Kabanata 23

73.2K 3.1K 2.6K
                                    


Kabanata 23:

Eroplano. Sanggol. Dugo. Tubig.

Apat na salita na naaalala ko sa lumipas na panahon. Maulan na hapon, sa gitna ng kalsada ay dumating Yuan. Noong una ay pati siya'y pinagdudahan ko pero nang lumaon ay napatunayan kong wala siyang alam sa lahat ng iyon.

Eroplano. Hindi kaagad nakaalis si Yuan nang araw na iyon, hindi malinaw sa aking ala-ala ang mga nangyari at palitan namin ng mga salita ngunit ang naaalala ko'y nagpaiwan siya ng halos dalawang linggo para asikasuhin ang ilang papeles ko, saka kami umalis patungong Canada.

Sanggol. Ilang linggo sa ibang bansa ay nalaman kong may nabuo sa inakala kong pagmamahal. Masakit, hindi ko matanggap noong una at halos isumpa ko ang lahat. Ang nasa isip ko'y hindi ko kaya. Bata pa ako, walang pamilya, walang trabaho. Iyon ba ang kabayaran? Ito ba ay kasama sa plano nila? Ang gawin miserable ang buhay ko. Lumipas ang mga buwan habang lumalaki ang tiyan ko ay unti-unti kong natanggap ang bata. Siya na lang ang kakampi ko at hindi ko hahayaan maramdaman niya ang maiwan at ayawan ng ibang tao.

Dugo. Bakit gano'n? Kung kailangan ko natanggap saka mawawala. Nang mag-anim na buwan ay dinugo ako. Stress, ang sabi ng Doctor. Mahina ang kapit ng bata kaya kailangan maingat.

Tubig. Hindi ko alam kung paanong posisyon ang gagawin ko habang nasa maliit na pool na may laman tubig. Sinubukan kong tumuwad, umupo at tumihaya pero wala ni isa roon ang nakakapag-alis ng sakit.

I decided to give birth at home, water birth to be exact. It was painful, I wake up five in the morning to poop but I felt something different. I started to feel contractions.

The pain was excruciating. I really thought I was going to die. I shouted Yuan's name, he prepared the pool and warm water while calling the medical team.

I felt like I was having one long contraction that felt like the worst menstrual cramps I ever had. Gusto kong umiyak pero nananaig ang sakit sa aking kaibuturan, mula sa ibabang parte ko papunta sa aking likuran, halos gusto kong baliin ang aking buto sa likod sa sobrang sakit. Kung puwede ko lang hugutin ang spinal cord ko ay ginawa ko na.

Nang sabihin ng Doctor ko na lumalabas na ang bungad ng kaniyang ulo ay para na akong aatakihin sa kaba at tuwa.

Yuan was behind me, supporting me. I was holding his arms. Binubulungang niya ako para palakasin ang loob ko pero halos hindi ko na siya marinig sa lakas ng pag-iri ko.

"One more... One hard push Mommy!" my Doctor said.

Isang malakas na pag-iri ang ginawa ko sabay kapit sa kamay ni Yuan. I heard my baby boy cried. I cried because of that, Yuan cried too.

Hindi ko alam bakit ako natawa nang ilagay siya sa aking dibdib, ang makita siya at mahawakan ay ibang tuwa ang naramdaman ko. Iyak at tawa ako habang hawak siya, sobrang lakas ng kaniyang pag-iyak para bang sinasabi niyang 'nandito na ako mama may kasama ka na.'

The pain is worst, but when I heard my baby crying all the pain fade away.

Akala ko ay tapos na roon ang sakit pero kailangan pa palang ilabas ang inunan. I gave birth to my placenta too. Yuan helped me clean my body, hindi na ako nahiya. He made a shake too using my placenta. They said it will boast the energy of the mother and keep her through the postpartum hormonal ups and downs.

And that was six years ago.

Hindi ko maiwasan alalahanin iyon, isa sa mga hindi ko makakalimutan pangyayari sa buhay ko habang nakatingin sa aking anak.

He pouted his lips when he saw me looking at him intently.

"What Mama?" Taas kilay na puna niya.

Umiling ako dahil sa naging reaksyon niya, ang sungit. Parang tinitingnan lang e.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon