Kabanata 6

74.8K 3.3K 1.3K
                                    


Kabanata 6:

       "Did you enjoy it?" tanong ni Kuya Axle pagkaraan ng mahabang katahimikan sa pagitan namin. Niliko niya ang kaniyang sasakyan papasok sa kanilang village.

I don't know if Mom will get mad; it's already eight in the evening. Usually, they don't let me stay outside after six pm, but I'm with Kuya Axle now. So maybe she won't ask. Hindi naman ako nakapag-text sa kaniya kanina dahil nasa loob kami ng sinehan saka naisip kong kasama ko naman si Kuya kaya naman ayos lang.

"Yup, you looked pale kanina." I chuckled when I remembered his face when a woman spirit came on screen.

He grunted. "Hindi ako namutla, medyo maputi talaga ako." Ngumisi siya sa sinabi niya. Mukhang pati siya hindi naniniwala sa sinabi niya.

"Whatever."

Saktong naiparada niya ang sasakyan, hindi ko na siya hinintay pa, lumabas ako't nauna ng pumasok sa bahay habang dala ang mga pinamili namin.

"Hey wait up, Asherah."

Ngumuso ako nang maramdaman ko siya sa aking likuran. Ang bilis naman ng mokong na 'to. Pilit niyang inaagaw ang mga paper bag sa akin kahit kaya ko naman.

"Ako na nga—" Nabitin ang sinasabi ko pagbukas namin ng pinto nang malakas na sumigaw si Aliyah.

"Axle Theodore Sevilla, someone's waiting for you!" Tili niya, kaagad akong napatingin sa kanilang lahat na nasa sala, nabitin ang pagkuha ni Kuya Axle sa mga gamit ko.

Mom, Tito Ryan and Aliyah are there with a woman with a curly brown hair.

"Hi, Theo! I miss you so much," malumay na wika ng babae.

Napaatras ako nang tumayo ito at tumakbo papalapit kay Kuya at mabilis na hinalikan sa labi. Aliyah shrieked in excitement, Mommy and Tito Ryan laughed as if they were just watching a romance movie.

Halos malaglag ang aking panga doon, who's this girl? Is she the one he was talking about? The girl he loved?

Parang may magbara sa aking lalamunan, kinalas ni Kuya ang kapit ng babae sa kaniyang leeg, kita kong bahagyang pumula ang labi niya dahil sa lipstick ng babae na lumipat na sa kaniya.

Bahagya akong nilingon ng babae.

"G-Godwin what are you doing here?" gulat na wika ni Kuya Axle sa kaniya at bahagyang tinulak palayo sabay lingon sa akin.

Tsk. Kabado bente?

Mabilis akong umalis sa tabi niya't humalik sa pisngi ni Mommy, ang ngiti niya ay nandoon pa rin habang nakatingin sa dalawa at hawak ang kamay ni Tito Ryan. Balewala ang presensiya ko, no how's your day anak? No, kumusta? Kumain ka na ba anak?

Mas lalong sumama ang pakiramdm ko dahil doon, nagmano ako kay Tito Ryan.

"Oh, shopping?" tanong ni Aliyah nang mapansin ang mga hawak ko. "Dapat sinama niyo ako."

Tumango ako at ngumiti sa kaniya bago na pumanhik sa itaas. Sa huling pagkakataon ay nilingon ko sila sa ibaba bago ako tuluyan maka-akyat ay nagtama ang mata namin ni Kuya Axle.

They look like a happy family.

Mabilis kong inayos sa maliit na lamesa sa aking kwarto ang mga binili ko, I dropped a message to Daddy about what happened today and about my project. I'm not sure if he's free to call kaya chinat ko na lang bago ako naligo.

Bakit ganoon?

Maganda ang bahay na 'to, kumakain ako ng sapat, may pera ako, kumpleto ang gamit at masasabi kong hindi naman ako napapabayaan pinansyal pero parang may kulang?

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon