Kabanata 11

81.8K 2.9K 2K
                                    


Kabanata 11:

DALAWANG BUWAN ang nagdaan ng simulan kong iwasan si Kuya Axle. Sa umaga ay maaga akong gigising para hindi niya ako maisabay at ganoon din sa hapon, kung hindi ako maagang uuwi ay magpapa-late ako. Kung minsan ay si Kiyo ang naghahatid sa akin.

Sa bahay ay hanggat maaari ay hindi ko siya kausapin, hanggat maaari ay umiiwas ako dahil alam kong mali iyon nangyari at umaasa akong mawala 'yong nararamdaman niyang iyon kung totoo man.

I really need a diversion too.

"Nakuha ko na 'yong sa akin, napaliitan mo na 'yong sa'yo?" tanong ni Kiyo isang hapon habang nasa patahian kami ng damit para sa intrams bukas.

Umikot ako para ipakita sa kaniya ang gilid ng shirt ko na pinaliitan ko. "Tingnan mo awkward ba?"

Lumapit siya at tiningnan iyon."Hmm hindi naman halata, okay na 'yan."

Tumango ako saka pumasok ulit sa fitting room para ihubad na. Noon nagpasukat kasi kami para sa tshirt ay medyo malaman pa ang katawan ko, ngayon ay mukhang pumayat ako kaya lumaki ang damit ko't kinailangan paliitan.

Nang makalabas ay napatigil pa ako nang makita si Sage, Casper sa sofa doon habang nakatayo si Felix at kausap si Kiyo. Kaagad akong kinabahan dahil alam ko na kaagad kung sinong kasama nila at hindi nga ako nagkamali.

Lumabas sa kabilang fitting room si Kuya Axle, nagkagulatan pa kami.

His eyes dropped on my lips.

Kaagad ko siyang nilampasan para lumapit sa babaeng mananahi. "Okay na po ito, kukunin ko na rin po 'yong isang pinagawa ko po, may Asherah Velasco sa gilid," wika ko sabay abot no'n para maibalot niya.

Umalis ang babae at pumasok sa loob ng isang kwarto doon, maybe their stock room.

Mula sa gilid ng aking mata ay kita kong lumapit si Kuya Axle sa mga kaibigan niya, inabala ko ang aking sarili sa kunwaring pagtingin sa mga nakasabit na damit. Pinakita niya ang varsity uniform nila sa mga kaibigan, ang alam ko ay sa huling araw pa ang laro nila.

Sevilla #08

"Dude, nagtext sa akin si Pam. You asked her out daw sabi niya last week tapos ngayon araw hindi ka na nagtetext, she's asking if you're dating someone. Ano sasabihin ko?" Medyo natatawang wika ni Felix, halatang handa ng magsinungaling kung ano mang sabihin ni Kuya sa kaniya.

Kumunot ang noo ko roon pero hindi pa rin ako lumingon.

"I'm busy," wika ni Kuya.

"Yeah right he's busy with his new pussy," wika ni Casper saka humalakhak.

Bahagya ko silang nilingon, mga ugok.

"I'm not like that, gago." medyo nakangising wika niya sabay hubad ng damit doon na para bang wala ako doon.

Eh ano sa akin? Tsk.

"Sus, you got your first tongue piercing, right? Paniguradong may pinapormahan 'tong si Ax kaya nagpapa-impress e. Malihim lang, akala mo naman binibini," segunda ni Sage.

"Patingin nga, ilang araw na 'yan?" buong kuryosidad ni Kiyo.

Kuya Axle stuck his tongue out, I can't help but to look at his piercing tongue, bahagya akong lumapit na sa kanila.

Kaagad kong nakita ang maliit na bilog na kulay itim sa gitna ng kaniyang dila. Damn! Hindi ba masakit 'yan? Alam ba ni Tito Ryan iyan?

"Mag-isang linggo na." Nagtama ang aming mata, nawala ang ngiti sa kaniyang labi kaya kaagad akong kinabahan.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon