Kabanata 26

72.5K 2.8K 1.5K
                                    




Kabanata 26:

It's hard for me to let him see my emotion; I have learned that it's hard to let other people see your weaknesses, and that's life. They will use that against you. Hindi mamawala sa akin ang maawa sa lagay ni Aliyah, lalo't nakita ko wala na ang isa niyang paa, ayaw ko magtanong kung anong nangyari pero ang kuryosidad ko ay hindi ko mapigilan.

Galit ako sa ginawa nila noon pero hindi naman ako kasing sama nila para matuwa kung makita kong may masaktang iba. Kahit pa ngang iniisip ko noon na sana makalbo si Aliyah sa lahat ng buhok sa katawan niya, pati sa ibaba.

Pero sobrang inis ko ay hindi ko naman hinangad na ganito. Ibang usapan na iyon.

Revenge isn't in my plan. I just want a happy life, a good life with my son. I don't believe in karma, I believe that everything happens for a reason. To make you strong or make you realize something. Nasa iyo na kung paano mo kukunin.

Bahagya akong lumapit sa kaniya. Pinanuod ko ang mga aparatong nakakakabit sa kaniyang katawan.

Nakatayo lang ako roon habang si Axle ay nakaupo sa gilid ng kama, inayos niya ang kumot ng kapatid.

"What happened to her?" I asked Axle while looking at the flowers.

Madaming bulaklak sa lamesa, mukhang madami sa kaniyang bumisita. Gusto ko sanang hawakan si Aliyah pero natatakot ako kaya nakuntento na lang ako sa pagtingin sa leeg niya para tingnan kung humihinga siya nang maayos dahil ang putla niya.

Ayos na ako roon.

Narinig ko ang malakas na buntong-hininga niya. "We got into an accident."

Hindi ako nagsalita, hinintay ko ang kasunod ng kaniyang kwento pero hindi na siya nagsalita pa ulit. That's it? Accident of what?

Napansin kong wala na siyang balak dugtungan pa iyon kaya hindi na ako nagsalita pa. I scanned Aliyah's face, her face was very bony, cadaverous.

Kung hindi ko nakikita ang mahinang paggalaw ng kaniyang kaniyang dibdib at lalamunan ay iisipin kong wala na siyang buhay.

"We tried to run away from Daddy but we failed. The plan didn't work out..." Nagulat ako nang magsalita siya ulit habang nakatingin sa bintana. Anong plano?

Nilingon niya ako. "Your Dad and Daddy planned everything..."

Parang may dumakot sa puso ko sa sinabi niya, sobrang bigat ng aking panghinga. Mahina akong natawa dahil sa kabaliwan niya. "Don't use my Daddy to your bullshit, Ax!" I snapped at him.

Paano niya nagagawang gamitin ang yumao kong ama sa kagaguhan niya? Hindi kasing walang hiya ng ama niya ang Daddy ko, hindi gano'n ang Daddy ko.

Mariin siyang pumikit animong hindi alam kung ano ang sunod na sasabihin. "This is the reason... I know you won't believe me. Pero totoo, Ash. Simula sa umpisa, nakaplano. They fooled us, so we fooled them too. I pushed you away so—"

"Don't lie! Don't fucking use that bullshit line to me! Sinong ginagago mo?" sigaw ko sa kaniya at mabilis na tumalikod na.

Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng ospital, namumuo ang luha ko sa galit. Hanggang ngayon sinungaling ka pa rin! Hanggang ngayon niloloko mo pa rin ako!

Nanginginig ang aking kamay habang naglalakad sa gilid ng kalsada, ni hindi ko na kinuha ang mga binili ko. Mabilis kong kinuha ang aking phone sa maliit na belt bag sa aking beywang.

Tinawagan ko si Yuan dahil pakiramdam ko ay anumang oras ay matutumba na ako. My heart hurts so much, I wanna cry. Nang sagutin niya ang tawag ay narining ko pa ang hingal na boses niya.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon