C-17

3.5K 85 19
                                    

Eila's POV

"Maraming salamat Marcus" nakangiti kong sabi sa kanya.

Nilingon niya ako at saka ngumiti.

"Hindi ba karapatan niyang malaman ang kalagayan mo?"

Ngumiti ako "Sasabihin ko rin naman sa kanya?"

"Kelan?"

Ngumiti ako sa kanya uli, "Mamaya pagkauwo ko sa bahay"

Nagpasundo kasi ako kay Marcus sa bahay ni Onnix para samahan niya akong magpacheck up..

Sinabi ko sa kanya ang kalagayan ko. Natuwa naman siya at binati ako..

Dito niya ako dinala sa OB ni Sheree..

"Bakit naman dito mahal dito hindi ko kaya ang presyo?"

Ngumiti si Marcus, "Don't worry akong bahala, saka pamangkin ko rin naman iyan kaya ikatutuwa kong tulungan ka, basta wag mo lang patatagalin ang pangsasabi sa kanya, baka hindi ako makatiis, ako pa ang magsabi"

Ngumiti nalang ako sa kanya.. Ayon sa doctor 6weeks na akong buntis at walang dapat na alalahanin dahil okay ang baby, kailangan ko lang uminum ng vitamins.

Matapos ang check upa ay nagpahatid na ako kay marcus.

Buo na ang disisyon ko na sabihin sa kanya ang lahat..

Wala siya sa bahay ng umalis ako kanina dahil maaga siyang nagtungo sa office niya. Dahil sa naiwang trabaho ng dahil sa lockdown..

Kaya ng matapos ang lockdown ay agad na siyang natungo sa office, agad ko na rin naman tinawagan si Marcus.

Masaya kong ibabalita sa kanya ang tumgkol sa aking pagbubuntis bahala na kung tanggapin niya o hindi. Hindi man niya tanggapin ay uuwi ako ng probinsya alam kong kahit nagkamali ako ay hindi ako kailanman tatanggihan ng akin Mama..

Maingat kong pinihit ang seradura ng pinto, tahimik ang buong kabahayan, wala paba siya?

Maingat akong umakyat sa itaas para magbihis na sana ng aking damit,, nakarinig ako ng kalabog mula sa kwarto ni Onnix..

Hindi ko alam pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko..

Sumilip ako sa nakaawang na pinto ng kwarto ni Onnix.

Nanlaki at nanlabo ang aking mga mata, sa pagkurap ko ay tumulo ang luha ko at napatakip sa aking bibig..

Y-yung Babae sa mall kahalikan ni Onnix at nakahubad pa yung babae.

Umalis ako sa pinto at umiiyak na nagtungo sa dating kwarto na tinutulugan ko.. nagtungo ako sa banyo at duon ng nagiiyak..

Sobrang sakit,, Hindi ko kailanman na naisip na mararamdaman ko ang sakit na gaya nito.

Hindi pa nga nagsisimula ang love story namin ay natapos na. 

Ang lupit mo author.

Aba teka,, bat ako nadamay?

Pwede mo naman pasimplehin eh.. bakit kailangan na masaktan ako?

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon