Clarity Amelia Salvacion's
Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatayo at nagkatitigan sa harapan ng unit ko. Kitang-kita ang pangungulila at kaligayahan sa mga mata nito na alam kong kaiba sa mga nasa akin. Binalot ako ng takot at pangamba... Simpleng prisensya nito ay binabalot ako ng sakit at kalungkutan...
Kinagat ko ang pang-ibabang mga labi ko at pigil ang mga luhang tumingin sa aking mga paa... Pilit kong hinahanap ang lakas para magsalita o kaya naman ay tumalikod para takbuhan muli siya...
Nagising ako sa katotohanan ng tumunog ang phone ko na nasa bulsa ng aking apron. Nanginginig ang mga kamay kong kinuha iyon at nakaramdam ng kaba ng makita kung sino iyon...
Madame Yvangelin calling...
Dali-dali ko sanang pipindutin at icacancel ang tawag ng agawin sa akin ng aking panauhin ang aparato mula sa akin kamay... Kitang kita ko kung paano napalitan ng sakit at galit ang ekspresyon sa mukha nito... Gumuhit ang mapait na ngiti sa mga labi nito na nauwi sa tila nakakalokong tawa... Nakaramdam ako ng ibayong takot dahil doon...
"So... It's empress mama all along... Bakit hindi ko nga ba naisip iyon?" mapait nitong saad bago nya ibinalik ang phone sa akin at nang aabutin ko sana iyon ay walang babala nya akong hinila payakap sa kanya. Nanginginig ang katawan ko at hindi alam kung anong uunahing maramdaman... Ang tuwa at pangungulila o ang takot at galit ko para rito?
"I already gave you 7 long months and a definitely wide fucking space and distance... I hope you're well and okay now, jowa..."
Nahigit ang hininga ko ng marinig ang mga katagang iyon mula sa kanyang bibig. Tuluyan akong naluha at napahagulgol sa yakap nito...inaamin ko na kahit may hatid na malalim na sakit ang presensya nito ay hindi parin matatalo ang laki ng pangungulila ko para rito. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin.
"P-please... Amelia... Let's cut this chase now... And comeback home to me..." basag ang boses nitong pagmamakaawa ngunit wala akong mahapuhap na salitang isasagot sa kanya.
Gusto lang ngayon ay damhin ang init ng yakap nya... Yun lamang...
---
"Warm milk... And cinnamon rolls. T-tapos you can use my spare room to rest... May hotel ka bang nakuha? This place is quite far from the city proper..."natigilan ako ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko at iginaya paupo sa tabi nya." Amelia... " tawag nya sa akin na nakapanindig ng mga balahibo ko.
Ang gulo gulo na ng sistema ko... Hindi ito tama..."K-kailangan kong magpahinga na rin... M-may pupuntahan ako mamayang g-gabi. Kaya magpahinga ka na rin pagkatapos at... At ng makabalik ka na sa hotel mo." saad ko at nagmamadaling nagtungo ako sa aking silid at kinandado iyon.
Unti-unti akong napadausdos pababa ng sahig at tinakpan ko ang aking nangangatal bibig upang hindi makalikha ng kahit anong ingay ng aking sakit at dismaya sa sarili...
Huwag ka namang marupok... Clarity Amelia... Yakap nya palang ay sumusuko kana sa kanya? Be strong... Remember kung anong naidulot nya sayo?!
---
Huminga ako ng malalim at inayos ang aking suot ng sweater. Napagdesisyunan kong pumunta sa house party ni Cristof para makaiwas sa lalaking bigla-bigla na lamang sumulpot dito sa unit ko at ginugulo ang sistemang akala ko'y maayos na.
Kinailangan ko pang mag-apply ng concealer na natutunan kong gamitin sa tulong ng anak na dalaga ng kapitbahay kong si Mitch. Vlogger kasi iyon at sabi ng ina ay marami na itong subscribers at followers.Kanina ay tinawagan at nakausap ko na si Madame Yvangelin...
Hindi ko binanggit dito na nahanap na ako ni Ybarra dahil ayokong mag-alala pa ito at baka pagugatan pa ito ng hindi nila pagkakaunawaang mag-ina... Ayokong mangyari iyon....
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...