Clarity Amelia Salvacion's
"Hello, jowa... Kakauwi ko lamang galing kina Sabrina..." halata ang pagod sa boses nito. Hindi ko maiwasang hindi mahabag sa kanya...
Halos kalahating taon na simula ng matagpuan nya ako at halos kalahating taon na rin siyang pabalik-balik rito sa Switzerland , Boston at Pinas para matugunan lahat ng mga responsibilidad niya sa pamilya, kumpanya, kina Sabrina at ang panunuyo nya sa akin. He is making too much effort and I can see that...
"Mukhang pagod ka, Ybarra... Magpahinga ka na kaya?" saad ko sa kanya habang nagdidilig ako ng mga halaman ko. Dumami na ang mga ito dahil daig pa ako ni Ybarra sa pagbili ng mga outdoor and indoor plants. Halos rare at expensive pa ang mga nabibili nito. May mga day off ko rin na aayain nya akong magstroll but ang ending ay dadalhin nya ako sa bilihan ng mga halaman tsaka hahayaan akong mamili.
"I want to talk to you more... My love."naglalambing nitong saad. Napatingin ako sa screen at napangiti ng makitang nakanguso ito at salubong ang makakapal na kilay.
"Nagdinner ka na?" I asked him. Bago ibinaba ang pandilig ko.
"Yes. Empress mama left some food for me. Galing sila rito ni Rebel kanina pero hindi na kami napang-abot. You? Did you had you breakfast already?" malambing nitong tanong
"Yep. Kanina bago ako nagdilig ng mga halaman..." kinuha ko ang tumbler ko at uminom doon bago muling nagtanong sa kanya. "How's Sabrina doing pala? The kids?" I asked in concern tone.
Ybarra tells me everything about him now. His activities, thoughts and emotions. He is like an open book for me.
"They are doing good here. Though sometimes, Sabrina's crying because she's missing Gernome. Ako ang nahihirapan para sa kanila." he sounded frustrated para sa kanila.
Natatawa ako sa expression nito. He's been frustrated for the two. Kahit sino naman siguro... Pero nauunawaan ko naman si PJ... Lalo na at nakasama ko ito ng tatlong buwan sa dating facility na pinasukan ko. Hindi ko na ito nakita mula noon.
"Pabebe ba, boss?" natatawa kong biro rito na ikinangiwi nito. Ayaw nitomg tinatawag ko syang boss dahil naaalala nya daw yung panahong nasaktan nya ako.
"Amelia..." he snorted with so much irritation.
Ngumisi lang ako at nagpeace sign sa kanya. Nakita kong kumalma naman ito agad tsaka inirapan ako ng pabiro na ikinatawa ko. "Kabadingan." buska ko rito.
"Yeah right... Wait till I come home to you... Tingnan natin sino bading." he said in serious manner na ikinakaba ko.
"Joke lang naman be! Osya... Pahinga kana para hindi mabawasan ang kapogian mo! Maggrocery pa ko...bubye... Tulog ng mahimbing... Uuwi ka pa dito." bilin ko sa kanya na ikinangiti nito.
"Take a good care too, Amelia. I already made our grocery list before I left. Nasa may pinto ng fridge...nasayo naman yung card na ibinigay ko sayo... Yun na ang gamitin mo to pay our stocks... Use our car please... You know how to drive well... Ingat ka okay? Papakasalan pa kita. Mahal kita." anya na ikinalaki ng mga mata ko at ikinainit ng pisngi ko. Dali-dali kong tinapos ang tawag tsaka kinalma ang sarili.
Ang landi talaga nya! Grabe! Sana ay okay lang sa guardian angel nya yung ginagawa nya... Mabait naman na sya... Landi nga lang...
Napangiwi ako sa mga naiisip ko. Makapag-ayos na nga para maggrocery na. Naubusan na kasi kami ng stocks dito sa unit. Basically kasi dito na tumira talaga si Ybarra kasama ko. Wala naman problema sa akin iyon dahil sanay din naman ako sa ganung set up namin since maging assistant nya ako nun...ang pinagkaiba lang ngayon ay parang nagpalit kami ng ginagawa. Halos sya na ang nag-aasikaso sa akin... From my needs down to my wants. Lahat ay binibigay nito. Hindi ko ito naringgan ng kahit anong reklamo. He even learn how to cook dishes I love to eat... Kahit na wala sa meal plan nito and dahil sinusunod nya yung mga sinasabi ko ay kung ano ang pagkain ko ay yun din ang kanya. Natuto din syang umulit ng ulam dahil sabi ko bawal ang mag-aksaya ng food. Marami kasing taong nagugutom.
Kinuha ko ang list na ginawa nito na nakadikit sa fridge namin. It's quite long tho... Dapat kasi ay mamimili kami bago siya umalis kaso nagkaroon ng emergency sa center... Nanganak si Ellena ng isang bouncing baby girl... At the same time dumating ang ama nito upang kuhanin na siya. There's something off about them tho... Pero hinayaan ko na lamang dahil kitang kita ko ang tiwala at saya sa mukha ni Ellena. After that, he had to flyback to Philippines... Kaya hindi na kami nakapamili.
Kinuha ko ang wallet ko at inilagay doon ang listahan... Nakita ko ang black card na binigay ni Ybarra sa akin five months ago... Never ko pa iyong ginamit...ayokong isipin nito na inaabuso ko siya lalo na at nalaman ko kay Mother Superior na isa na rin ito sa mga major sponsor ng ampunan. Nagpalit ako ng makapal na winter coat, gloves and beanie... Kinuha ko ang susi ng sasakyan, wallet at phone ko.
I busied myself doing the groceries and ate early lunch sa isang sandwich hub na nagseserve din ng pasta. After that ay nagpasya na akong umuwi. Pagdating ko ng unit ay inilapag ko muna ang mga pinamili ko sa kitchen counter. Hinubad ko muna ang coat dahil naka-on naman ang heater. Kinuha ko ang phone ko para magsend ng message kay Ybarra. Knowing him, hindi yun matutulog hangga't hindi ako nagsasabing nakauwi na ko. I messaged him thru Telegram.
C. A: Got home. Sleep now.
C. Y: send picture of you with the groceries.
Napanguso ako at sinunod ang request nito. Knowing him. Di ako titigilan hangang sa gawin pagbigyan siya.
I took a snap of myself with the grocery as my background at sinend sa kanya.
C.Y: I miss you so much, My love. Gusto ko na umuwi sayo. Uwi na ko.
Napanguso ako upang pigilan ang ngiti sa mga labi ko habang nagtitipa ng reply ko sa kanya.
C. A: Miss ka na din daw ni Mitch. Finish mo na lahat ng need mo tapusin dyan para makauwi ka na dito. Dami mong hanash!
C. Y: Be kind enough to tell her that I miss you so much and not her. I can smell your jealousy from here. Damn. I'll be home in three days now. Tatapusin ko lahat ng mga kailangan ko ritong tapusin. Mahal kita.
Lumawak na ang mga ngiti sa labi ko at ramdam ko ang pagtalon ng puso ko sa kagalakan. Alam kong unti-unti ay nanunumbalik ako sa dati... Unti-unti ay natututunan ko na syang mahalin muli.
C. A: Panget mo kamo. Kiss ka daw ni Mitch pag-balik mo. 😏
C. Y: Ikaw lang ikikiss ko pag uwi ko. I love you so much, Amelia ko. See you soon. Tulog na ko.Ikaw wag magpapagod..mahal kita.
My heart skip a beat. Nagwawala at nagkakagulo na ang sistema ko dahil sa mga banat ni Ybarra.
Damn...
C. A: Sleep tight. Usap tayo pag-uwi mo. 😘
Huminga ako ng malalim tsaka ichinarge ang phone ko. I am decided to make things clearer with him. I want to try again with him... And this time... I want to gamble what's left to us. Para kung ano man ang maging ending nito...
Walang whatifs....walang buts... At walang regrets.
Sana ay tama ang naging desisyon ko ngayon. Sana ay tama na sumugal akong muli sa kanya at hindi sa matalik kong mga kaibigan...
Sana... Si Ybarra talaga.
Light na tayo ulit. Hihihi... Ayoko na pala ng third party, may naaalala lang ako. Charot 😂.
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...