Kabanata 13

86.8K 3.5K 1.4K
                                    

Kabanata 13: Slight Matured Content. (Children alam niyo na)



                   TAHIMIK ang buong bahay habang nasa kusina ako at nagba-bake ng cake, alas-onse na ng gabi at kahit anong pikit ko sa kwarto kanina ay hindi ako madalaw ng antok kaya naman bumaba na lang ako at nagbake ng kung ano.

Hindi naman siguro sila magagalit kung gagamitin ko 'tong harina't itlog?

Habang naghahalo ng ingredients ay lumilipad ang isip ko sa pag-alis nila. Nandoon na kaya sila? Nakita na ba ni Kuya Axle 'yong ipapakilala sa kaniya? Siguro tuwang-tuwa na 'yong mokong na 'yon doon.

Binuksan ko ang cellphone ko para tingnan ang mga mensahe sa lumipas na oras.

Kiyo ♡
Asherah, Can We Talk Tommorow? Importante lang. Have A Good Night.

Daddy:
NAK TPOS NKMI MGDINNER. KMUSTA STUDY MO? INGAT KA DYAN. HWAG KA MKULIT PRA HNDI MGALIT SI MOMMY MO. TIIS LANG NAK. KPAG UWI KO TPUSIN KO LNG KONTRATA KO TPOS KUNIN NKITA. LAV YU NAK. SGE NA NAND2 NA SI BOSS...

Cleobebs:
Hi, Ash. Sorry sumama ang pakiramdam ko kanina kaya umuwi na ako. Kitakits bukas. Good night! :>

Gusto ko sanang tawagan si Daddy para magkwento sa mga nangyari ngayon araw pero alam kong baka may ginagawa na siya ngayon doon.

Ito ang unang birthday ko na wala si Daddy at Mommy. Noon, kahit paano ay masaya kami. Hindi naman ganyan noon si Mommy, nagbago lang siya noong makita niya ulit si Tito Ryan.

I saw my Dad cried and begged for my Mom. Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'yon, nakita ko kung paano magmakaawa si Daddy kay Mommy para hindi kami iwan. Kaya hindi ko masisisi si Daddy kung lunurin niya ang sarili sa pagta-trabaho sa ibang bansa, pakiramdam ko ay doon na lang niya binubuhos ang oras niya para lang makalimot.

I missed my family so much.

Ang hirap pala mapunta sa posisyon na parang walang may gusto sa'yo. Speaking of likes... Is Kuya Axle's done with his trip? His lust over me? Halos dalawang buwan na rin ang nakalipas nang umamin siya, siguro ay tapos na 'yong pagkagusto niya sa akin?

Siguro ay pansamantala lang iyon.

Napakurap-kurap ako ng biglang may tumulong luha sa kamay ko. Umiiyak na ako?

Kaagad ko iyon pinunasan.

Ang hirap pala ng ganito, 'yong wala ka mapagsabihan ng mga pinagdadaanan mo tapos sinasarili mo lang kasi hindi mo alam sino ba talaga ang totoo sa paligid mo. Hindi mo alam kung kanino ka magsasabi kasi wala naman makikinig kaya minamabuti kong sa akin na lang lahat.

Nasasaktan akong ganito na ang trato ni Mommy sa akin, na balewala na lang talaga ako. Nasasaktan din ako kapag naiisipin ko na magkakagusto sa iba si Kuya Axle. Na totoong libog lang 'yon nararamdaman niya. Why it hurts so much?

Tama naman ang ginawa ko hindi ba? He's mom's son now, mali kung gugustuhin ko rin siya. Mali kapag hinayaan ko rin na magustuhan siya, dapat pag-aaral lang ang inaatupag ko. Alam kong mali na patulan ang init na nararamdaman namin sa isa't-isa.

I can't hide it anymore, I like him too. I admit, I can feel the attraction, the fire, the magnet between us. Sa tuwing nandyan siya ay para akong napapaso.

Masasabi bang makasarili kung hihilingin kong manatili niya akong gusto.

"Ginusto mo 'yan, Ash," bulong ko saka napahikbi.

Even I stop myself, I know. I like him secretly. Noon pa, nang makita ko siya kaya siguro ako naiilang kapag nandyan siya, kaya ako natatakot kapag nakatingin siya, because I like him and I'm scared because I know it's wrong.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon