Kabanata 17

75.9K 3K 1.6K
                                    


Kabanata 17:


              MALALAKI ang hakbang ko papasok sa bahay, natatakot akong maabutan ako ni Kuya Axle at kung anong maaari niyang gawin kahit may ibang tao, hanggang ngayon ay parang nararamdaman ko pa rin ang kaniyang labi sa akin.

Pagkapasok ko sa bahay ay wala sila sa sala, mabilis kong umakyat sa aking kwarto para magkulong. Napatigil ako sa paglakada nang maabutan ko si Tito Ryan na kakalabas lang ng aking kwarto.

Pansin ko ang pagkabalisa ng kaniyang mukha, tagaktak ang kaniyang pawis mukhang nagmamadali.

What did he do inside my room?

Kaagad akong nagtago sa isang malaking paso sa gilid bago pa niya ako makita. Nakita kong luminga-linga siya bago pumasok naman sa kwarto ni Kuya Axle.

Hindi ko alam kung dederetsyo ako sa kwarto ko o aalis. Hahakbang na sana ako paatras nang biglang may nagsalita.

"What are you doing there?"

Gulat akong napalingon kay Aliyah, kaagad akong tumuwid ng tayo. Seryoso ang kaniyang mukha, hindi ko alam kung galit siya dahil hindi iyon ang normal na ekspresyon na binibigay niya sa akin sa normal na araw.

"What are you doing?" ulit na tanong niya.

"A-Ahm, may hinahanap lang ako rito mahulog... P-Pupunta na ako sa kwarto ko," kinakabahan wika ko.

Sandali niya akong tinitigan. Shit, sabi ko na e, hindi ako magaling magsinungaling. "Pumasok ka na sa kwarto mo, baka mabasag mo pa iyang vase." Turo niya sa bonsai na tinaguan ko kanina.

Tumango ako at tinalikuran siya, ramdam ko ang pagsunod ng kaniyang tingin sa akin. Mabilis akong pumasok sa loob ng aking kwarto at nilock iyon.

Ano bang problema ng pamilya nila?

Tito Ryan went to my room, kahit bahay niya ito ay hindi pa rin tama na basta siya pumapasok dito lalo't babae ang may-ari. Aliyah's cold treatment to me, wala naman akong ginagawa ha? Kahapon ay ginising niya pa ako. Was she mad because of Vonna? Dahil ba kaibigan ko si Cleo at magkaaway ang dalawa ay magkaaway na rin kami? Kuya Axle's feelings for me, hindi ba siya kinikilabutan? Hindi ba niya naiisip ang puwedeng mangyari kapag nalaman nila iyon. Natatakot ako dahil sobrang laki ng tiwala ko sa kaniya. My mom's changed of mood, napunta lang siya rito ay parang nagbago na siya.

Hindi ko na alam.

Nanghihinang napa-upo ako sa kama.

Gusto ko na lang umalis pero wala akong pupuntahan at isa pa ay nag-aaral ako, ayokong matigil iyon dahil naisip kong hindi matutuwa si Daddy. Hindi ko rin alam kung kaya kong iwan si Mama rito, kahit pa nga hindi kami ayos na dalawa.

Muling bumalik sa isip ko ang nadatnan, anong ginawa ni Tito rito?

Kinabahan ako sa naisip ko, ayokong mag-isip ng masama dahil hindi naman gano'n si Tito Ryan pero hindi pa rin ako kampante.

Inilibot ko ang aking tingin sa buong kwarto, mula sa kisame, sa mga nakasabit na pwedeng lagyan, sa maliit na istante at lamesa. Nagbabakasaling makakahanap ng maliit na camera. I know, that's impossible. Why would he put something like that in my room? Maybe he was just looking at something, but what?

Hindi ako mapakali, pakiramdam ko tuloy ay bawat galaw ko'y may nanunuod sa akin. Am I paranoid? This the reason why I should stop watching drama movie, kung ano-anong naiisip ko.

Hanggang sa sumapit ang hating gabi ay dilat na dilat ako. Hindi ko alam kung bakit hindi ako dinadalaw ng antok kahit pa anong pikit ang gawin ko. Tinawag ako ni Mommy kanina para kumain pero hindi ako lumabas, nakatitig lang ako sa aking phone habang nakahiga.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon