47

611 21 0
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"Wala pa rin bang donor?" umaasa kong tanong kay Hends na kasalukuyang karga-karga si Elisha na gumagawa ng cute na ingay habamg maglilikot ang mga kamay.

Ybarra is currently inside the vacant room sa kinuha nitong unit na malapit sa ospital kung saan ako nanganak at kasalukuyang nakaadmit si David. Isang buwan na mula ng manganak ako at isang buwan ko na ring hindi nadadalaw ang kaibigan dahil hindi ako allowed lalo na at nagrerecover pa ang katawan ko sa panganganak. Isang buwan na rin mula ng magbase na dito kasama namin si Ybarra... He works online na pinayagan ng pamilya nya.

His whole family went here three days after I gave birth liban sa mga kapatid nitong babae. Ms. Devone Angela habe to look after  her twins dahil nilalagnat daw ang isa sa mg ito... Habang ang reyna ay kasalukuyang inaayos ang sariling buhay according to Ybarra. Nalaman kong hindi biro ang pinagdaanan nito.

Naalala ko tuloy nung makita na ng mga ito si Elisha... Lalo na ang mga magulang ni Ybarra...

"S-She looks like you... My empress." di makapaniwalang saad ni Sir Celestino habang pinagmamasdan si Elisha. May mga luha sa mga mata ng mag-asawa habang ang atensyon nila ay nasa kanilang apo.

"She is... And your wonderful orbs won again... Celestino..." sangayon naman ni Madame Yvangelin. "You are such an angel, Elisha...darling."  buong pagmamahal nitong sabi sa aming munting anghel na nasa bisig nito.

Napatingin ako kay Ybarra ng maramdaman ko ang pagyakap nito sa akin at hinalikan ako sa aking sentido. "Thank you so much for bringing us so much blessings and joy... My love." bulong nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya bago muling ibinalik ang atensyon sa mga magulang nito at sa anak namin.

Naging masaya at maayos ang pagbisita ng pamilya nito. Marami silang itinanong at ipinayo sa amin ni Ybarra. They are all warm and welcoming as I ever remember...lalong lalo na si Madame Yvangelin. Nagtanong sila ukol sa mga plano namin lalo na sa kasal... Ngunit magkaiba ang naging sagot namin ni Ybarra... He wanted it as soon as possible but I answered otherwise.

Gusto ko munang masigurong maayos si David at maenjoy muna ang mag-ama ko. Doon naputol ang usapan at isa isang nagpaalam ang mga ito sa amin at babalik na lamang daw. Till now ay hindi pa namin napaguusapan muli ni Ybarra ang tungkol doon. Hindi pa ako nakakapagpaliwanag dito.

"No luck. Hinahanap na nina tita ang totoong pamilya ni David...hoping that they might help our friend." nakaramdam ako ng lungkot sa narinig. Naaawa na ako sa kaibigan namin. "Kailan pala ang binyag nitong inaanak ko?" he changed the topic. Ayaw na ayaw nila na nastress o nalulungkot ako dahil prone ako sa post-partum depression.

"Hindi pa namin napaguusapan ni Ybarra... Masyadong naging focus kasi kami sa pag-aalaga.. And... He is kinda distant to me...simula ng sabihin ko sa kanya na I want a long term engagement first...gusto ko kasing samahan muna si David dito hanggang sa operation nya at recovery. "saad ko.

Nakita ko ang pagdaan ng disappointment at pag-aalala nito sa narinig." You know how to wound him good... Clarity... " makahulugang saad nito bago muling binalingan ang anak kong nagdadaldal pa rin na akala mo'y tunay na nakakapagsalita na." Yes, Elisha... Your mama is a heartless woman. She hurt your papa good... Don't be like her...okay? " napasimangot ako dahil sa patutsada nito at paninira sa akin sa anak ko.

"Wag mo akong siraan kay Elisha ha?! Anak ko yan!" angil ko sa kanya na ikinangisi lamang nito.

"Pero seryoso ako Clarity... Hindi ikatutuwa ni David na malamang sya ang pumipigil sayo para tuluyang maging masaya... Malulungkot iyon..." saad nito.

Huminga ako ng malalim... "Alam ko naman iyon. Pero nangako ako sa kanya..." malungkot kong saad kay Hends.

"You're a real stubborn and selfless lady... Clarity Amelia. Kailan ka ba matututong unahin ang iyong sarili?" he asked with disappointment.

Hindi naman nagtagal ay nakatanggap ito ng tawag kaya naman nagpaalam na ito at sinabing papasyal syang muli saktong lumabas naman si Ybarra tanda na tapos na rin ang video conference nito.

"Hendricks left?" tanong nya tsaka nilapitan si Elisha sa crib at hinagkan sa sentido. Nahihimbing na ang anak namin. Napagod siguro sa pagkukwento sa ninong niya.

"Oo...may kailangan daw syang asikasuhin..."alangan ang tinig kong saad dito. Tumango naman ito bilang tugon at hindi na nagsalitang muli. Nakaramdam ako ng lungkot dahil dito.

Mukhang talagang dinaramdam niya ang naging desisyon ko. Tatlong linggo na syang ganito...kahit inaasikaso nya ako at inaalagaan ay halata ang hinampo at distansya nito sa akin at nalulungkot ako dahil doon. Akala ko ay mauunawaan nya.
Nagtungo ito sa kusina na akin namang dali-daling sinundan dala ang lakas ng loob na inipon ko upang maayos na ang ano mang problema...

"Hindi mo ba ako tatanungin kung ano ang dahilan ko kung bakit hindi ko sang-ayon na magpakasal tayo agad?" nakita kong natigilan ito sa aking tanong bago tila pagod na huminga ng malalim tsaka ako binalingan.

"May mababago ba kung malaman ko? Sa huli pa rin naman ay ang nais mo ang susundin ko." anito sa pagod na boses na ikinabigat ng dibdib ko. Ramdam ko ang pagod at tampo sa tinig niya. Ang pait sa bawat bigkas sa mga salitang binitawan nya. "...naisip ko na siguro ay may balido kang rason para ipagpaliban ang pagpapakasal sa akin...pero hindi pa rin maalis sa akin na masaktan at kwestyonin ang halaga ko sa iyo. Doon ko naalala na ikaw nga pala so Clarity Amelia... The most selfless woman I ever meet. You will always choose other's happiness and puts them on the top your priority before yourself..." saad nya pa sa malungkot na tono. At sa kanyang pananalita ay tila alam na nito kung bakit ganoon ang naging pasya ko. Bakit ko nga ba nakalimutan? Siya si Atty. Cristoffer Ybarra Hermosa Stavros. He can easily know everything in one snap.

"G-gusto ko lamang na tuparin ang naipangako ko kay David...Ybarra. Isa siya sa itinuturing kong kapatid at pamilya. S-sana ay maunawaan mo a-ako. Mahal na mahal kita... Panghawakan mo iyon." paliwanag ko sa mahinang boses takot na baka mapuna nito ang aking nagbabadyang pagluha... At sa pangambang magising ang aming munting anghel na si Elisha.

Ngumiti ito ng malungkot."Mas masakit palang marinig mula sa iyo na ang dahilan ng pagpapaliban ng kasal natin ay ang parehong taong naging dahilan ng pag-alis mo ng walang paalam noon. Naisip ko minsan na kung ako siguro iyon... Nasa akin ang buong atensyon at prioridad mo. Ang hirap... Ayokong maging makasarili... Ayokong sakalin ka... Ayokong ipagkait ang mga kagustuhan at desisyon mo dahil lang sa pagmamahal ko sayo... Gusto ko ay maramdaman mo na ikaw pa rin ang Clarity Amelia na malaya kahit na akin ka... Pero hindi ko lang maiwasang hindi masaktan. " ngumiti ito ng malungkot." Huwag kang mag-alala. Walang magbabago. Mahal pa rin kita. Sobra pa sa labis...at hihintayin ko kung kailan mo nanaising pakasalan ako. Makakapaghintay naman ako dahil nauunawaan kong mas kailangan ka nya at kailangan mong tuparin ang ipinangako mo...dahil ikaw si Clarity Amelia...ang babaeng pinakamamahal ko" madamdamin nitong saad tsaka nya ako hinila payakap sa kanya.

Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa nakaraang buhay ko dahil sobrang pinagpala ako upang ibigay siya sa akin ngayon. Sila ng aming munting anghel.

"P-patawad... Sorry... Sorry kung naramdan mo na hindi ko kayo priority ni Elisha. Maniwala ka... Kayo ang nasa unahan ng listahan ko. Mahal na mahal ko kayo... Patawad..."
Umiiyak kong saad sa kanya. Nakita ko ang pagtiim bagang nito na nauwi sa paglambot ng expression niya... Humigpit ang yakap nito sa akin at ramdam ko ang paghalik niya sa aking sintido.

" Hussh... I know... I understand... Hindi ko lamg maiwasan ang hindi makaramdam ng ganoon... Pero nauunawaan ko. Makakapaghintay ako... Sorry kung nagtampo ako... Tahan na... My love..." alo nya sa akin.
Huminga ito ng malalim na tila sumusuko na dahil nakita nito ang kanyang kahinaan... Ang aking mga luha... "To make you feel better... Hindi tayo maaaring magpakasal ngayon kahit naisin ko... Dahil magpapakasal sina Queen at Moris...bago matapos ang taon at sa Marso ay planong pakasalan muli ni Ymar si Serene... Kahit gustuhin ko ay hindi papayag si empress mama na pakasalan kita... Kaya tumahan ka na...okay? Mayroon ka pang higit isang taon bago kita itali sa akin...kahit higit pa roon... Maghihintay ako kung kailan ka magiging handa... Dahil nakakasiguro akong akin ka lamang... Lalo na at markado na kita... My love... Mahal na mahal kita... Aking Stavros... Tagos hanggang kaluluwa... Walang pagsidlan at ikaw ang bumuo sa buhay ko... Kayo ni Atarah Elisha...mahal ko. "

"Maraming salamat sa pagunawa at pagpapasensya sa mga naging desisyon ko at nais... Mahal na mahal din kita... Walang makakasukat... Cristoffer Ybarra... Sobrang mahal na mahal... "

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon