Kabanata 3

79.7K 3.3K 843
                                    

Kabanata 3:


          "Hindi ka pa lulusong?" tanong sa akin ni Cleo habang pinuhubad ang suot na tshirt. Lumitaw ang kulay pula niyang sport bra.

Ngumuso ako saka lumingon sa hindi kalakihan pool, nandoon na ang ibang kaibigan nila Aliyah, hindi ganoon kaliwanag sa pool area pero sapat lang para makita ang isa't-isa.

"Mamayang kaunti, pababain ko lang ang kinain ko," pagdadahilan ko.

Tumango siya saka mabilis pumunta sa pool, dumeretsyo sa pinsan niya. I know why she wanted to swim already, nandoon na kasi si Vonna at Sage, of course she won't let her crush enjoying the cold water with his girlfriend. Bantay sarado.

Ang totoo ay hindi naman ako busog, sadyang may iniiwasan lang ako sa pool. Kanina ay parang balewala lang ang sinabi niya nang bumalik siya sa kaniyang upuan habang ako ay hindi na muling nakasubo ng pagkain.

I'm not dumb. I know. Something is off.

Is this his plan? I don't know.

"Ash, come here!" sigaw ni Aliyah saka kumaway sa akin, nasa gilid siya ng pool habang nakalublob ang paa.

Niyakap ko ang aking sarili, sumipol si Alan. "Hindi pa maliligo si Ash kasi wala pa si Kiyo, huwag ka mag-alala Ash pabalik na iyon." Humagikgik sila.

Pilit na ngiti ang ibinalik ko sa kanila.

Honestly, I'm not waiting for Kiyo. Umalis kasi siya kasama ang isang kaibigan lalaki para bumili ng beer sa labas ng Village, mukhang kinulang pa sila.

Hindi ko maiwasan mapatingin sa kabilang dulo ng pool kung nasaan ang mga kaibigan ni Kuya Axle at siya kasama ang babae nila.

Katulad ni Aliyah ay nakaupo siya sa gilid ng pool habang ang mga paa ay nasa pool, he's wearing a black sando. Tumama ang liwanag ng ilaw sa hawak niyang bote nang tunggain niya iyon.

His adams apple moved.

Hindi ko naririnig ang usapan nila pero mukhang pinipilit na siyang magswimming ni Pam, hinihila nito ang kamay niya habang tumatawa.

Bumuntonghininga ako.

Now what? Why are you watching him, Ash?

"Oh are you not going to swim?" Napalingon ako sa nagsalita.

Nakita kong kakalapag lang nila Kiyo at ng kasama niya ng isa pang case ng alak.

"Ahm, maliligo na rin."

Nahiya ako lalo't sabay kaming pumunta sa pool area, kita kong mapanuksong tingin nila Aliyah. Siguro ay iniisip nilang hinintay ko talaga siya.

Bumaba kami sa isang hagdanan doon, kaagad kong naramdaman ang lamig sa aking balat. Sinabuyan ako ni Aliyah ng tubig.

Napapikit ako roon.

"Aliyah, stop it." Saway ni Kiyo saka hawak sa braso ko. "Okay ka lang?"

"A-Ah oo ayos lang." Hindi ko maiwasan mapalingon kay Kuya Axle, natatakot akong nakatingin siya sa amin.

At hindi ako nagkamali, nakikitawa siya sa mga biruan ng kaibigan niya pero nakatuon ang mata niya sa amin, sa akin.

Is he watching us? Why? Wala naman akong ginagawang masama ah.

Nagtilian sila Cleo sa ginawa ni Kiyo, nag-init ang mukha ko sa kanila. Jusko, ano ba naman 'to nakakahiya!

Pasimple kong inagaw ang siko sa kaniya, umupo kami sa isang baitang ng hagdanan, nakalubog ang katawan ko't hanggang dibdib ang tubig.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon