C-2

13.5K 109 3
                                    

NOT EDITED

ONNIX POV

"Hindi ko pa maasikaso" sinamaan ko ng tingin si Marcus.. Nandito ako sa Office niya.. Pinipilit ko siyang ihanap na ng bahay si Eila..

"Puntahan mo manlang siya at dalawin, baka nagtataka na yun apat na araw na siya sa bahay ko"
Nakakainis na ang isang ito.. kelan niya ba balak na ialis sa bahay ko ang nakakairitang babaeng yun..

Sana man lang attractive ako sa kanya.. e wala nga siya kahit kaunting apeal sa akin.. Hindi nga babae ang tingin ko dun..

"Gawan mo nalang ng paraan sabihin mo busy ako, out of town" siryosong sabi niya at niluwagan ang neck tie..

"Hindi ko nga kinakausap yun dahil ayokong magtanong siya ng tungkol sayo"

"Mukang nakakahalata si Sheree laging nakabantay sa akin. Mamaya lang nandito na yun" napabuntong hininga nalang ako.

"E bakit kasi hindi mo nalang sabihin kay Tita Marie na may kinakasama ka na para tigilan ka na niya"

"I can't alam mo naman ang kondisyon niya, ayokong pasamain ang loob niya"

May sakit nga pala sa puso si Tita kaya lahat ginagawa ng lokong ito maging mabuti lang sa paningin ng ina.. pero sa paningin ko.. isa siyang sira ulo..

"Ilipat mo nalang siya sa isa sa mga condo's mo" suhestiyon ko.

"Hindi pwede, paano naman si
Ria my baby"

Sira talaga ulo nito. Si Ria ay isa mga fling niya. nakatira ito isa sa mga condo niya.. kapag bored siya kay Ria siya pumupunta.. Pero kay Sheree siya umuuwi.. at yung isang condo niya.. dun daw siya nag iisip kapag gusto niyang mapag isa.. tatlo ang condo niiya..

Ako naman sa pad ko nakatira.. at may isa akong condo na malapit sa office ko.. dun ako natutulog kapag late na..

"Basta kailangan mo na siyang ialis sa pad ko sa lalong madaling panahon" sinabayan ko ng talikod at lumabas ng office niya..

Nakakabadtrip talaga ang gagong yun, kung pwede ko lang itakwil yun bilang kamag-anak ko gagawin ko eh matahimik lang ang buhay ko.

alas kwatro palang ng hapon may oras pa ako..

Dumaan muna ako sa flower shop at bumili ako ng tulips.. ito ang paboritong bulaklak ni Hailey..

Napabuntong hininga ako ng maalala ko kung gaanong kaganda ang mukha niya.. inilapat ko ang likod sa driver seat at pumikit..

Lumitaw ang napakaganda niyang mukha sa isip ko.. kung paano siyang ngumiti at kung paano siya mainis sa akin..

Napangiti ako ng mapakla at tiningnan ang bulaklak na inilapag ko sa passenger seat.. Naalala kong dito siya palaging nakaupo at makakatulog habang nakahilig ang ulo niya sa balikat ko..

Dumilat ako at ini-start na ang kotse ko..

Ilang minuto lang ay narating ko ang memorial cemetery.. bitbit ko ang tulips na bulaklak ay nagtungo ako sa puntod ni Hailey..

Kahit ilang taon na ay sariwa pa rin sa akin ang mga alaala niya lalo na kung gaano siyang kaganda sa paningin ko..

"Xander" banggit ko sa lalaking nakatayo sa puntod ni Hailey.

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon