C19

4.4K 97 32
                                        


EILA's POV

Nagising ako sa malakas na yug-yog sa akin ni Mama.

Pupungas-pungas pa akong bumangon.

"Ang Aga pa Ma" reklamo ko.

Halos umaga na kasi ako nakatulog dahil nga ginugulo ng lalaking yun ang isip ko.

"Ayusin mo ang sarili mo at dalhin mo ito sa kanya?" Inabot niya sa akin ang isang isang pinggan. Naglalaman iyon n. Isang tasa ng kape at tatlong taklob ng tinapay na ewan ko ang palaman.

Kanino ko naman dadalhin ang mga ito?

"Inaantok pa ko Ma, ikaw nalang" inilapag ko sa mesang nandun sa kwarto ako ang pinggan saka ako muling nahiga.

"Dalhin mo na ito sa kanya, nagugutom na siguri yun dahil maaga siyang nagsibak ng kahoy"

Ano?

Sino ba tinutukoy ni Mama, hindi kaya si????

Napabangon akong bigla at mabilis na naglakad palabas.

"Teka anak, dalhin mo ito sa kanya" habol sa akin ni Mama pero hindi ko siya pinansin at tuloy-tuloy lang sa likod bahay.

Napalunok ako ng makita ko siya sa gitna ng arawan.

Pawis na pawis at nakahubad.

Parang lahat ng tapang ko kanina ay nawala,, dahil natutunaw ako sa mga ngiti niya..

Bwisit na lalaking to. Ano ba kasi ginagawa niya dito?

Napatago ako sa pinto ng lingunin niya ako.

"Hey Sweety ko, halika dito punasan mo ako ng pawis" alam ko nakangiti siya. Tuwang tuwan siya kapag naiinis ako.

Nakakagigil talaga ang lalaking yan..

Nakokontrol ko pa naman ang sarili ko. Ito lang dibdib ko ang hindi ko mapigilang tumibok ng malakas at mabilis kapag nasa malapit siya.

"Sweety ko,, yuuuhoooo, wag ka ng magtago alam kong nandiyan ka"

Talagang inuubos na naman niya ang pasensya ko.. Hindi na nahiya. Nakahubad pa talaga, ang mga mata ng kapitbahay nandididilat para lang makita siya..

Napatampal ako sa noo, tama nga ako..

Sa inis ko ay lumabas ako sa tinataguan ko at naglakad sa kung nasaan ang damit niya at dinampot iyon at binalibag sa kanya.

"Magdamit ka nga, ang kapal ng mukha mo maghubad masyado kang mahalay" inis na sabi ko.

"Mahalay?" Kunit noong tanong niya, tapos ay biglang ngumiti. "Naaakit ka na ba Sweety ko?" Saka siya ngumisi.

Kailangan kong pigilan ang sarili kong mainis dahil kapag nainis ako ay ikaliligaya niya iyon..

"Hindi,, napakapanget mong tingnan, kamukha mo yang mga kahoy na sinisibak mo" nakangisi ko ring sabi.

"Talaga ba? Kaya pala, lahat ng dumadaan ay nagkakabunguan kakatingin sa akin, lahat sila ako na ang pangarap, kaya napakaswerte mo Sweety ko dahil ikaw lang ang nakakita at nakadama ng aking-----"

My Cousin's Girlfriend Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon