ONNIX's POV"Damn that woman, napaka wrong timing, kung kelan okay na saka pa biglang susulpot" bulong ko. Kausap ko ang sarili ko.
Sino naman ang kakausapin ko dito sa labas.
Pak! Pak!
Tampal ko sa braso at binti ko. Makakatulog ba naman ako dito sa labas ng bahay bukod sa malamok na eh maalinsangan pa.
Bwisit talaga ang babaeng yun eh. Kung hindi dahil sa kanya ay sana nandun ako sa kwarto ng sweety ko.
Hindi dito sa labas..
Pinauwi ko nga agad si Holey eh dahil ayokong magalit na naman si Eila sakin.
Ang Ending galit uli,.
Haysst..
Parang babalik na naman ako sa umpisa ng panunuyo..
Hindi rin Sumisilip si Mama Maya malamang e pianagbawalan din siya ng anak niyang masungit.
Mabuti na lamang at may upuan dito na kahit papano ay makakaniig ko magdamag. Isama mo na ang mga lamok na walang sawa sa akin..
"Sana isa sa inyo nalang si Eila, para hindi rin siya magsawa na kagatin ako" napangisi ako sa nasabi ko sa sarili ko.
Nababaliw na yta talaga ako pati lamok kasi kinakausap ko na..
EILA's POV
Sobrang init na. Ewan ko kung ano na naman tong drama ni Mama at sinama niya ko dito sa palengke..
Sumasama tuloy ang pakiramdam ko..
Simula ng umuwi ako dito ay ngayon lang ako sumama sa kanya dito sa palengke..
Para magbantay dito sa Mini Groceries ni Mama.
Half day lang naman ito magbukas dahil gusto niya namamahinga na sa hapon ng maaga..
Nito lang nakakaraan ay si Onnix ang sinasama. Ngayon ako naman..
Nasaan ba ang lalaking yun, bakit di nalang siya ang sinama ni Mama.. mas gusto ko pang matulog.
"Ma uuwi na ko, inaantok na ko!" Lapit ko sa maliit niyang table at binibilang ang perang kinita niya para sa araw na ito..
Umiling lang si Mama, napabuntong hininga nalang ako..
"Hindi ka pwedeng umuwi, kulang ang tauhan, hindi pumasok si Yza"
Napanguso ako, "Andiyan naman si Gela at si Wena, kaya na nila yan"
"Hindi Eila" matigas na pag kakasabi ni Mama..
"Nakaupo lang naman ako dito, wala naman akong ginagawa ayaw mo pa kong pauwiin"
"Ang kulit mo,, nawala na ako sa binibilang ko!" Tapos ay sumulyap sa relo na nasa bisig niya.. saka nagcellphone sandali at mukhang nagttext.. "Tara na nga umuwi na tayo!" Nagmamadali niya pang iniligpit ang laman mg mesa at tumayo na..
Ako naman nakatingin lang sa kanya at nagtataka..
"Tara na baka mahuli pa tayo!"
Napakunot noo ako, "Mahuli naman saan Ma?"
"Huwag ka na nga marami pang satsat, tara na!" Sabi ni Mama, kikibo pa sana ko pero. Bigla niya nalang akong hinila..

BINABASA MO ANG
My Cousin's Girlfriend
General FictionPaano kung ma inlove ka sa babaeng itinakda ng pakasalan ng pinsan mo? WARNING: SPG CONTENT... 18 up only.. pero kung mapilit ka.. sige basa lang.. wag lang ireport owkie..