C16

4.3K 85 43
                                    

Dahil love ko kayo eto na yung kasunod.....

Hindi ako nag eedit wag mo ng pakialaman kung mali-mali ang grammar at letra, gawa ka ng sayo at yun ang laitin mo, para my magawa ka naman...

Eila's POV

Sa panahon ng Quarantine ay naging mabait sakin si Onnix.

Minsan ay pinagtitripan niya parin ako pero hindi na naman katulad ng dati na nagsusungit siya.

Kung Hindi sguro nagkaroon ng virus ay nakauwi na dapat ako sa amin. Kasi lastweek ang dapat na kasal namin ni Marcus..

Kasal hindi naman namin na balaka pang ituloy.

Nakakatuwa lang isipin na naging okay na lahat kina Marcus.

Alam na ni Tita Marie na buntis si Sheree,nung una ay nagalit ito at hindi makapaniwala na nagawang ilihim ni Marcus ang tungkol kay Sheree pero sa bandang huli ay natanggap din nito ang lahat.

Humingi sila ng paumanhin sa akin dahil sa kasal na ipinangako nila sa akin na hindi namn daw pala matutupad.

Sinabi ko na ayos lang ako,at masaya ako para kina Marcus at Sheree.

Matatapos na ang Quarantine at pababa narin ng pababa ang mga apektado ng virus sana lang ay magtuloy tuloy na.

Gusto ko ng umuwi, hindi ako pwedeng magtagal pa ng higit pa sa dalawang buwan dito sa bahay ni Onnix.

Hindi niya pwedeng malaman ang tumgkol sa kalagayan ko.

Ou Buntis ako..

Pagsisisi?

Hindi ko yun nararamdaman sa ngayon, masaya ako na may isang buhay na nabubuo na ngayon sa sinapupunan ko.

Iingatan ko ang batang ito..

Mahal ko ba si Onnix?

Hindi ko alam, masyadong magulo ang isip ko.. ayoko munang pagtuunan ng pansin sa kung ano ang narardaman ko sa ama ng batang ito.

Ang importante ay mkapagpacheck up ako sa oras na matapos ang Quarantine na ito at makabalik na ng Probinsya namin at duon ko iluwal ang bata sa aking sinapupunan.

"Hi Sweety" bati saakin ni Topak, lumabas pala siya paa maggrocery hindi niya ako sinama dahil bawal ang may kasama. "Para sa aking sweet and spicy Pancit canton" nginisihan niya ako at inabutan ako ng isang bugkos ng bulaklak.

Nasabi ko na ba sa inyo na ganyan na siya ka sweet sa akin simula ng lumabas ako ng hospital nung nkaraan.

"Ang baduy mo Chilimansi"

"Hahaahahahahahaha" sabay pa kaming tumawa..

Ganyan na kaming magbiruan ngayon corny pero nakakatuwa.

Dinampian niya ako ng isang halik sa pisngi.

Ou hindi ko na nga tinututulan yun ngayon parang nasanay narin ako.

Ewan ko pero ang cute-cute na niya sa paningin ko. Lalo pag tatawa siya.

Hindi ako nagsusuot ng mga fit na damit para hindi niya mahalata ang pag umbok ng tiyan ko.

Magtatlong buwan na kasi ito..

"Tumataba ka yata ngayon Sweety ko" biglang sabi niya ng nasa kusina kami at nagluluto siya.. ako nakaupo sa hapag at kumakain ng apple at orange.

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon