C12

5.2K 84 37
                                    

Not edited...

EILA's POV

Alas tres ng hapon ay nasa harap ako ng sibdivision nila Onnix nag aabang ng taxi para pumunta kina Marcus..

Ayokong isipin nila na galit ako sa kanila kaya hindi ako makakapunta.. Kaya pupunta ako para hindi sila magisip ng ganun.

Kailangang ipakita ko na okay ako kahit na niloko ako ni Marcus sa simula ng kwento.

Napakunot ang noo ko ng huminto ang kotse ni Onnix sa harap ko.. Alam na alam ko ang sasakyan na yun kaya kahit hindi ko pa siya nakikita ay alam ko ng kanya ito..

Amoy Toyo eh!

Kung amoy toyo siya anung klaseng toyo naman kaya siya?

Malamang siya yung klase ng toyo na tinitingi sa palengke... 20 pesos kasing laki na ng 1.5..

Napangiti ako sa isipin yun.. nakita ko lang ang kotse niya ay naglayag na ang utak ko..

"Aray!" Nasabi ko nalang ng maramdaman kong pinitik niya ang noo ko.. kaya napahawak ako duon at sinamaan siya ng tingin..

"Anung nginingiti-ngiti mo diyan, mukha ka kayang tanga!" Salubong ang kilay na turan niya..

Aray ko!!

Bwisit na to, nananakit na rin siya ngayon.

"Ano naman ang pakialam mo?" Masungit na tanong ko sa kanya.

Ngusmisi siya sa harap ko.

Jusko ang gwapo niya talaga..

Ano bang naiisip ko.. erase erase erase.. sabay napailing ako.

"HaHahahaha!" Malutong na tawa niya.. "Yan ang sign na nababaliw kana kasasama mo sa pinsan kong si Marcus."

Sinamaan ko siya lalo ng tingin. Ako ba ang sinasabihan niyang nababaliw? Yung ganda kong to?

"Ikaw ang baliw, pa iba iba ka ng ugali, pibolar ka?"

"Alam mo ba ang Bipolar?" Nakangising tanong niya sakin, "Wag mong basta basta sinasabi kung hindi mo alam ang meaning, wag kang tanga!"

0uch!!

Gagong to, kahit papano naman alam ko yun,, siya ang tanga.

"Sumakay kana sa kotse?" Kunot noong utos naman niya ngayon.

"Bakit naman ako sasakay diyan?"

"Dahil sinabi ko!!!" Nanindig ang balahibo ko dahil bigla siya sumigaw.

"Bakit sumisigaw?" Kahit nahihirapan ako dahil matangkad siya ay dinuro ko ang nuo niya..

"Sasakay ka o bubuhatin kita?" Nanlaki ang mata ko sa tanong niya.

Ayokong buhatin niya ko, pero ayoko rin sumakay ng kotse niya.. Tiyak na ibabalik niya ko sa bahay niya. Pupunta pa ako sa Condo ni Marcus.

Nagningning ang mata ko ng may parating na jeep.

Pinara ko iyon at nagmadaling lumakad.

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon