20

469 18 17
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

Mabigat ang mga mata kong nagmulat ng maramdaman ko ang pagtabi ni Ybarra sa akin at ipinaloob nya ako sa kanyang mga bisig. Sinulyapan ko ang puting wall clock at nakitang alas-tres na ng madaling araw. Nakatulugan ko na pala ang paghihintay sa kanya...

"Sleep, Amelia... Maaga pa..." bulong nito sa pagod na boses.

Humarap ako dito at nginitian sya... Hinalikan nito ang aking noo at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko na may kakaiba rito... Parang may nangyaring hindi maganda...

"Hold me tight, Amelia. Promise me. You will never let me go." bulong nito sa nahihirapang tinig. Hindi

"Anong nangyari? May problema ba, jowa?" nag-aalalang tanong ko at sinubukan kong kumalas rito ngunit mas hinigpitan nya ang yakap sa akin.
Ibinaon nito ang mukha sa aking leeg... At umiling roon.

"Amelia...sorry... I'm sorry for coming home late...sorry Amelia... I'm sorry"

Parang binibiyak ang puso ko ng marinig ang basag nyang tinig sa pagtawag sa aking pangalan at paghingi ng tawad... Alam kong may mali... May nangyari.... At iyon ang hinihingi nito ng tawad sa akin.

"Sabrina..." nanigas ako sa loob ng yakap nya ng marinig ko ang pagbigkas nya sa pangalan ng iniibig nya. Alam kong dumating na ang araw na kinatatakutan ko... Pilit kong kinakalma at hinahanda ang aking sarili sa maaaring malaman at marinig ngayon... "... S-Sabrina needs me now... Amelia. She needs me..." anya na nagpabasag ng tuluyan ng puso ko.

Mapait akong napangiti... Hindi ko alam na may isasakit pa pala ang naramdaman kong sakit noong mabasa ko ang liham nito noon para sa babaeng iyon... Napasinghap ako dahil hirap akong huminga...

" S-Sabrina?" maang kong tanong.

Huminga ito ng malalim tsaka tumango bago ako yakapin ng mas mahigpit na tila natatakot itong bitawan ako...

"Sabrina... She's m-my first love... And my first girlfriend..." simula nito. Bawat salitang binibigkas nya ay tila asidong ibinubuhos sa aking puso. "... She was the love of my life... But fate isn't for us. I lost her because I took her for grantes and she love another man who happened to be her husband and father of her children...the thought of her being happy makes me feel fine. That's why I let her go...and I made a promise to do everything for her to be happy... Dahil yun ang naging pagkukulang ko sa kanya noon nasa akin pa siya... " malungkot nitong kwento. Bawat kataga na binibigkas nito ay parang kutsilyong sumasaksak sa aking pagkatao. Pigil na pigil ang sarili kong humagulgol sa harapan nito ngayon... Hindi ko maaaring gawin iyon... Ayokong malaman nya ang pagmamahal ko para sa kanya dahil gusto ko pa syang makasama... Mas ibinaon ko ang mukha ko sa dibdib nito...

" S-sabi mo kanina ay kailangan ka nya... B-bakit? Bakit ka nya kailangan? "

Kailangan din kita ngayon, Ybarra...
Gusto ko sanang idugtong ngunit hindi ko na lamang isinating...

"... Sabrina brokedown...she's hospitalized and had a miscarriage. Amelia... She's asking me to take her and her kids away from her husband. A-and I want you to give me an assurance that you won't leave my side... Please Amelia... I know this is too much to ask but I want you to stay and support me with this until everything is settled...then I will dedicate all of my time and attention for you " napakapit ako sa damit nito sa narinig. Tila nawala ang natitirang pag-asa sa puso ko...

"Please... Amelia... Just this one..."pagmamakaawa nitong bulong sa akin. Mariin akong napapikit dahil sa nanunoot na sakit sa puso ko. Kailangan kong huminga... Bumitiw ako sa kanya at naupo sa gilid ng kama... Naramdaman ko ang pagsunod nito at pagyakap mula sa aking likuran tsaka ibinaon ang mukha sa aking leeg... Napasinghap ako ng maramdaman ang mga luha nito roon...

"G-gagawin ko... M-mananatili ako hangang sa maayos ang lahat ng ito... Ybarra. Mananatili ako sa tabi mo... Hindi dahil sa pakiusap mo kundi dahil sa pagmamahal ko sayo..." naramdaman ko ang pagtuwid ng katawan nito sa narinig mula sa akin. Kumalas ako rito at puno ng luha ang mga mata kong tumingin ng may malungkot na ngiti sa mga labi ko dahil alam kong bilang na lang ang mga sandaling makakasama ko siya."... Tama ang narinig mo... Cristoffer Ybarra... Iniibig kita... Mahal kita kahit alam kong bawal at hindi maaari... Pero narito na ito..." suminghap ako upang alisin ang tila mabigat na bagay na nakadaghan sa puso ko... Pero sino ang niloko ko...

"A-Amelia... A-an---"

"Huwag kang mag-alala... Wala kang dapat gawin... Walang dapat sabihin... Nauunawaan ko at malinaw sa akin ang lahat... Alam ko kung saan ang lugar ko sa buhay mo... At iyon ay bilang hingahan, pahinga at suporta sa mga panahong tulad nito... Pangako... Magiging maayos ako...hindi... Mali... Ayos lang ako... Maayos akong mamahalin kita hangang kaya ko... Mamahalin kita sa paraang kaya at alam ko... At pagnatapos ang lahat ng ito... Isa lang ang hinihiling ko sayo... Tuparin mo ang usapan natin nung unang beses na nagkita tayo..." ngumiti ako sa kanya ng buong pait."... Papaalisin mo ako at hahayaang maging malayang buoin ang sarili ko... "

Kitang kita ko ang pagkabahala at sakit sa mga mata nito na kanina pa nya itinatago...
" N-No... Amelia... I can't give you tha--" tumayo ako at humakbang palayo sa kanya ng tangkain nyang kuhanin at yakapin ako. Mariin akong umiling sa kanya at kitang kita kong muli ang sakit sa mukha nya. Hindi pwedeng mahawakan nya ako... Baka... Baka traydorin ako ng sarili kong katawan...

Huwag mong ipakita sa akin iyan... Ybarra... Baka mahirapan akong lalong iwanan ka sa sandaling tapos na ang lahat...

"Kaya mo... Kaya mong gawin iyon... Dahil buong buhay mo ay nakaya mong wala ako sa tabi mo... Kaya mo iyon lalo na at... Babalik na siya sayo... Kaya pakiusap... Ibigay mo sa akin ang gusto ko kapalit ng pananatili ko sa tabi mo ngayong kailangan mo ako." mariin kong pakiusap rito.

Mariin itong napapikit na naging hudyat ng pag-agos ng mga luha sa mga mata nito...

Bakit ganito ang ipinapakita mo ngayon Ybarra? Plano mo ba talaganv pahirapan ako ng husto?

"Hindi mo naiintindihan, Amelia... Hindi ko kayang ibigay ang himihingi mong iyon...you are my home... How can I possibly let my home go?! "

"UTANG MO IYON SA AKIN KAPALIT NG LAHAT NG MGA HINIHINGI MO! Kaya... Pakiusap... Ybarra... Mangako ka... Mangako kang ibibigay mo ito sa akin... Para naman kahit paaano ay maramdaman kong nagkaroon ako ng puwang kung hindi man lang sa puso mo... Ay diyan sa buhay mo! " tsaka ko siya iniwan... Kailangan ko munang huminga... Baka tuluyan na akong mawala kung hindi pa ako lalayo roon.

---
Pag-balik ko sa unit... ay naratnan ko ang tila aburido at alalang alalang si Ybarra na may kausap sa phone niya.

"DAMN IT! SHE'S BEEN MISSING SINCE 3 IN THE FUCKING MORNI---" napatingin ito sa akin na tila nakahinga ng makita ako. "It's okay now she's here." tsaka ibinato sa sofa anf phone nya at dali-daling tinawid ang distansya namin para yakapin ako ng mahigpit. "WHERE THE HELL DID YOU GO?! I WAS WORRIED SICK! AKALA KO KUNG SAAN KA NA NAGPUNTA... AKALA KO... INIWAN MO NA AK---"

"Nangako ako hindi ba? Kaya hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan... Hindi ako aalis hanggang sa matapos ang lahat ng ito..." mahinahon kong saad. Huminga ako ng malalim at pilit na inaayos ang nagkakagulo ko na namang sistema. Tinapik ko ang likod nito at pinapakalma.

Humigpit ang yakap nito at mas ibinaon ang mukha nito sa aking leeg."You can't blame me, Amelia... Hindi tayo nagkaroon ng pagkakaintindihan kanina... Hindi mo ako pinagsalita at pinagpaliwanag... Hindi ko nasabi sa iyo na Ma---" pumailanlang ang ring ng phone nito. "Don't mind that... Listen to m--" napamura ito ng magring pati na ang landline... At nakaramdam na ako ng matinding kaba...

"Sagutin mo na... Mukhang importante." garalgal ang boses kong saad at kumalas mula sa yakap nya.
Napipilitan itong lumayo sa akin na tila hirap na hirap itong gawin iyon. Sinagot nito ang tawag sa phone nito. "Cristof---Yes! Sweetheart... I will be there... Hang on... Papunta na ako..."

At ganoon na lamang nabasag ang pagkatao ko ng tila nalimutan nya ako dahil lamang sa tawag mula sa babaeng tunay na nagmamay-ari sa kanya...

"Pinili mo ito... Clarity Amelia... Panindigan mo. Hindi ka na makakaurong pa... Lalo na at nakapangako ka na... Tiisin mo na lamang... Hangang mapagod at matapos na ang lahat ng ito... Tsaka ka na magpagaling... At mamuhay ng malaya... Kaya mo yan... Amelia... Kaya mo... Kakayanin mo... "

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon