26

1.4K 27 20
                                    


Eila's POV

"Salamat Alwyn!" nakangiting sabi ko bago ako bumaba ng kotse niya..

Tinanaw ko pang paalis ang kotse niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.. papasok na sana ako ng bahay ng may mapansin ako..

Isang kotse na sa ayos nito ay mukhang mamahalin..

Hindi ko pinansin at nagtuloy na sa loob ng bahay..

Si Mama sa sala at mahimbing na natutulog..

a. gigisingin ko ba siya para makalipat siya sa kwarto niya

b. Hahayaan ko nalang siyang lamukin diyan

napagdesisyonan kong pillin ang b..

Makaganti naman ako pagiging atribida niya..

Nakangiti akong pumasok sa loob ng kwarto ko..

Namimis ko na ang anak ko..

Pero pagbukas ko ng pinto ay napatulala ako sa kung sinong nakahiga ngayon sa kama ko katabi ng anak ko..

Mabilis akong lumabas at isinara ang pinto.

"A-anak nakabalik kana pala?" tila namumutlang tanong ni Mama..

Malamang ay nagising siya sa lakas ng pagkakasara ko ng pinto..

"A-anak?" Lumapit siya sa akin pero iniiwas ko ang aking sarili.. Lumakad ako at nilagpasan lang siya..

Pakiramdam ko ang dating sakit ay bumalik.. ang dating alaala ay nanumbalik para muli akong masaktan..

bakit ngayon pa?

"Yes" tugon ko sa tanong ni Alwyin..

Kitang kita ko kung paanong unti-unting nagkakorte ang kanyang mga labi dahil sa kanyqng narinig..

Kinuha niya  ang singsing at dahan-dahang isinuot sa akin..

Handa na ako para sa panibagong buhay na haharapin ko kasama si Alwyn..

Naglapitan na sa amin ang mga kamag anak niya para batiin kami..

Masaya ako ngayong gabi.. totoong masaya ako.. Dahil sa kabila ng lahat ay may isang lalaki parin ang handa akong tanggapin kahit may anak na ako..

At ipinagmamalaki ko kung gaanong kabuti ang lalaking nasa tabi ko ngayon..

Tumulo ang luha ko ng hindi ko namamalayan..

Napaiyak na lamang ako sa aking mga palad...

Bakit ngayon kapa bumalik kung kelan nagsawa na akong mahalin ka.. kung kelan nagsawa na akong maghintay?

Napalingon ako sa kwarto ng bumukas iyon ay iniluwa siya..

Nakita ko kung paanong nagulat siya ng makita akong umiiyak..

Si Mama naman ay nataranta di alam kung kanino lalapit.. kung sa akin ba o sa  paborito niyang nilalang sa buong mundo..

Sinamaan ko ng tingin si Onnix..  kahit walang tigil ang pagtulo ng luha ko.

Nagmadali akong tumayo at lumapit sa kanya..

"Lumayas ka" Galit na sabi ko at pinipilit ko siyang hilahin patungo sa pinto pero sadyang malakas siya..

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon