NOT EDITED
Eila's POV
Nagising ako dahil sa tawa-ng isang babae.
Sino ba ang malanding babaeng iyon na kung makatawa akala mo wala ng bukas.
Bumangon ako para puntahan yung malanding babae na yun..
"Anak gising kana pala" salubong sa akin ni Mama hawak niya pa yung pinggan na may laman na kanin.
Dito kasi ako tumuloy sa likod bahay.
Agad na nagsalubong ang kilay ko ng makita si Monette na nakaupo sa putol na bahagi ng puno habang ang Gagong si Onnix ay nagyayabang.
Nakahubad na nagppose sa Harap ng babaeng makati na to habang pinapakita ang muscle niya.
Biglang umakyat ang dugo ko sa ulo ko.. pakiramdam ko umusok ang ilong ko sa bwisit ko.
Ano ba talaga ang ipinunta ng lalaking yan dito?
Para bwisitin lang ang bawat araw ko?
"Anak tara kumain na ta---" hindi na naitoy ni Mama ang sasabihin niya dahil lumakad ako palapit kay Monette.
"A-aray" daing ni Monette kasi hinila ko ang buhok niya.. "Onnix, tulungan mo ko, nAsasaktan ako"
Humingi pa talaga ng tulong kay Onnix kapal ng mukha.
"Sweety ko nasasaktan siya" lumapit si Onnix tapos hinawakan niya yung kamay ko at pilit na inaalis sa buhok ni Monette.
Lalo ko naman hinigpitan ang hawak sa buhok niya at lalo ko pang hinila.
Ewan ko kunh saan nanggaling ang lakas ko at hinila ko siya.. nakaladkad siya sa lupa..
"Aray ko ,, huhuhuhu" iyak ni Monette..
Tama lang yan malandi ka kasi, gusto mo lahat ng lalaki mukuha mo, pati ama ng anak ko gusto mo rin..
Nanggigigil talaga ako gusto ko niya ihampas sa pader habang hawak ko tung buhok niya.
"Sweety tama na yan" awat parin ni Onnix.
Pabalibag kong binitawan ang buhok ni Monette..
Tapos pinagpag ko ang dalawang kamay ko..
"Monette okay ka lang ba?" Agad na nilapitan ni Onnix si Monette.
Siniringan ko sila,,
"Huhuhuhu, ang sakit ng ulo ko"
"Ang arte mo namn masyado para binati lang kita" nakangisi ko pang sabi.
"Binati?" Si Monette, "Eh Halos makalbo na ko" galit na tugon ni Monette habng umiiyak.
"Maka arte ka, bakit nakalbo kaba?" Pamimilosopo ko. "Hoy ikaw Onnix" baling ko kay onnix, "Ayoko ng makita ang babaeng yan dito kung gusto mong pati ikaw palayasin ko" banta ko sa kanya.
"Opo kamahalan"
"Good"
Tatalikod na sana para pumasok sa kusin pero natigilan ako ng marinig ko ang paguusap nila.
BINABASA MO ANG
My Cousin's Girlfriend
General FictionPaano kung ma inlove ka sa babaeng itinakda ng pakasalan ng pinsan mo? WARNING: SPG CONTENT... 18 up only.. pero kung mapilit ka.. sige basa lang.. wag lang ireport owkie..
