EILA's POVNagising ako sa sunod-sunod na katok mula sa labas ng Condo ni Marcus.
"O-Onnix?" Patanong kong banggit sa pangalan niya.
Ano naman kaya ang ginagawa ng lalaking ito dito?
Nagulat ako ng bigla niya akong ikulong sa mga bisig niya..
Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin na para bang ayaw na niya akong bitawan.
"Huwag ka nga yakap ng yakap basta-basta" naiinis na sabi ko.
"Ano ba dapat? Magpapa-alam muna ako?" Nakangiti niyang sabi
"Kamusta ka dito?" Habol na tanong niya."O-okay naman, ano ba ang ginagawa mo dito, wala si Marcus dito" nagtataka lang ako bakit nandito siya?
"Alam ko, hindi naman siya ang sinadya ko dito kundi ikaw" nakangiti niyang sabi.
Shocks... bakit ang gwapo niya?
"A-ako bakit ako?" Bwisit naman oh. Bakit ba ako nauutal?
"Ibibigay ko lang ito" inabot niya sa akin ang isang kahon.
Tatanggapin ko ba ito? Baka bomba ang laman nito?
"Abutin mo kaya nakakangawit" reklamo niya.
Inabot ko namn saka ko binuksan. Cellphone?
"Bakit mo naman ako bibigyan ng cellphone?" Kunot noong tanong ko.
"Hindi ko yan bigay, utang yan utang" parang joke ung pagkakasabi niya pero siryoso ang mukha niya.
"Ayoko niyan" binalik ko sa kanya ang kahon.
"Bigay ko yan noh, alam ko naman na mis na mis mo na ko pero hindi mo alam kung paano mo akong matatawagan, kaya binibigyan kit" nakangisi na niyang sabi.
"Sino namang may sabi na mamimis kita?"
"Haist alam na alam ko yan kaya kapag namimis mo ko at gusto mo kong makita tawagan mo lang ako darating ako, kahit natutulog pa ko, kahit pagod pa ko, basta ikaw gagawan ko ng paraan yan" nakangiti niyang sabi.
"Sige, na umalis kana" sabi ko.
"Pinapaalis mo na ako? Hindi mo pa nga ako inaalok ng kape mo diyan." Tinulak ko na siya palabas ng pinto..
"Teka naman, ipangako mo muna na tatawagan mo ko" pinipigilan niya akong pagtulak ko sa kanya.
"Ou na tatawagan na kita" sabi ko..
"Talaga ha, basta maghihinTay ako" nakangiti parin niyang sabi.
"Ou tatawagan kita" naitulak ko na siya palabas ng pinto, "Pero hindi ako nangangako kung kelan kita tatawagan" sabay sara ko ng pinto..
Napasandal ako sa pinto.hawak ko sa dibdib ko ang cellphone na bigay niya.. Parang tangang napangiti ako at kinilig pa.. sa edad kong ito na wala na sa teen ay tama bang maramdaman ko pa ito?

BINABASA MO ANG
My Cousin's Girlfriend
Narrativa generalePaano kung ma inlove ka sa babaeng itinakda ng pakasalan ng pinsan mo? WARNING: SPG CONTENT... 18 up only.. pero kung mapilit ka.. sige basa lang.. wag lang ireport owkie..