29

501 23 22
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"Clarity... Di ba at alam mo na na ang mga Stavros ang nakabili ng isla ng mga Quirubin na nasasakupan ng munisipalidad ng bayan ko." panimula ni David habang kumakain kami ng hapunan kasama si Doc. Hendricks na dito rin nananatili sa bahay ng kababata ko.

Hendricks Dueñas o dating Hendricks Salvacion tulad namin David ay galing ampunan at kababata din namin. Ang umampon sa kanya ay isang mag-asawang doctor na napansin ang abilidad nito ng bumisita sila sa amin noon kaya napagpasyahan nilang ampunin ito.

Lahat ng bata na kaedaran namin sa ampunan ay Salvacion ang ginagamit ng apelyido hangang sa may umampon sa kanila... Maswerte ang dalawa kong kababata at kaibigang ito dahil may kumupkop sa kanilang mabubuting tao habang ako ay naiwan sa ampunan noon... Na inantabayanan at sinoportahan ni Madame Yvangelin na ipinagpapasalamat ko rin ng malaki...

"Nabanggit mo na iyon kahapon sa akin.... At ni Madame Yvangeli ng tumawag sya kagabi para kumustahin ako." sagot ko na pilit binabaliwala ang kaba at kirot sa dibdib.

"So, alam mo rin na baka kasama siya sa mga mag-aasikaso ng pagdedevelop ng isla?" tila naghahamong saad nito

Ngumiti ako ng malungkot at humigpit ang hawak ko sa kubyertos. "Alam kong hindi siya makikiisa roon. Kilala ko siya... Mas pipiliin nya ang manatili sa tabi ni S-Sabrina sa mga panahong ito para bumawi... Kaysa ang magtungo sa malayong lugar na ito para sa trabaho..." mapait kong sagot at binitiwan ang kutsara tsaka uminom ng tubig. Nawalan ako ng panlasa...

"Clar--"

"David... Let her be..." saway ni Doc Hendricks dito. Huminga ng malalim si David.

"Fine... Pero gusto ko lang ipaalam sa iyo na bibisita ang team ng mga Stavros na mamahala sa development ng isla sa susunod na linggo. Siguro naman alam mo rin ang maaaring mangyari... Clarity... Kaya nais kong itanong sa iyo... Handa ka na bang humarap sa kanila o patuloy pa rin ang pagtatago mo?" hamong tanong ni David.

" Hindi mo na ba ako gusto rito, David? " kunwaring nagtatampo kong saad dito.

Huminga ng malalim ito at lumambot ang tingin nito sa akin."I love having you around Clarity... but I want to see you well...happy and free"

Ngumiti ako rito. "Maayos naman ako, David."

"So, you're up to a test, nurse Clarity?"mapanuyang tanong ni Hendricks na napatingin kami rito.

Kinabahan ako rito...kumiling ang ulo nito at ngumisi sa akin.

"I'll take you with me... Bibisitahin natin ang kaibigan ko sa Metro bukas... I might need a hand too... Since tutulong na rin tayo sa medical mission ng grupo namin sa Tondo. We will stay there for three days then babalik na tayo dito sa safe shell mo. "
Napakunot noo si David dito.

"Anong kinalaman ng pagmomove on ng kaibigan natin dyan Hends?" tanong ni David.

Ngumisi naman ito. "Simple... Serene Chalamity Hellios is my friend doctor. Her personal bodyguard and lover is a certain Crisostomo Ymar Stavros... Does that ring a bell... Clarity?" mapaglarong tanong ni Hendricks. "plus... Serene's cousin is set to married with that family... Let's narrow down your distance with that man who broke my favorite nurse...let's test the water first..." tsaka maganang sumubo ng pagkain nito na tila ba hindi malaking bagay ang sinabi nito sa akin habang ako ay hindi mahapuhap ang irarason para lamang hindi kumagat sa pain niya.

Kahit kailan ka talaga Hendricks!

---

Cristoffer Ymar Stavros'

"I'll be sending you to Boston... May importanteng convention na gaganapin doon at ang focus ay Legal management. You will be representing the Stavros Empire... Plus you have to stay there for the mean time para personal mo ring maasikaso ang branch natin doon. The convention will be held three months from now... But you need to be there a month before... Kaya may dalawang buwan ka pa para ayusin ang mga dapat mong ayusin bago ka umalis... " simula ni Carlos Ytan na ikinabigla ko.

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon