C-24

1.8K 43 16
                                    


Not Edited

ONNIX's POV

Nasa Garden si Eila.. nakangiti akong palapit sa kanila ni Linneth.

Gusto ko sana siyang gulatin at inisin ng konti..

I miss her so much kahit maghapon ko lang naman siyang hindi nakita.

Ganu ako sa kanya eh..

"Ate natutuwa naman ako at okay na uli kayo ni Kuya Onnix?" Narinig kong tanong ni Linneth kay Eila..

Nakita ko ng ngumiti siya at sumulyap kay Lineth. "Wala na kssi akong paraan para makatanggi pa"

"Mabuti nalang pala wala kang paraan te"

"Nabigla kasi ako, wala akong ideya na gagawin niya yun" nakangiti parin niyang turan.

"Dapat pala palagi kang binibigla ni Kuya" sabi ni Linneth bahagya niya akong nakita kya sinnyasan ko si Linneth na wag siya maingay at ituloy lang niya ang pagtatanong gusto kong marinig pa ang ibang sasabihin ni Eila..

"Napa oo nalang tuloy ako" bahagya pa siyang napabungisngis..

Grabe ang ganda-Ganda talaga ng magigiging misis ko..

Napapangiti nalang akong magisa habang pinagmamasdan ang mahal ko..

Hindi ko magawang magsawa sa mukha niya kahit palagi ko siyang nakkita..

"Buti Ate di mo naisip na tumanggi nung alukin ka ng kasal ni Kuya?"

"Anung hindi?"

Kapal talaga ng babaeng ito.. ako tatanggihan niya?

Akala niya ba papayag ako no way..

"Anung ibig mo sabihin ate? Kunot noong tanong ni Linneth..

"Nung una naisip ko ng tuManggi,kaya lang" ngumiti siya uli.."since patay na patay naman siya sakin at gustong gusto niya ko, tapos mahal na mahal naman niya ko,at isa pa kailangan ng Ama ng anak ko kaya tinanggap ko na rin"

Langya yun ba talaga yun?

Di man lang niya sinabi na tinanggap niya dahil mahal din niya ako..

Tapos tuwng tuwa pa siya

Huh!!!!!

Panay ang buga ko ng hangin... Ako pa talaga ang patay na patay sa kanya...

"Eh ate paano kung hindi ka niya pinuntahan sa province mo para suyuin?"

Tumalikod na ako para umalis tiyak na hindi magiging maganda ang sagot niya..

Tiyak na mababaadtrip lang ako

"Hmmmmm….palalakihin ko nalang siguro magisa ang anak namin. Sa kanya ko naman iaapilyido since siya naman talaga ang ama.. hindi ko na iisipin pa ang magasawa ng iba dahil..." Huminto siya ng pag sasalita kasabay ng paghinto ko rin ng paglalakad. Nag aabang ng mga sasabihin niya pa.. "walang pwedeng maging ama sa anak ko kundi siya lang... Siya lang ang gusto kong makasama habang buhay"

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon