Kabanata 29

72.4K 2.8K 1.2K
                                    


Kabanata 29:

I've learned that some broken things stay broken. Akala ko noon kapag nalaman ko na ang lahat ay gagaan na ang pakiramdam ko, akala ko hindi na masakit pero nagkamali ako. I thought I've moved on, I told to myself that I forgive them, that it's okay but it still hurt, I'm still hostage by my fear.

Naiintindihan ko na lahat pero hindi ibig sabihin pala ay hindi na masakit.

Bakit gano'n?

Hindi ko lubos maisip na may mga taong gagawa ng gano'n. They manipulated us, they fooled everyone. For what? For their vices?

Gano'n na ba kalulong si Daddy sa droga para gawin niya ang bagay na iyon? Hindi pa rin ako makapaniwala o hindi ko lang talaga matanggap na kaya niyang gawin ang kahayupan na iyon, ginawa niya ang bagay na iyon para sa kaniyang sarili.

Nang imulat ko ang aking mata ay wala na ang sakit sa aking ulo pero pabigat pa rin ang dibdib ko. Nagising ako sa kwarto sa pamilyar na kwarto.

Napunta ang tingin ko sa lalaking nakahiga sa aking tabi habang hawak ang aking kamay. Mabigat ang kaniyang hinga habang nakatagilid, ang magkasaklob na kamay ay malapit sa kaniyang labi animong nakatulog siyang hinahalikan iyon.

Gusto kong bumangon pero natatakot akong magising siya.

Nakuntento ako sa pagtingin sa kaniyang mukha. Bahagyang kumukunot pa ang noo niya animong may napaginipan pa. Kung tutuusin ay para lang akong nakatingin sa anak ko, ang pinagkaiba lang baby face pa si Az, samantalang ang Daddy niya ay akala mong mangangain ng tao.

I chuckled because of that.

"What's funny, baby?" paos na wika niya saka dahan-dahan dumilat.

Napaigtad ako roon at kaagad kinain ng hiya, inagaw ko ang kamay ko at hinayaan niya naman iyon. Mabilis akong umupo, inayos ko pa ang magulo kong buhok, doon ko lang napansin ang hubad baro niyang katawan.

Kaagad kong iniwas ang tingin ko nang bumangon siya at bahagyang hinilot ang leeg.

"Gabi na, bumaba na tayo para makakain ka. Hindi ka pa kumakain simula kanina." Humarap siya sa akin at umambang hihipuin ang noo ko pero iniwas ki iyon. "Masama pa rin ba ang pakiramdam mo? Lagi ba sa'yong nangyayari iyon?" buong pag-aalalang tanong niya.

Umiling ako saka umalis sa kama. "H-Hindi naman ngayon lang, stress lang siguro. Uuwi na ako sa amin." Hinagilap ko kaagad ang aking bag, mabilis ko iyon kinuha.

Malaki ang hakbang na lumapit siya't pinigilan ako at binawi ang bag sa akin. "Magpahinga ka na muna rito, ahm... where do you live huh? Kila Yuan ka ba nakatira?" Nagdilim ang kaniyang mukha sa sariling tanong. Inilapag niya ang bag ko sa pinaglagyan kanina.

"Oo." Gusto ko sanang bawiin pero huli na, paano kung pumunta siya roon. Pero bakit naman?

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"D-Do you like him? Hindi kayo kasal, nagli-live na ba kayo?" He said slowly, then he pressed his lips together.

Gusto kong matawa sa sinabi niya lalo kung nandito si Yuan, baka masuka iyon. Iniisip niya talagang kami ni Yuan?

Bahagya akong napanguso.

"Break up with him, you can live here with your Mom, we can visit Ali everyday. Kadalasan ay may nagbabantay sa kaniya roon na personal nurse niya pero bumibisita kami palagi," he explained to me.

Para bang nakikipag negosasyon siya roon, na kapag narinig ko iyon ay baka magbago ang desisyon ko.

I want to be with my Mom, pero hindi pa ngayon. Kailangan ko munang sabihin ang lahat kay Yuan at parents niya, I need to talk to Azle too.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon