WAKAS

95.5K 3.8K 3.3K
                                    


WAKAS

I rubbed the long deep bruises to my left cheek as I looked at my reflection in the mirror. Cuts, bruises, and scrapes. Great! Fucking great, Dad.

Hindi ko maiwasan maikuyom ang aking kamao nang maalala kung bakit ako may ganito sa katawan. We tried to escape again. Aliyah, my sister, planned it, but then again, Dad found out and beat the hell out of me. Ayos lang, at least hindi niya sinaktan si Ali. Okay lang ako, sanay na ako.

Napasandal ako sa malamig na tiles ng banyo habang pinapakiramdaman ang sakit sa katawan ko. Kailan ba ito matatapos? Napapagod na ako sa putang-inang impyernong 'to.

Dad informed us that someone would come here next week, maybe his mistress.

Hindi ko maiwasan maikuyom ang aking kamao dahil doon. Sino naman kaya ang isasama pa niya sa impyernong ito? Kung alam lang niya kung anong klaseng tao ang Ama ko baka siya pa mismo ang tumakbo palayo. I feel bad for her.

Kailangan namin maka-alis ni Aliyah, bahala na kung saan kami makapunta. Hindi pwede sa pulis, ibabalik at ibabalik lang kami kay Daddy. They think we're just rebelling. Useless.

Dad's relatives, we tried before but failed. Syempre si Daddy ang pinaniwalaan nila.

Binuhay ko ang shower at tumapat doon, hinayaan kong dumaloy ang malamig na tubig sa buo kong katawan. Kitang-kita ko ang mga dugo na humahalo sa tubig. Masakit ang aking kamay dahil pagkatali ni Daddy.

I closed my eyes tightly while thinking of a way. This is our last card.

"Ali . . ." I called her when I finally got into her room. Naabutan ko siyang nakasiksik sa gilid ng kaniyang kama. Nang makitang ako ang pumasok ay para siyang nakahinga nang maayos.

I locked her door. It's two in the morning.

Her face paled, tears shimmered in her eyes as she shook her head. "Ayoko na rito, Kuya. Ayoko na!" mahinang wika niya habang umiiyak.

Parang mas bumigat ang dibdib ko roon, pero alam kong hindi dapat ako makaramdam ng gano'n. Ako ang panganay. Hinawakan ko ang magkabilang balikat niya, wala akong madaming oras baka mamaya ay makita pa kami ni Daddy.

"Listen, Ali. We need to stop escaping." I informed her.

She looked at me like she saw some ghost. Her eyes widened. "A-Anong sinasabi mo? Ang dami na natin nagawa para rito ngayon pa tayo titigil, Kuya?" she said in this belief.

I let out a harsh breath. "We will give what Daddy's want, Ali. Gusto niyang maging sunod-sunuran tayo? Ibibigay natin. He wants some power? We'll give him."

"Pero Kuya—"

"Until we get his trust."

Mariin siyang pumikit bago tumango. "O-Okay, we'll do this. I will tell Godwin about this."

Ilang buwan pagkarating ng bagong asawa ni Daddy ay sinabihan niya kaming dito na rin titira ang anak na babae ni Tita Emelda. Tita is nice, we found out that her husband gave them to Daddy. Fucking bullshit! They are into illegal business, Dad is drug addict, I did several transactions for drugs because he was forcing me, or else he'll use Aliyah again.

Kahit naman ayoko ay wala akong magagawa.

Sa lumipas na buwan ay naging maayos ang plano namin ni Ali, kaunti na lang at tuluyan na namin makukuha ang tiwala niya. Ayoko lang na may madamay pang ibang tao.

Tama na 'yong kami lang.

"Ali, Axle . . . This is Asherah, she's your Tita Emelda's daughter," wika ni Daddy sa maamong boses.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon