Clarity Amelia Salvacion's
"Jowa... Heto na yung gatas mo at burger. Wag ka mag-alala, swak yan sa diet mo... Nagresearch ako paano ka makakakain nung mga pagkaing dapat ineenjoy mo na hindi ko nasisira yung diet mo. Dami mo naman kasing hanash! Kala mo naman gwapo ka! Gwapo ka naman talaga! " biro kong reklamo rito na ikinangiti nito na hindi umaabot sa mga mata nya.
Inabot nya ang mga kamay ko at maingat na hinila paupo sa kandungan nya. Madalas nya itong gawin simula nung magbalik ako sa work ko sa kanya galing ampunan. Kitang-kita ko na pagod at stress ito sa kakaayos ng kung ano... Tinatanong ko naman sya kung ano ang maitutulong ko pero sabi nya ay bukod sa pananatili ko sa tabi nya at lambing ay kaya na daw nya ang lahat. Nag-aalala na din ako sa kanya dahil madalas na siyang inuumaga ng tulog... Paano ko nalalaman? Nakakatulugan ko na ang pag-aantabay sa kanya... Madalas akong makatulog sa sofa sa living area ng unit nya habang siya ay nagtatrabaho roon. Nagigising na lang ako tuwing inilalapag na nya ako sa kama ko at tatabihan nya ako sa pagtulog. Oo... Tumatabi siya sa akin madalas ngayon at yayakapin ako hangang sa makatulog na kami... Nung una pinuna ko siya kaso nakaramdam ako ng awa sa kanya ng sabihin nya sa akin na ako ang pahinga nya... Sa tabi ko lang sya nakakapagpahinga ng totoo... Kaya hinayaan ko na lamang sya hangang sa makasanayan ko na lamang. Wala naman syang ginagawang masama... Yakap lang at halik. Yun lang...
Kinulong ko sa magkabila kong kamay ang mukha nito at pilit na inangat ang tingin nya sa akin.
"Pagod ka na, Jowa?" mahinahon at malambing kong tanong sa kanya. Tulad ng paraan ko ng pagtatanong sa mga bata sa ampunan. Parang batang nakanguso at simangot itong tumango sa akin bagot isinubsob sa tyan ko ang mukha nya... Huminga ako ng malalim at sinuklay suklayan ang buhok nito gamit ang mga daliri ko. "Break muna , jowa. Labas muna tayo para mapahinga ka..." yaya ko sa kanya.Huminga ito ng malalim at hinigpitan ang yakap sa akin. Alam kong ayaw nya akong pakawalan kaya napailing ako at inangat muli ang tingin nya sa akin. Nakanguso ito at parang nagpapaawa na papacute... Nangiti ako ngunit nawala ng makita ko ang pagod sa berdeng mga mata nito. "Sleep ka muna, gusto mo?" tanong ko.
"Tabihan mo ko?" lambing nito na ikinangiti ko. Tinanguan ko siya na nakapagpangiti rito.
"Ubusin mo muna yung miryenda mo. Tapos tulog na tayo okay?" saad ko rito na agad naman siyang tumalima at maganang kumain. Organic burger and baked potato chips ang hinanda kong iyon. Simula kasi ng maging busy siya ay naisipan kong magsearch kung paano ko siya mapapakain ng mga comfort foods na hindi masisira ang diet nya. Health buff kasi ang jowa ko... Ako lang hindi... Ihrr..
Matapos nyang kumain ay iniligpit ko ang pinagkainan nya habang sya ay iniligpit ang mga papeles at gamit nya... Tinulungan ko pa siya nung matapos ako... Nadaanan ng mata ko ang isang company maganize ata yun na may nakalagay na H&G Silk Plantation.... At ang ibang papeles ay may mga ganun ding pangalan. Hindi ko maintindihan pero parang kinabahan ako sa kung ano. Pilit ko na lamang inalis sa isipan ko iyon... Praning na naman ako.
Pagkatapos namin magligpit ay nagshower nagpaalam na magshower muna si Jowa ako naman ay inihanda ko ang kama nya... Dito kami sa kwarto nya magsesiesta... Para mas kumportable siya. Halos kalahating oras ang lumipas ng lumabas ito na naka puting tshirt at itim na jersey shorts. Tinutuyo nito ang buhok nya gamit ang towel...huminga ako ng malalim... Pinalapit ko siya sa akin at pinaupo sa kama... Sumampa ako roon at nakaluhod akong lumapit sa kanya mula sa likuran nya tsaka kinuba ang towel na hawak nito at ako ang nagtuyo ng buhok nya.
"How can I live without you, jowa... You're my everything!" tila relief na saad nito. Ikinangiti ko naman iyon tsaka hinalikan siya sa pisngi bago ko ipinagpatuloy ang ginagawa ko. Kinuha nito ang towel at ibinato sa couch na ikinasimangot ko. Barubal talaga tong lalaking ito! Di talaga marunong magligpit! Tumawa naman ito ng makita ang reaksyon ko tsaka nagsorry... Habang pinapatakan ako ng mga halik sa labi at mukha. Kainis!
Niyaya nya na akong mahiga at hinila nya ako agad payakap sa kanya. Mahihiya ang nagimbento ng konsepto ng space sa sobrang dikit namin. Nakaunan ako sa dibdib nya at sya ay yakap-yakap ako ng mahigpit.
"Don't ever leave me, jowa..." bulong nya sa akin. Sa boses nya ay mababalas ang kapaguran at takot. Tumingala ako upang tingnan ang expression nya at sa pagtataka ko ay nakita ko ang takot at pangamba roon na hindi ko alam kung anong pinagmumulan.
Hinaplos ko ang mukha nya tsaka ngumiti sa kanya. "Basta hindi mo ba ako bibigyan ng dahilan para iwan ka e. Mananatili lang ako sa tabi mo." saad ko rito.
Ito ang isa sa natutunan ko sa paglaki ko. Hindi lahat ng tao ay mananatili sa buhay natin... Lalo na kung bibigyan mo sila ng dahilan para iwanan ka kaya ayokong mangako sa kanya ng isang bagay na walang katiyakan. Ayokong mapunta kami sa sitwasyong ganoon.
Ngumiti siya ng malungkot sa akin. "Kung ano man ang malaman mo at marinig mo...mangako ka na pakikinggan mo muna ako... Na ako ang paniniwalaan mo... Kasi Amelia... Hinding hindi ko kailanman kayang mag-sinungaling sayo... At kung dumating man yung pinaka-kinatatakutan kong araw... Yung masaktan kita ng hindi sinasadya... At hindi mo na kaya... Sabihin mo lang sa akin... Sabihin mo lang agad... Amelia... Sabihin mo lang kung ano ang gusto mo para maibsan ang sakit na sa panahong iyon... Pangako... Gagawin ko. Gagawin ko para sa iyo. " anya habang nakatingin ito sa aking mga mata. Kitang kita ko ang sinseridad at kung anong emosyong tiyak kong kaming dalawa ay ayaw naming pangalanan...naramdaman ko ang kalabugan sa dibdib ko...at tulad din ng kanya ay napakabilis ng pintig ng puso ko... Hindi ko alam kung bakit at ano ito...o alam ko man... Ay ayaw kong bigyang pansin dahil sa takot... Namamasa ang mga mata ko sa luha dahil sa tindi ng emosyong nakikita ko mula sa kanya... At sa nararamdaman ko ngayon... Pinunasan niya ang mga iyon at ngumiti sa akin... Ngiting may katulad na emosyon sa mga mata nito...
Tumango na lamang ako bilang tugon sa kanya at isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya.. Napasinghap pa ako roon at hinigpitan ang yakap sa kanya...hinayaan kong kalmahin ako ng mga haplos at halik nya sa aking buhok... At unti-unti akong hinihila ng antok.... At bago ako tuluyang makatulog. Hindi ko sigurado pero may narinig akong bulong nito...
"Salamat... Amelia... You are my---"
---
Gabi na ng magising ako dahil naramdaman ko ang pag-bangon ni jowa sa tabi ko. May kausap ito sa phone sa mahinang tinig na tila ba takot itong gumawa ng ingay..."Damn it... My woman is still asleep. What's the problem this time?" hindi ko maiwasan ang mapangiti dahil sa tinuran nito. Nakatalikod siya sa akin habang nakatingin ito sa labas ng bintana. May sinasabi ang kausap nito at napansin ko ang biglang pag-iba ng awra nya.
"What?! I thought that asshole changed for the better! Damn it! Minamadali ko na nga ang lahat para matapos na ang problema nila at hindi na magulo pa at makaramdam ng sakit at lungkot si Sabrina... Fuck! Yes! Send those damn papers... I don't fucking care if I spend miliions of bucks.... Just to fix it! Yes! I'll be there in 30. Thanks, Southeast for doing me this favor bro! "
Napatingin ito sa akin ng ibaba ang phone nya... Nakita ko ang gulat at pangamba sa mukha nito ngunit pilit nyang itinatago... Naguguluhan ako... Bakit ganito siya ngayon? Ano ba ang nangyayari dito?
" That's Southeast del Gado. My friend who's helping me fixing things at work now" paliwanag nya ng makalapit siya ay hinalikan nya ako sa mga labi na ikinasimangot ko at umiwas pa ko sa kanya. Nagulat pa siya sa ginawa ko.
"Di pa ko nagtutoothbrush... Salahula nito." saad ko habang takip-takip ang mga labi ko na ikinangisi naman nito.
"Masarap naman yang halikan kahit di fresh ang breath mo... Jowa. Pakiss pa nga!" pangungulit nito na ikinasama ng tingin ko sa kanya. Tawa naman ito ng tawa na parang walang lakad kung makaasta.
"Narinig ko... Aalis ka. Mag-ayos ka na baka hinihintay ka na ng kaibigan mo. Tsaka... Pwede ba akong magtanong... Curious lang ako ha, jowa...?" saad ko rito.
Hinila naman nya ako payakap sa kanya at ibinaon ang mukha nito sa leeg ko. Hilig hilig nya sa ganun. Loko to... Baka amoy panis na ko. Luh sya!
" Go... Ask... You can ask anything to me... Jowa. Malakas ka sa akin e. " anya tsaka bahagyang kinagat ang balikat ko at hinalikan yun ng makita ang pagtalim ng mga mata ko. Ngumiti pa sya na tila nagpapacute kaya inirapan ko na lamang...
"Sino yung Sabrina?" curious kong tanong.
Naramdaman ko ang paninigas ng katawan nito... Na labis kong kinabahala... Dahil pakiramdam ko...parang hindi ko dapat tinanong ang bagay na iyon...
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
רומנטיקהI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...