Kabanata 12

79K 2.9K 1.7K
                                    

Author's Note: Thank you for waiting! I really appreciate it and also happy 60K followers sa akin. Thank you! Enjoy!


Kabanata 12:

                  "HUWAG na kasi diyan." Hinila ako ni Cleo palayo sa bench nila Kiyo. Kiyo texted me that they are in Gymnasium, watching basket ball.

Natatawang nagpahila ako sa kaniya, hindi pa man ako nakikita ni Kiyo pero nasabi ko ng papunta na kami kaya baka hanapin ako noon. "Bakit ba ayaw mo? Nandoon sila Kiyo oh, kasama mga kaibigan niya."

Inismidan niya ako. "Huwag na doon dito na lang tayo sa baba. Kapag nandoon tayo ay siguradong ma-out place lang ako sainyong dalawa," paliwanag niya.

Naupo kami sa unang lines sa tapat ng mga bleachers ng players. I noticed the team infront of us, Kuya Axle's team.

Kulay pula ang uniform nila, nire-represent ang kulay ng kanilang department.

Hinila na ako paupo ni Cleo sa bakanteng upuan. Kaagad kong tinext si Kiyo para hindi na maghintay pa.

Ash:
Nasa ibaba kami, sa unang line.
Malapit sa mga players. Ayaw umakyat ni Cleo. Nahiya ata sa mga kaklase mo. ╮(╯_╰)╭

Kiyo ♡
I Saw You. Naka-ponytail Ka? Do You Want Me To Sit Beside You?

Ash:
Nope! Diyan ka na lang muna sa
mga kaklase mo. Kita na lang tayo maya. (^O^)

"Huwag ka na nga text nang text, Ash. Magsisimula na oh!" masungit na wika ni Cleo.

Natawa ako sa kaniya. "Meron ka ba? Bakit ang init ng ulo mo? Ako nga dapat ang badtrip dahil may asungot akong nakita kaninang umaga e."

"Huh?"

Bahagya akong lumingon para palagid para tingnan baka may kaibigan si Godwin doon. "Si Godwin, hinarang niya ako kanina tapos ewan, may mga sinasabi siya e tapos dumating si Aliyah kaya naghilahan sila." Stress na kwento ko sa kaniya.

Hinihintay ko ang reaksyon niya pero wala akong narinig na kahit ano kaya nilingon ko siya. Natulala lang siya sa akin, tinasaan ko siya ng kilay at parang doon lang siya nagising.

"A-Ah... Huwag mo na ngang pansinin 'yon. Sabi ni Ivy noong maka-usap ko siya ay ganoon talaga ang ugali ng babaeng iyon, magkakaklase sila noong high school."

Tumango ako saka lumingon sa court. Nagwa-warm up na sila, nakita kong parang may hinahanap si Kuya Axle habang may sinasabi ang coach nila. Malikot ang kaniyang mga mata sa alon ng mga istudyanteng nasa gymnasium.

When Kuya Axle's eyes landed on me, I instantly feel the demon inside my chest again. Siguro ay kailangan ko ng pagpatingin sa Doctor? Mukhang may problema talaga ako.

Halos mabingi ako sa hiyawan ng mga babae sa gawi namin. Of course, who wouldn't? Masasabi kong may itsura silang apat, kasama na doon ang isa nilang kaibigan na kagrupo nila.

Mas lalong naghiwayan nang pa-jogging na lumapit si Kuya sa gawi namin. Kaagad akong lumingon sa mga katabi ko dahil baka may isang babae siya doon. Maybe Pam?

Tumigil siya sa aking harapan. "Oh." Abot niya sa akin ng towel niya at plastic bottle na may kaunting bawas na.

"A-Anong gagawin ko diyan?"

"Abot mo sa akin mamaya," aniya.

Kumunot ang noo ko pero kinuha rin 'yon. "Bakit hindi mo na lang ilagay sa upuan niyo?"

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon