Clarity Amelia Salvacion's
"W-Wait... What are you doing here?! Hindi ba at may monthly meeting kayo ngayon sa Empire at sa makalawa pa ang uwi mo rito?!" hindi ko mapaniwalaang bulalas rito ng mabungaran ko siya sa may tapat ng pintuan ng unit.
Kakagising ko lamang dahil sa doorbell na tila emergency. Kaya dali-dali pa man din akong bumangon para tingnan kung sino iyon... At ang bumungad nga sa akin ay ang tila takot na takot, pagod at stresses na si Ybarra... Ang suot pa nito ay ang suot nya ng kavideo call ko sya kahapon... Yung pantulog nya.
Napasinghap ako ng bigla nya akong hinila payakap sa kanya ng mahigpit.
"Damn... Why are you not answering your damn phone?!" inis na singhal nito.Luh sya?!
"Hindi ko na tiningnan ulit kasi tulog ka naman na din kanina... Tsaka teka nga... Bakit ganyan hitsura mo?! Bakit parang di ka mapakali at matae?!" naguguluhan kong tanong sa kanya tsaka kumawal sa yakap nito
Namiss ko sya... Pero nag-aalala ako sa kanya...
" I thought, I lost you again... Damn it! M-may kumalat k-kasing balita sa business pages na engaged kami ni Sabrina... Damn... I-I thought you knew it t-then... Oh God! Wag mo kong iiwan... Amelia... H-hindi ko kakayanin... Mahal na mahal kita... I-I swear... Ikaw lang ang gusto kong pakasalan... Ikaw lang talaga... H-hindi ko alam kung bakit naglabasan ang balitang iyon... S-siguro dahil ako lagi ang k-kasama nya sa social enggagements na kailangan naming d-daluhan... S-sorry for being careless... S-sorry... Please don't leave me... Amelia... A-aayusin ko ito. I will make an statement... P-please... " he plead with his broken voice...napasinghap pa ako ng ibaon nito ang mukha sa aking leeg at naramdaman ang pagpatak ng mainit na bagay roon...
" H-Hey... Ybarra.... Hussh.... Tumahan ka na... Hindi kita iiwan... C'mon... Stop crying. Nandito lang ako lagi para sayo... Huh? Tahan na..." pagpapatahan ko rito habang masuyo kong hinahagod ang kanyang buhok at likod. Hinigpitan nito ang yakap sa akin at lalong umalog ang mga balikat nito kasunod ng pagiyak niya.
Hinigpitan ko ang yakap upang ipadaman na hindi ko siya iiwan. Ilang sandali kaming nanatili sa ganoong posisyon hanggang sa mapilit ko siyang pumasok na muna kami upang makapagpahinga na. Pinangako ko sa kanya na hindi ako mawawala at aalis sa tabi nya. He even insist to sleep at my room na hinayaan ko na lamang.
Kasalukuyang magkatabi kami ngayon at yakap yakap nya ako ng mahigpit. Iniunan pa nya ang ulo ko sa kanyang dibdib na tila ba nais nitong iparinig ang awit ng puso nya na kay bilis ng tibok. Alam kong tulad nito ay ganoon din ang puso ko.
"Tulog na... Masyadong mahaba ang byahe mo kaya alam kong kailangan mo ng pahinga... Hindi ako aalis... Nasa kwarto ko kaya tayo..." sita ko rito ng makitang hindi pa rin siya tulog at nakamasid lamang sa akin.
Huminga ako ng malalim. "Ybarra... Mamili ka. Matutulog at magpapahinga ka sa tabi ko o iiwanan talaga kita rito ngayon." banta ko na mabilis pa sa alas Quattro na niyakap nya ako ng mahigpit at pumikit ito na tila matutulog na.
Hindi nagtagal ay naging magaan na ang paghinga niya sinyales na nakatulog na ito...napangiti pa ako ng marinig ang mahihina nitong hilik na naririnig ko lamang tuwing sobrang pagod ito. Mukhang wala talaga itong pahing at tulog.
Mataman ko siyang pinagmasdan hangang sa hindi ko namalayang nakatulog na rin ako tulad niya...
---
"Tell papa that I'll present my report, via video conferencing. Just like how you do it, when you were at Germany kuya."Unti-unti kong minulat ang aking mga mata ng marinig ang mihinang tinig ni Ybarra. Nakita ko itong nakatalikod sa akin at nakaharap sa bintana habang may kausap sa phone niya. Kitang kita ko ang tila iritasyon sa kilos nito. Tahimik na naupo ako at sumandal sa headboard habang pinagmamasdan ito.
"No. I can't. You don't have to resched it... Hindi Ko makakauwi agad... Mas mahalaga ang kung ano man ang mayroon ako rito kaysa sa ano man, kuya. And you must understand that... This is me chasing my love. So fucking spare me and tell papa to let me work thru online... I won' t neglect my work. Swear to God. "
Nangunot ang noo ko sa narinig mula rito. Napatingin ito sa akin ng naramdaman nito siguro ang titig ko.
Ngumiti ako dito ng mapansing natigilan ito ng mapansing gising ako."Talk to you later. My girl is awake. Bye." nagmamadali nitong paalam sa kausap bago walang sabing inilapag ang phone sa kama at niyakap ako. "Good morning, my love." anas nya at pinatakan ako ng magaang halik sa aking mga labi. Napanguso ako dahil naalala ko na hindi pa ako ng totoothbrush."Morning..." halos bulong kong saad. Kapansin-pansin sa mga namumugtong mga mata nito ang admiration sa nakikita.
"You look lovely without even trying... Jowa. Why is that... Hm?" malambing nitong saad sa akin na ikinapula ko. Inirapan ko siya dahil sa hiya.
"Bolero." hasik ko na ikinahalakhak nito na tila isang musika sa aking pandinig.
"I'm just stating facts your honor." anito sa tonong malimit nitong ginagamit sa korte na ikinangisi ko. Tsaka pinatakan nya akong muli ng halik sa labi.
"Sino pala yung kausap mo kanina?" tanong ko rito habang pinapanood ko syang magluto ng pagkain namin kahit na sinabi kong ako na lamang at kailangan nyang magpahinga... Kaso mapilit... Hinayaan ko na. Pinaghanda ko na lamang sya ng gamot para sa sakit ng ulo nya. I know he's having one sahil panay hilot nito sa sentido nya mula kanina.
"Carlos Ytan yun. Just business and stuff... Don't think about it" baliwala nitong saad sa akin. Napatitig ako sa biceps nito na nagstretch tuwing naghahalo ito ng niluluto nya.
Napanguso ako dahil doon. Bakit sexy nya?! "Magwowork ka thru online? Paano mo pala matitingnan sina Sabrina nyan? Tsaka di mo ba mamimis sina Madame Yvangelin? Bad na anak ka!" pangungunsensya ko rito.
"I can check them from time to time... And besides palabas na rin naman si PJ nyan sa facility in next month... Ihahatid ko pa siya kay Sabrina para matapos na din ang pangako ko para sa kanila... Ikaw ang una sa priorities ko... Jowa. Kaya kung saan ka...doon din ako. " saad nito sa seryosong tono tsaka inihain ang bagong lutong almusal sa mesa bago ako pinatakan ng halik sa mga labi.
"Hindi naman ako aalis dito ng hindi mo alam at hindi ka kasama, Ybarra. Kaya ipanatag mo ang sarili mo... Alam mo namang kahit anong tagong gawin ko... Mahahanap at mahahanap mo pa rin ako kaya bakit ko pa gagawin iyon? Isa pa..." mariin kong hinawakan ang handle ng tasa ko at kinagat ang ibabang mga labi bago muling magsalita...ramdam ko ang titig nito sa akin. " Gusto kong sumugal sayong muli... Ybarra." kabado kong saad sa kanya at sa gulat ko ay nakarinig ako ng kalansing ng nahulog ng mga kutsara at tinidor at natagpuan ko na lamang ang sarili kong hinahalikan nito ng buong pagmamahal...
Syempre... Papatalo ba ako?!
Sorry na po agad, Mother Superior and Guardian Angel... Pero mukhang this is it, pancit na po! Huhuhu
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...