45

550 28 2
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"Maglalakad-lakad lamang ako sa may Hospital park, Hends." paalam ko rito dahil hindi ako makahinga ng maayos at hindi ako mapakali dahil kasalukuyang nakasalang sa huling round ng chemo at radio therapy si David. Hindi ko siya malalapitan ng ilang araw dahil sa pagbubuntis ko...lagi akong nasa labas ng VIP room nito okaya naman ay sa park tuwing hinihintay kong matapos ang sessions nya...sisilipin ko siya mula sa labas bago ako uuwi sa unit upang magpahinga.

"Take care... Kakausapin ko lamang ang doctor niya pagkahatid nila kay David tapos ay iuuwi na kita. Kailangan mo ng magpahinga at hindi makakabuti sayo ang stress. Naririto na rin naman sina tita at tito para magbantay sa lagay ni David." anito. Tumango naman ako bago nagpaalam na aalis na. Napangiti ako ng madaanan ang Pedia Ward. Nagtatakbuhan ang mga bata roon at masayang naglalaro hindi mo maaalintana na may mga karamdaman ang mga ito. Nakakalungkot na sa murang edad nila ay dumaranas na sila ng pagpapahirap ng pisikal na karamdaman.

"Thank you, Doctor Stavros for helping us in the evaluation of the newest Pediatric Center of this hospital..." anang isang hindi pamilyar na tinig ngunit ang apelyidong sinabi niyon.

"The pleasure is mine, Doctor Seo. I will let my assistant send my final evalution report. I have a flight to catch" anang malamig na tinig. Dali-dali akong tumalikod ng akmang titingin ito sa aking direksyon at may pagmamadaling sumakay ako ng elevator habang nagdarasal na sanay hindi nya ako nakilala o nakita man lamang.

Tumigil ang elevator at bumaba na ako. Tumuloy ako sa parke na nasa likurang bahagi ng ospital. Bumulong ako ng maikling pasalamat dahil mukhang hindi nya ako nakita.

Naupo ako sa isang bench roon at tahimik na pinapanood ang mga batang naglalaro roon sa playground nakaantabay sa kanila ang kanilang mga magulang o kaanak o nagbabantay. Hinaplos ko ang aking sinapupunan ng sumipa ito. "Anak, sana ay lumaki kang mabuti at masiglang tao. Sana ay huwag mong manahin ang pagiging galit sa mundo at tila pinaglihi sa sama ng loob na ugali ng ama mo... Dapat yung good side nya lang. Maniwala ka man o sa hindi... Mayroon syang magandang ugali... Kaya ko nga minahal e. " napangiti ako ng maglumikot itong muli."Sa akin ka magmana anak... Panget yung ama mo" napangiwi ako ng sumipa ito ng medyo malakas. Mukhang kinakampihan nya ang ama nya. "Luh nak! Ako nanay mo at nasa loob kita... Ako yung magluluwal sayo kaya dapat kampi tayo!"

Napangiwi akong muli ng sumipa ulit ito. Errr... Napanguso ako at hinimas muli ang sinapupunan ko. "Anak naman... Ako dapat mas love mo e. Nakakatampo ka" nayayamot kong saad.

Mukha na akong baliw kakakausap sa sinapupunan ko pero kiber lang. Baby ko naman yung kausap ko. Kung gusto nila... Gawa sila ng kanila... Akin lang baby ko...

"So, you're just  here... Ms. Salvacion." namilog ang mga mata ko ng iangat ang aking paningin. Halos hindi ko na masundan ang tibok ng puso ko sa kaba ng makita ko ang mga malalamig na berdeng mga mata ng nagmamay-ari ng tinig na iyon sa aking harapan.

"Akala ko ay namamalik-mata lamang ako kanina...but when I followed you secretly... Tama pala ang nakita ko. Ikaw nga iyon. And you're pregnant. I can't wait to see how will my brother react when he finds out. Such a shame... I have a flight to catch..." anito at tatalikuran na sana ako nito ng pigilan ko siya.

" W-wag... Wag mong sasabihin kay Ybarra o kanino man kung nasaan ako ngayon... Please... B-babalik naman ako. Pero hindi lang ngayon... Kailangan pa ako dito. Parang-awa mo na. " natataranta kong pakiusap dito.

Huminga ito ng malalim at tinaasan ako ng kilay na tila naaaliw sa kung ano sa panunuod sa akin." I would love to have a deal with you, Ms. Salvacion, but I have to go now...I have someone to punish. And sorry... But I cannot give what you want... Better ask my brother who looks like ready to kill me if you won't let go of my arm, Ms. Salvacion." tila wala sa sariling binawi ko ang kamay na nakahawak sa kamay nito. Blanko ang mukha nitong dinaanan ako habang ako ay sinundan siya ng tingin na nais kong pagsisisihan... Dahil naroon ang lalaking iniwanan at sinaktan ko. Tinapik ni Doc Hades ang balikat ng kapatid nitong mariin ang pagkakatitig sa akin... Tila nanonoot iyon at tumatagos hanggang puso at kaluluwa ko... Hindi ako handa sa paghaharap naming ito.

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon