Kabanata 7

79.6K 3.4K 1K
                                    





Kabanata 7:


"Nagtext na si Aliyah mahal, susunduin ko na siya." Kahit nakatuon sa telebisyon ay hindi ko maiwasan tumaas ang kilay dahil sa sinabi ni Tito Ryan kay Mommy. Kahit pa nga lagi ko na naririnig ang tawagan nila ay kinikilabutan pa rin ako. I can't imagine my mom, calling other man mahal, kissing and hugging. Gosh, this is torture.

Umayos ako ng upo nang makarating sila sa sala.

"Ash, pinapasama ka ni Aliyah sumundo dahil may ipapakita raw siya," ani Tito Ryan. Kumunot ang noo ko pero tumango na lang at sumama sa kaniya, I didn't mind to change my clothes, ayos na 'tong sando at shorts tutal ay hindi naman ako bababa ng kotse.

"Mom alis na kami," paalam ko kay Mama.

"Sige," aniya saka lumapit kay Tito Ryan at humaplos sa braso. "Ingat ka sa pagdrive mahal ha."

Nagpatiuna na akong lumabas ng bahay bago pa ako masuka. Wow, my mom is so sweet huh?

Sumakay ako sa likod ng kotse ni Tito Ryan at hinintay siya doon. Nakita kong may sinabi pa sa kaniya si Mommy at nagtawanan sila, actually Tito Ryan looked young and sweet. Kumbaga kapag tinitigan mo siya ay malumanay na Tatay ang makikita mo, iyong ngingiti lang sa gilid at parang hindi nagagalit. Compare to my Dad, minsan iniisip kong iyon ang nagustuhan ni Mama sa kaniya.

Nakakapagtaka rin kung saan nagmana si Kuya Axle, he looked so hard and manly, walang-wala sa pagiging maamo ng Daddy niya at pala-ngiti.

"I'm happy that you're starting to get along with Aliyah and Axle. Nitong mga nakaraan linggo ay pansin kong nagkakasundo na kayo ni Axle," masayang pahayag ni Tito habang nasa biyahe kami.

I know, he's trying to remove the borders between us.

Tumikhim ako. Kung alam niyo lang, madalas pa rin ho akong awayin ng anak niyo lalo na sa school.

"Medyo po."

Simula ng makatulog ako sa kwarto ni Kuya Axle ay medyo naging close na kami, medyo lang. Siguro ay nabawasan lang ang ilang ko sa kaniya dahil nandoon siya noong panahon kailangan ko ng kasama.

Ganoon siguro talaga ako kadaling ma-attached sa isang tao.

Dalawang linggo na simula noon, dalawang linggo na rin simula ng makilala ko si Godwin, his ex girlfriend slash old friend ni Aliyah sa dating school nila at inaanak ni Tito Ryan. Nalaman kong nagtransfer siya sa University kung nasaan kami kaya pala pumunta siya sa bahay noon.

"Ash?"

Gulat akong napalingon kay Tito Ryan nang pumitik siya sa harapan ko, hindi ko namalayan nakatulala na ako. Badtrip.

"P-Po?" Inilibot ko ang paningin at doon ko lang nakitang nakahinto na kami sa labas ng University.

"Sabi ko may gusto ka bang bilhin bago tayo umuwi? Baka may gusto kang kainin?" medyo nag-aalangan tanong niya.

Umiling ako at tumingin sa labas ng bintana. Naabutan kong nagpapaalam na si Aliyah sa mga kagrupo niya sa sayaw, natanggap siya sa pinag-awdisyonan niyang grupo. I looked at him, he's wearing a white shirt and a jersey, may practice rin sila sa basket ball.

Kaya kahit sabado ay nasa school sila, ako lang ata itong walang talent? O sadyang tamad lang ako.

Kumaway si Kuya Axle sa mga barkada niya bahagya kong binuksan ang bintana para pasimpleng marinig ang pinag-uusapan nila.

"Mamaya dude ah? Baka sabihin mo na naman masakit tiyan mo! Gago susunduin ka talaga namin!" narinig kong sigaw ni Casper.

Nakita ko rin doon si Vonna, kumaway siya sa akin saka sumenyas ng 'nine' kaya alam ko na kaagad ang ibig sabihin noon.

Burning SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon