni Tito Ryan. My mom told me before that he's her first love, her the one that got away. The fuck? Like okay, he is your the one that got away but how about my Dad?

Ano siya? The one after the one that got away? I can't understand people being self-centered. I mean, I'm far from being perfect. May mga mali rin akong nagagawa pero hinding-hindi ako gagawa ng bagay na dahilan para makasakit ng ibang tao.

Ipinaliwanag niya sa akin noon at ipinamukha sa akin na hindi niya gusto ang pamilya namin, ako at si Daddy. Mas gusto niya kasama ang college first love niya, since that day I started to hate my mother. She's so selfish, may pamilya na siya tapos nalaman lang niyang walang asawa ang first love niya kinalimutan na niya kami.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon