Eila's POVPagpasok ko ng bahay ay agad nagtama ang mata namin ni Topak,, ou si Onnix yan, Yan na ang tawag ko sa kanya,.
Napangiti ako ng makita ko siya,, kasi bagay na bagay sa kanya Yung Topak..
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Masumgit na sita sa akin ni Topak..
"Wala masama bang ngumiti? Bawal bang ngumiti sa bahay mo?" Ngumiti pa akong lalo..
Saya din bwisitin ni Topak. Nakakatawa siya..
"Nagpahatid ka pa kay Dwane"
Nakita niya pa yun? Tindi din neto.
"Napapagod na akong maglakad mabuti nalang he save me, " pumikit-pikit pa ako, kunwari kinikilig.
"Hindi kayo bagay" inis na sabi niya.. saka akmang papanik na pataas.
"Sinabi ko bang bagay kami ha Topak? Si Marcus lang ang bagay sa akin"
"Marcus na naman nakakasawa na" parang lalo pa siyang nainis.. problema nito? "Saka anong tinawag mo kong Topak?"
"Ou bakit? Talaga namang Topakin ka, kaya bagay lang sayo, pag tinawag kitang Topak dapat lilingon ka naintindihan mo Topak?" Pinipigilan ko ang ngumiti kasi naman nandidilat ang mga mata niya,. Parang hindi siya makapaniwala.
Kahit ako hindi ako makapaniwalan kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin sa kanya ang mga bagay na iyon.
Sa huli ay tinalikuran na niya ako at nagtuloy na papanik at ngatungo sa kwarto niya..
Papanik narun sana ako ng biglang may magdoorbell.
Since ako ting malapit, ako na yung nagbukas, Napangiti ako ng malaki ng si Marcus ang mapagbuksan ko..
Ang gwapo niya talaga?
Parang kinilig pa ko nung makita ko siyang ngumiti..
Anong nangyayari sa puso ko? Pwede ba itong hatiin sa tatlo para kina Marcus, Dwane at Onnix?
Dalawa nalang pala kay Marcus at Dwane nalang..
Pag kasi naiisip ko yung ugali ni Topak nawawalan talaga ako ng gana..
Bakit pakiramdam ko sa akin lang siya ganun?
"Hi" nakangiting bati sa akin ni Marcus.
"H-Hi, pasok ka muna" bago siya pumasok ay iniabot niya muna sa akin ang bulaklak na dala niya..
"Kamusta ka naman dito?" Tanong niya matapos kaming maupo dito sa sala set.
"Ayos naman, ang sungit lang ng pinsan mo" sabi ko.
"Hahahaha, walang bago sa balitang yan Eila, masanay ka na" nakangiting tugon ni Marcus. "Mabait naman yan di yan makakatanggi sa pakiusap ko" dagdag pa niya..
Halata namang hindi hindi magawang tumanggi ni Topak kasi nandito ako..
"Mabait pa yun Jusko, magpapalak-pakan ang mga anghel kapag bumait yan"
BINABASA MO ANG
My Cousin's Girlfriend
General FictionPaano kung ma inlove ka sa babaeng itinakda ng pakasalan ng pinsan mo? WARNING: SPG CONTENT... 18 up only.. pero kung mapilit ka.. sige basa lang.. wag lang ireport owkie..