c-25

1.4K 31 14
                                    

MAYA'S POV (mama ni Eila)

"Anak magpahinga ka naman" turan ko sa kanya ng makauwi siya galing sa palengke..

Siya na kasi ang nagbabantay duon..

Ako nag aalaga ng anak niya dito sa bahay..

"Si Orienne?" Sa halip na sagutin ako ay hinanap niya anak niya.

"Nasa kwarto natutulog na napagod siguro sa eskwela kaya maagang nakatulog,kumain kanaba?"

"Hindi po ako gutom" tumayo na siya sa pagkakaupo sa sala set saka pumasok sa kwarto..

Alam ko hindi pa yan matutulog magppuyat pa yan sa paglilista ng mga pwedeng idagdag sa groceries namin..

Mas okay na ang ganun kaysa ang marinig ko ang gabi-gabi niyang pag iyak dahil sa pangungulila kay Onnix..

Ikaw ba naman ang bigla nalang layasan ng walang pasabi di ka maiyak?

Sa araw pa na dapat nasa tabi ka niya?

Na habang lumalaki ang anak niyo ay wala siyang Matawag na Daddy...

Nung mga unang gabi ng pag alis ni Onnix ay palagi kong naririnig ang pagiyak niya sa kwarto niya..

Parang dinudurog ang puso ko.. nasasaktan ako para sa nagiisa kong anak..

Hannggang sa nagising nalang ako isang umaga na siya nadaw ang bahala sa groceries store namin.. diti nalabg daw ako sa bahay at alagaan ang anak niya..

Hanggang sa ang isang taon ay naging pitong taon.. walang tawag mula kay Onnix..

Ang tiwala ko kay Onnix ay hindi nawawala.. alam kong darating ang araw na babalik siya sa kanyang magina.

Muling susuyuin ang anak ko..

Alam kong pagdating ng araw na iyon ay hinding hindi niya susukuan si Eila..

Kailangan niyang ibalik ang pagtitiwala ni Eila sa kanya..

EILA'S POV

NAPANGITI ako ng makita ko si Orienne na natutulog sa kama ko yakap niya sng unan niyang hotdog..

Hinimas ko ang kanyang buhok..

"Ang laki mo na Orienne,ang bilis ng panahon"

Siguraduhin mo lang Onnix na may maganda kang paliwanag sa akin kung bakita mo ginawa ito?

Makikinig sa lahat ng paliwanag mo alang-alang nalang sa anak natin..

Tatanggapin kitang ama ng anak ko pero hindi na yata kita matatanggap pa sa buhay ko..

Ang magiging relasyon nalang siguro natin ay si Orienne..

Ama para kay Orienne hanggang duon nalang Onnix..

Para sakin hiwalay na kami mula ng iwan niya ako,kami ng anak ko.

Pero kailanman di ko pinutol ang pagiging ama niya kay Orienne..

"Eila may bisita ka" kasabay ang pagkatok ni mama sa kwarto ko.

Tumayo ako sa pagkakaupo sa kama..at minsan ko pang minasdan ang natutulog kong anak bago ako lumabas ng kwarto..

Nakangiting nagtama ang mata namin ni Alwyn..

Boyfriend ko na siya anim na buwan na..

Mahal ko na ang lalaking ito.. wala ng puwang pa si Onnix sa puso ko.

Mabait si Alwyn matiyaga niya akong niligawan sa loob ng isang taon..

Kahit itinataboy ko na siya ay hindi siya tumigil..

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon