Eila's POV
1st Day of home community Quarantine.
Maghapon lang ako sa loob ng kwarto ko, kahit nagugutom ay tiniis ko wag ko lang makita si Topak.
Nagkakatopak narin yata ako dahil sa kanya, nagigiging mainitin narin ang ulo ko..
Sa ngayon ay alas diyes na ng gabi at kumukulo na ang tiyan ko sa gutom..
Para akong butiki na nakakapit sa pinto pinakikiramdaman ko kung nasa ibaba pa ba siya o nasa kwarto na niya.
Nang mag alas onse na ng gabi ay dahan-dahan akong bumaba. Nagtungo sa kusina, nagugutom na talaga ako kahapon pa ako hindi kumakain dahil sa sama ng loob ko sa bwisit na lalaking yun.
Pagdating ko sa kusina ay malinis na malinis walang bakas na amy nagluto..
Pagbukas ko ng ref, wala rin laman.. walang lahat pati stock.
Gusto kong magwala, pero ano naman ang karapatan ko e hindi ko nmaan bahay to.
Bwisit siya di niya ko pinaalis kahapon tapos papatayin niya lang pala ako sa gutom..
Uminum nalang ako ng tubig, magdadala nalang ako ng tubig sa kwarto ko. Atleast kahit papano may tubig ako.
Sa ginagawa niya lalo niya lang dinadagdagan ang inis ko sa kanya.
Talaga natutuwa siya kapag naiinis ako.
Kung alam ko lang na ganito ay ginastos ko sana ang perang kinita ko sa comercial na yun na kahit isang beses ay hindi ko pa napapanuod sa t.v.
Wala namam akong pakialam kung ipalabas man iyon sa t.v o hindi ang importante bayad ako.
Nahiga ako sa kama ng makabalik ako sa kwarto.
Pinilit kong makatulog kahit nagugutom ako, itutulog ko nalang ito.
DAY 2 of Home Community Quarantine.
Hindi parin ako lumabas ng kwarto maghapon.
Alas kwatro na ng hapon, talagang nagugutom na ko, tinatanaw ko yung pitsel ng tubig ko. Konti nalang yun at napapalunok na ko.
Kung anu-anong masasarap na pagkain na ang niisip ko.
Pero heto ako pinaiiral ko parin ang pride ko.
Ha!!!
Hindi ko na kaya,, lumabas ako ng kwarto ko.
Pero napatago ako sa isang sulok ng makita ko si Onnix na may kausap sa telepono.
"Okay lang si Eila brad, Ewan ko hindi ko siya nakikita, Napakaarte ng babaeng yun, mamamatay siya sa gutom.. Ou kinakatok ko siya sa kwarto niya para kumain, kaso nagbibingi-bingihan"
Napadakot ako sa kamao ko, mukang makakapatay na ko.
Kinakatok?
Kelan niya ko kinatok?
"Ou Marcus wag kang mag alala"
Papasok na siya sa sa kwarto niya ng sugurin ko siya."ONNIX" talagang sinasagad na niya ako.
Pinagsusuntok ko siya sa dibdib at sa braso niya pero parang natutuwa pa siya..
"Got cha" sabi nito mg mahawakan niya ang bewang ko at sapilitang ipasok sa kwarto niya..
Pero nagpupumiglas ako, talagang nagpipilit akong makawala dahil inis na inis na ko sa kanya..
Akala ko nanlalata ako dahil sa gutom pero hindi pala, may lakas papala ako para magwala at magpumiglas.
BINABASA MO ANG
My Cousin's Girlfriend
Ficción GeneralPaano kung ma inlove ka sa babaeng itinakda ng pakasalan ng pinsan mo? WARNING: SPG CONTENT... 18 up only.. pero kung mapilit ka.. sige basa lang.. wag lang ireport owkie..