29

1.1K 60 15
                                    

NOT EDITED

                       
                      ONNIX'S POV

Napapangiti akong sumakay ng kotse ko at nakipag apir sa anak ko.

"Ang galing mo anak" puri ko rito at ginulo ko ang buhok niya..

"Baka lalo siya magalit,hindi pa natin siya sinabay" nag aalalang sabi nito.. 

Kinidatan ko lang si Rien.. "Ako ang baby"  nakangiti kong sabi.. saka ko inistart ang kotse..

Napangisi pa ako ng sulyapan ko si Eila sa side mirror.. Na inis na inis..

Gusto ko talaga tumawa ng malakas,ewan ko pero masaya ako na bwisit ko siya..

Ganito kita nakuha noon,Ganito rin kita babawiin ngayon..

Hahayaan ko lang siya na mainis ng mainis sa akin,,hanggang sa hindi niya namamalayan na nahuhulog na siya uli sa akin.

Babawiin kita sa kahit na anong paraan..

K I N A B U K A S A N

Kelan kaya ako gigising uli na nasa tabi ko siya?

Napabuntong hininga nalang ako..

"Ang aga-aga panay ang buntong hininga mo diyan" Puna sa akin ni Manang Cora..

"Good Morning din ho" tugon ko..

Diretso akong naupo sa hapag at nagsimulang kumain..

"Hindi kaba nahihirapan sa ginagawa mo?" biglang tanong ni Manang Cora.

Nilingon ko naman siya..  "Saan naman ho?"

"Yang paghatid mo sa anak mo sa school tapos ay luluwas kapa ng Manila dahil may trabaho ka, tapos ay babalik ka sa hapon dito para naman sunduin siya?" mahabang pahayag ni Manang Cora..

"Hindi po ako pwedeng mapagod para sa kanila,, gagawin ko ito hanggat di ko sila nakakasama pabalik ng Manila" 

Nakita ko ang pagngiti ni Manang Cora.. "Sanay magtagumpay ka"

"Anung sana Manang? magtatagpay po talaga ako" buong kompiyansa kong sabi..

Matapos kong kumain ay naligo na ako at nagbihis para ihatid na sa school si Rien at para pumasok narin sa office..

"Onnix pasok ka muna nagbibihis pa si Rien"  salubong sa akin ni Mama Maya, sabay nag mano narin ako..

Paupo na sana ko sa sofa ng biglang lumabas si Eila napatayo ako at ngumiti sa kanya..

Pero hindi niya ako pinansin sa halip ay siniringan lang ako at nagtuloy sa kusina nila..

Napangisi ako..

Kulang ang araw ko kapag hindi ko siya nainis ngayon.. Kailangan kong makaisip kung paano ko sisirain ang araw niya..

Gusto ko lang magpapansin..

"Hi!" Simula ko ng sundan ko siya sa kusina.. nakatalikod siya sa mesa at nakasandal duon at umiinum ng kape..

Bahagya siyang tumalikod sa akin saka ipinagpatuloy ang pag inum ng kape.

"Susunduin ko na sa Rien" sabi ko.. pero wala siyang sinabi.. patuloy lang siya sa pag inum ng kape..

"Daddy" napalingon ako kay Rien na nakabihis na at handa ng pumasok..

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon