Kabanata 40

72.1K 2.6K 1.9K
                                    


Kabanata 40:

          "Calm down." Natatawang wika ni Babi habang sinisipat-sipat ang mga gamit sa kwarto kung nasaan kami habang ako naman ay palakad-lakad na.

Katulad nga ng sinabi ni Godwin ay binigyan kami ng kwarto ni Mama saka kami iniwan na.

"Do you know what we are doing?" tanong ko sa kaniya.

"Of course," mabilis na sagot niya. "Maganda 'yong bahay ah," puna pa niya.

Napailing ako saka tinawagan si Yuan. Wala pang tatlong ring ay sumagot na siya.

"Hel—" Napangiwi ako nang hindi man lang ako pinatapos ni Yuan.

"At marunong ka pa palang gumamit ng cellphone no? Ash. Kanina pa kami tawag nang tawag. Umalis ka ng umaga tapos ngayon gabi wala ka pa rin alam mo ba kung anong oras na at—"

Baron chuckled. "Daldal."

Nanlaki ang aking mata bago lumayo sa kaniya.

"Hoy! Ash sino 'yon ha? Hindi 'yan boses ni Ax!" histerikal na wika niya.

"Hush, Yuan naman huwag ka sumigaw."

"Aba, nasaan ka ba? Sino 'yan ha?"

Nangiwi ako nang nahiga si Baron sa kama at gumulong-gulong.

"He's Baron, I met him—"

"Edji! Baby, tingnan mo 'tong si Ash oh. May lalaki!" Narinig kong umingay sa kabilang linya, mas lumayo ako kay Baron dahil baka kung ano na naman ang sabihin ng dalawa. Pumasok ako sa banyo. "Weh? Hello Ash? Where are you? Lalaki? Pogi ba?" boses na ni Edji.

Kumamot ako sa ulo. Narinig ko ang pag-angal ni Yuan sa sinabi ni Edji.

"I'm here in Axle's house."

Natahimik sa kabilang linya. "Sa bahay ni Mama," dagdag ko.

"Nagkausap kayo? Okay ka lang ba?" tanong ni Yuan.

"Okay lang, bukas na lang ako magku-kwento, tumawag lang ako para sabihin na hindi ako makakauwi ngayon gabi."

Kumunot ang aking noo nang makarinig ng ingay sa labas, nagpaalam na ako kila Yuan. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang banyo, naabutan kong malawak ang ngiti ni Baron na nakaupo na sa kama animong may magandang balita.

Sinenyasan niya ako na huwag maingay at pinalapit sa kaniya.

Sunod-sunod at palakas pa rin nang palakas ang katok sa pintuan.

"Open this damn door!"

"He's here, lay on the bed." Hindi ko kaagad naintindihan ang sinabi niya kaya siya na mismo ang humila sa akin papunta sa kama.

Tinalukbungan niya ako ng kumot, bahagya akong sumilip doon nakita kong hinubad niya ang kaniyang damit at hinagis kung saan.  Ginulo niya pa ang buhok saka kinalmot ang sariling leeg at dibdib bago binuksan ang pintuan.

Nababaliw na ba siya?

Hindi ko makita kung anong reaksyon ni Axle. Bakit siya nandito? Kasama ba niya si Cindy?

"Why bro? Sorry. Medyo natagalan may tinapos lang," ramdam ko ang ngisi kay Babi habang sinasabi iyon kahit pa hindi siya nakaharap sa akin.

Sumilip ako ulit nang kaunti, nakita kong hinaharangan niya ang pintuan.

"Where's Ash?"

"Hmm, she's already sleeping. Alam mo na medyo pagod."

Isinara ni Babi ang pintuan, hindi ko na marinig ang usapan nila. Doon ako umupo at niyakap ang aking tuhod.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon