27

1.2K 36 12
                                    

Eila's Pov

Maaga ako nagising kinabukasan yung bigat ng pakiramdam ay pilit kong winawaglit sa isip ko..

"Goodmorning Eila"

Halos mabitawan ko ang hawak kong tabo na gamit ko sa pagdidilig dahil sa pagkagulat ko ng biglang may pamilyar na nagsalita sa tabi ko..

Nilingon ko siya.. nakita ko ang pagmumuka niya na ngiting ngiti sa tabi ko..

Ayus din,parang walang nangyari ah,wagas kung makangiti.

"Nga pala Eila pinabibigay ni Manang Cora" sabay inabot niya sa akin ang isang malaking mangkok na puno ng nilutong ulam tinola ata..

Napakunot ang noo ko,nagtataka kung paanong siya pa talaga ang inutusan ni Manang Cora na magdala ng ulam?

Alanganin man ay tinanggap ko,dahil hindi naman yun galing sa kanya..

Pumasok ako sa looba at isinalin ang laman ng mangkok sa isa pang mangkok at saka muling lumabas.

"Pakisabi kay Manang Cora Salamat"  malamig kong turan ko na hindi tumitingin  sa mukha niya..

"Pwede ko bang dalawin si Orienne?" 

Napahugot ako ng hininga, ayoko man ay ayokong ipagkait sa anak ko ang magkaroon ng isang ama,lalo pa at kelan lang sila nagkita.

Walang reaksyon ang muka ko na tumango ako..

"Salamat sweety ko" masayang sabi niya,ikinagulat ko na niyakap niya akong bigla, "Pangako,babawi ako sa inyo"

Sa kabiglaan ay di ako agad nakapag react.  nang matauhan ay tinulak ko siya.

"Sa anak mo lang kailangang bumawi,hindi na sa akin"

"Nagsusungit kana naman,yung kilay mo nag aabot na naman"

Humalukipkip ako, siryosonh tumingin sa kanya..

"Papayagan kitang makita si Orienne kahit araw-araw pa,basta wag mo akong pakikialaman at wag mo akong kakausapin kung walang kinalaman sa anak ko" yun lanh at tinalikuran ko na siya.

Kahit hindi pa ako tapos mag dilig ay pumasok na ko sa loob para gumayak at pumunta ng Groceries..

ONNIX's POV

"Ang sungit"

Kahit kelan talaga napakasungit ng babaeng yun.. Kung hindi ko lang mahal ang babaeng naka,malabo na suyuin ko siya ng paulit ulit..

Hindi ako madaling sumuko kahit pa Engaged siya..Isa pa wala akong pakialam sa lalaking Yun..kahit pa 2nd cousin ko siya.

sisiguraduhin kong Sa akin,Sa akin makakasal si Eila at hindi sa kung sinong lalaki lang..

Handa kong gawin ang lahat para sa kanila ng anak ko.. isang pagkakamali ang iwanan ko siya noon,

Pagkakamali na pinagsisisihan ko at sinunod ko ang gusto ng mga magulang ko dahil sa isang kasinungalingan at gawa-gawa lamang ni Holley..

Naikuyom ko ang palad ko at hindi ko maiwasang magalit sa pag alala ng lahat..

"Oh Onnix nakabalik kana pala"  Biglang nagsalita si Manang Cora..

"Salamat daw po sa padala" walang gana kong sabi..

"Basta huwag kang susuko, ipagpatuloy mo lang ang ginagawa mo" Yun lang at tinalikuran na ako ni Manang Cora papuntang kusina..

Kaya nga kinapalan ko na ang mukha ko na makituloy dito pansamantala para makalapit sa magina ko..

Alam kong kahit papayag si Mama Maya na duon ako mag stay ay hindi naman papayag si Eila.

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon