C23

1.9K 46 13
                                    


EILA's POV

Kinabukasan ay nagtungo sa bahay namin ang parents ni Onnix para personal na kausapin si Mama ko..

Tuwang tuwa naman ang Mama ko sa wakas daw ay matutupad na ang pagkakaroon niya ng anak na lalaki sa katauhan nga ni Onnix at may bonus pa daw na Apo.

"Tuloy na ang kasal natin dalawang buwan pagkatapos mong manganak" nakangisi si Onnix sa akin habang nakaakbay siya sa akin at tinatanaw ang papalayong sasakyan ng kanyang mga magulang..

Si Mama ko ang nag suggest na pagkapanganak ko na daw kami magpakasal para naman daw maganda ako sa wedding gown ko at hindi ako mukhang imbotido..

Nakakahiya sinabi niya talaga yun sa harap ng mga magulang ni Onnix..

"Wala na nga akong kawala eh!" Tugon ko.

"Sa oras na isuot ko sa daliri mo ang Wedding ring natin ay pwede mo ng isangla ang singsing na suot mo ngayon"

Napangiti ako.. sa isipung iyon..

Joke lang naman yun,  bakit ko naman isasangla ito?

Bigla nag ring ang cp ko,, at lumayo ako sa kanya para makipagusap sa kabilang linya..

Ngumiti ako sa kanya ng makabalik ako at tapos na makipag usap..

"Sino yung tumawag at pangiti-ngiti kapa?" Madilim na ang mukha na tanong niya sa kin..

Nandito kami sa upuan sa labas at nakaupo na kami..

"Si Marcus!"

"Bakit ka pa niya tinatawagan? Alam naman niya na magpapakasal na tayo!"

Nginisihan ko siya.."Bumati lang siy ng congratulation sa atin,, at humingi rin siya ng pasensya dahil hindi siya nakapunta nung nag propose ka,, dahil nanganak na daw si Sheree. Ano masaya kana!" Mahabang paliwanag ko..

Namilog ang mga mata niya.. tapos ay hinila niya ako papasok sa kwarto ko.

"Mag ayos ka, dalawin natin si Sheree!"

"Talaga?" Paninigurado ko.

"Sige wag nalang!"

Ngumuso ako,,

"Haha, Joke lang, tara na maligo na tayo"

"Anung? Ako muna saka ikaw ang susunod"

Napapakamot nalang siya ng ulo.,

"Sus,,, E ano naman kung magsabay kayo,, magpapakasal naman na kayo!" Alam niyo na kung sino yan.

"Ma!"

"May permiso na ng Mama mo, tara na."nakangising sabi ni  Onnix.

Ung Ina kong atribida nakangisi at nakahalukipkip habang nakasandal sa hamba ng pinto ng kwarto ko.

"Ayoko!" Matigas kong sabi.

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon