C14

4.3K 73 9
                                    

Eila's POV

Abala ako sa pag iimpake ng aking mga damit..

Lockdown na daw ang lugar na ito simula bukas, kailangan kong umalis ngayon.

Hindi pwedeng makasama ko ang lalakong yon sa bahay na ito..

Mamamatay ako..

Isang buwan hindi ako makakalabas at tangin ang mukh lang ng lalaking yun ang makikita ko. Kailangan ko talaga umalis ayokong maquarantine dito..

"Anong ginagawa mo?" Nagulat ako ng mula sa likod ko ay nagsalita siya..

Napalunok ako.. "Aalis na ko, Uuwi na ko ng Probinsya" tugon ko ng hindi lumilingon at tinuloy ko ang pagiimpake.

"Paano ang kasal mo na sinasabi mo kung uuwi kana ng Probinsya?" Napahinto ako sandali sa sinabi niyang iyon pero hindi ko siya nilingon.. tapos ay muli kong pinagpatauloy.

"Dalawang linggo nalang kasal mo na Aalis kapaba? Tsk..tsk.tsk" kung lilingunin ko siya ay makikita ko ang mukha niya na malamang ay nakangisi sa akin.

Lalo akong maiinis kapag nakita ko siya.

Sa huli ay natapos na ako sa pagiimpake handa na akong umalis..

Kahit naman papano ay mamimis ko ang bahay na ito dalawang buwan ko rin itong tinithan mamimis ko rin si Manang Fe at si Linneth.. pati narin si

Si Marcus.. Wala na akong pakialam sa kasal.. hindi naman yun matutuloy... Hindi ako tanga para ituloy pa ang kasal na iyon kahit na may ibang tao pa ang masasaktan at my bata pang maaapektuhan..

Bahala narin siy kung Paano niya ipapaliwanag kay Tita Marie ang lahat..

Ang importante lang sa ngayon ay makaalis ako..

Dahil COVID-19 na iyan ay napabilis ang paguwi ko sa probinsya..

Pero sana ay agad itong magawan ng paraan ng ating Gobyerno..

May mga tao kasi na nakakalimutan na ang magdasal at magpasalamat sa atong PANGINOON kaya binibigyan niya tayo ng ganitong suliranin para maalala SIYA..

Matapos kong maiayos ang sarili ko ay binitbit ko ang Dalawang maleta ko at bumaba sa sala.

Nakita ko roon si Onnix nagbabasa ng Diyaryo at nakataas ang paa sa center table..

"Tsk..Palala na ng Palala ang sitwasyon, Naapaaga na ang Quarantine sa halip na bukas ay ngayon na daw"

Kumunot ang noo ko at sinimangutan siya niloloko ba ko ng bwisit na to?

Nakangisi siyang lumapit sa akin, tapos ay hinwakan ako sa wrist ko at hinila ako palabas ng bahay niya.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko ng maisakaya niya ako ng kotse.

Wala siyang kibo at ngingisi-ngising pinaandar lang ang kotse niya..

Siniringan ko siya..hindi nalang din ako kumibo..

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon