Clarity Amelia Salvacion's
"Good morning, kumusta ka?" nakangiti kong tanong sa isang Pinoy na nakilala kong nakaadmit dito sa Therapy Center last month. Halos sabay lang kaming dumating dito. Siya bilang pasyente at ako bilang attending nurse ng floor nila. In total ay sampu silang minomonitor ko rito at siya ang nag-iisang kabayan! RK to for sure dahil masyadong mahal ang bayad dito sa center dahil kilalang kilala na ito sa mundo.
"Hi nurse Clarity!" ngumiti ito na hindi umaabot sa mga mata. Ramdam ko ang sakit doon. Umupo ako sa bench at tumingin sa napakagandang view mula rito sa rooftop na paborito nitong tambayan. "Tapos na duty mo?" tanong nya.
"Oo... Sa wakas ay makakapagpahinga na ako. Nakakaalis ng ganda pala ang night shift." reklamo ko rito na na ikinatawa nito.
"Sure..." anito sa malokong tono.
"So, kumusta naman ang puso mo?" tanong ko sa kanya pero ngiti lamang ang naging tugon nito at sa malayo tumingin. Kitang kita ko ang kaguluhan sa isip nito kahit na ang pinapakita nya at kapayapaan sa mukha... Huminga ako ng malalim tsaka tiningnan ang muli ang view..." Alam mo... Laki ako sa ampunan..." naramdaman ko ang pagtingin nito na tila nakuha ko ang kanyang atensyon. Ngumiti ako sa kanya. "Yung totoong nanay at tatay ko kasi namatay agad nung baby pa lang ako. Napunta ako sa ampunan... Doon may malaki akong pamilya... Ang tumayong mga magulang namin ay ang mga madreng namamahala roon tapos mga kapatid ko yung mga tulad kong iniwan o wala ng magulang o mangangalaga sa kanila kaya napunta sila roon. Mahal na mahal ko mga yun... Kaya laging masakit at masaya tuwing may aalis sa kanila dahil may aampon o kaya naman ay nasa tamang edad na... Ako kasi walang umampon sa akin tapos may mabait akong fairygod angel na syang tumustos ng mga pangangailangan ko. Siya din yung nagpaaral sa akin... Kaya mahal na mahal ko yun nanay nanayan kong iyon... " pagpapatuloy ko.
" She must be really an angel then... " komento nito na nakapagpalawak ng ngiti ko.
" Oo... Angel talaga siya pero sa pamilya nya isa siyang Empress... Idol ko yun... Tsaka mahal na mahal ko. " pagkukwento ko.
" I kinda miss my mom hearing you telling your stories... Yung mom ko mabait at best mom yun... She always put us on top of her priorities. Haaay..."sumandal ito sa bench at tumingin sa kalangitan." I miss my wife and kids too... "
Nasurpresang napatingin ako sa kanya." May anak at asawa kana? Luh sya!" nanlalaki ang mga matang tanong ko na ikinangisi nito pero nasa mata nya ang lungkot at kawalan.
"Yep. Got a wife and three kids... Triplets" Tipid nitong sagot.
"BAKIT DI MO SINABI SA AKIN AGAD?!" naiinis kong tanong na ikinatawa nito. Grabe... Baka matsismis kami at malaman ng asawa nya akala ay kabit ako nito... Mother Superior ko po!
"Why? Don't tell me you like me? Oh! I'm sorry to break your heart, Nurse Clarity but I am very much married and I love my wife and family so much... Hangang friends lang ang kaya kong ioffer sayo..." tila nanunuksong saad nito kaya sinamaan ko sya ng tingin
" Kapal mo po koya! Hindi kita type! Ayoko lang matsismis no! Ganda ko pa man din! " ismid kong sabi rito na ikinahalakhak nito na sa unang beses mula ng makilala ko sya ay ngayon ko lang sya nakitang tumawa ng ganito.
Tao din pala sya! In fairness!
"Ikaw? Do you have a husband or a boyfriend perhaps?" tila nananantyang tanong nito. Nakaramdam ako ng kirot dahil doon at binalot ng pait ang puso ko.
"Oh... May nasabi ba ako--""W-wala... Wala... May naalala lang ako..."
Napapitlag ako ng magring ang phone ko. Isang tao lang naman ang tumatawag sa akin dito tuwing out ko...
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...