9

439 23 7
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

Tahimik kong pinapanood at pinapakinggan ang pagpapakitang tao ng alaga ko sa may-ari ng islang gustong bilhin ni Sir Celestino. Napapangiwi ako tuwing pasimpleng hinahaplos ni Ms. Quirubin ang alaga kong tila nageenjoy sa ginagawa nito. Ihhhr...

Sinerve na ang mga yayamaning pagkain sa amin. Ako naman ay naglalaway na at gusto ko ng kumain kaso ang daming kyeme ng mga mayayamang ito. Ginegera ng ng maliliit ng bituka ko ang malalaking bituka tapos pinapagalitan na ako ng sikmura ko lalo na't hindi ako nakakain ng tanghalian kanina dahil sa sobrang takot ko na ipabayad ng alaga ko ang alak na iyon na gawa ata sa ubas na ang fertilizer ay ginto at diamond. Tuwing naaalala ko yun parang gusto kong himatayin... Legit!

"These  foods will be a great partner for a exquisite wine..." introduction ng alaga ko na sumulyap pa sa akin na nagpakaba talaga ng todo sa pagkatao ko. Nako...di pa nakakamove on yan Clarity Amelia! Kabahan ka na talaga! "Ms. Salvacion..." tila nagising ako sa katotohanan ng mariin akong tawagin ng alaga ko.

"Y-yes, sir... Sorry po. Ano ho iyon?" napapahiya kong tanong. Pasimple akong sinipa ng amo ko na ikinagulat ko. "BAKIT KA NANINI--- sorry po. A-ano... Ahm... Kinakabahan po kasi ako dahil sobrang a-ang gaganda at gwapo po pala ninyo sa personal! Tapos m-mababait din po k--"

"Amelia..." may pilit na ngiting tawag sa akin ng alaga ko kaya napayuko na lamang ako kasabay niyon ang tila naaaliw na tawa ng mag-asawa habang ang dalaga nilang anak ay tila di nagugustuhan ang ganap... Luh... Kahit naman ako ayaw ko tong nangyayari e!

" She's funny... Isn't she?"natatawang kumento ng ginang.

" Yes, my dear... She is. Sayang at wala ang panganay nating  si Felix... Irereto ko ang batang ito roon! " aliw na sagot ni Mr. Quirubin na nagpaliwanag ng buhay ko! Come back is real na!

"AYAY! Sayang naman po pala, dad--este sir! Single na single at availabl---"

"Amelia." natahimik ako bigla at nakaramdam ng kaba ng makita ang kakaibang dilim sa mukha ng alaga ko. Ihhhhr... Wala pa man din akong baong holy water! "My apology with my assistant's behavior. She will be reprimanded later for showing disres---"

"Oh... No, Hijo... We love this young lady. She's indeed a sunshine. Jolly and lovely. I really like her." putol ni Mrs. Quirubin at pinagsalikop ang kamay namin. Katabi ko kasi ito e. Pinagigitnaan nila ako ng alaga ko. "If ever, it would be lovely if we introduce you to our son. Ms. Salvacion." saad nito sa akin na ikinabigla ko. "Right, hon?" anito sa asawa. Akala ko kasi joke lang e. Pero bakit biglang seryoso ata? Mother Superior ko po!

"Uhm... I'm sorry to break this to you, ma'am, but  my Amelia is not really available for any form of matchmaking. She's my responsibility and my parents surely won't allow any of that to happen since they adore her." may lamig na salansan ng alaga ko tsaka kinuha ang kamay ko na hawak ng ginang. Naramdaman ko ang pagkapal ng awkwardness sa paligid at tila pagkapahiya ng mag-asawa. Napansin ko rin na tila naiinis ang anak nilang dalaga at masama ang tingin sa akin. Luh? Inaano to?

"If you'll excuse us, we could resched our meeting some other time. Anyway, there's nothing to talk about the negotiations with that island. My father is offering you a generous amount for that island. If you don't want to sell it, tell it rightaway. Anyway, we can acquire it in another way... And you know that. So excuse us. " may pagkaaroganteng saad ng alaga ko tsaka ito tumayo at hindi la ako palabas ng restaurant. Sayang naman yung pagkain tsaka yung pangmayamang wine! Hala siya!.

" Sir, yung pagkain natin dun sayang" nakanguso kong saad dito. Tiningnan nya ako ng masama kaya shut up na ako agad. Hindi talaga maganda ang mood niya bigla. Bakit kaya?

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon