Clarity Amelia Salvacion's
Napatingin ako sa orasan at nakita kong malapit ng magdapit-hapon ngunit wala pa rin si Ybarra...
Matapos ang tagpong iyon ay hindi ko na muling nakita sa villa o sa paligid nito si Ybarra. Umalis ito kanina lulan ang kanyang sasakyan. Alam kong hindi nito nagustuhan ang nangyari at lubos itong nasasaktan ngayon...Ako naman ay hindi pa rin makalimutan ang naging akto nito kanina. Iyon ang unang beses na itinulak nya ako palayo sa kanya. Karaniwan kasi ay agad syang kumakalma tuwing hahawakan o yayakapin ko siya pero kanina... Ibang iba ang nangyari... Parang diring-diri ito sa hawak ko ng hawiin nya ang mga kamay ko palayo... At bakas na bakas ss mga mata nya na hindi ako ang kailangan nya ng itulak nya ako palayo...
Agad ko pinunasan ang mga luha ko ng magbadya na naman ang mga ito sa pagpatak... Ano ba yan! Simula ng mapunta kami rito sa napakagandang lugar na ito ay wala na akong ginawa kung di ang umiyak at masaktan... Malas ko naman ata dito?
Napanguso ako sa isiping iyon... Kung malalaman lang ni Mother Superior ang naiisip kong ito ay tiyak na mapapagalitan ako. Lagi pa man din nun sinasabi na blessing ako at lahat ng paghihirap na dinadanan ko ngayon ay laging may magandang kapalit... Kung hindi daw grasya galing sa taas ay lesson na nasi na matutunan ko ng nasa itaas.
Hay... Clarity Amelia... Matatapos din ito... Maging malakas at matatag ka lang! Laban!
Huminga ako ng malalim nagnamadaling kinuha ang phone ko ng marinig kong may magtext doon. Napanguso ako dahil hindi si Ybarra iyon...
From: David the Mayor
Clarity, I'm at the city. Want to eat pares? My treat!
Napanguso ako dahil sa sinabi nito. Namimis ko tuloy ang pares at si David. Kung kasama ko siguro sya at malaman ang pinag-gagagawa ko sa buhay ngayon ay babatukan ako nun at sapilitang ilalayo mula rito.
To: David the Mayor
Sayang! Wala ako sa syudad ngayon. Nasa malapit akong dagat ngayon at nangangarap na maging sirena! Okaya ilunod ka!
Napangisi ako dahil sa reply ko rito. For sure mapipikon si Yorme sa akin...
Mahanap nga muna ang mga bagets! Di pa nagmimiryenda ang mga yun!
Nasaan kaya ang mga yun?Nagtungo ako sa silid nila pero wala ang mga ito... Tanging si Sabrina lamang ang naroon na nakaupo sa kama at may kung ano akong nakitang emosyon sa mga mata nito na biglang nawala... O baka namalik-mata lamang ako? Inayos ko ang kumot nito at inadjust and IV fluid nya...tapos at ngumiti ako ng malungkot rito.
"Pagaling ka na ha? Hirap na hirap na ang mga nagmamahal sayo dahil sa takot na mawala ka ng tuluyan sa kanya... Kanila... Kaya pagaling ka na... Wag mong sayangin effort ko. Puso ko at pagkatao ang itinaya ko sa inyo ni Ybarra... Kaya dapat bumalik ka at maging masaya kayo! "malungkot na nakangiti kong saad rito habang hinahaplos ang buhok nito. Hinalikan ko ang noo nya tsaka niyakap bago ko siya iniwan doon. Nasalubong ko ang caretaker at ibinilin na bantayan muna si Sabrina. Ito rin ang nagsabi sa aking nasa dalampasigan ang mga bata... Kaya nakangiti akong nagtungo roon...
Lumapad ang ngiti ko ng makita kong magkakahawak ang mga kamay na tumatakbo ang mga ito pabalik sa villa galing sa kabilang panig. Aalis na sana ako para sundan ang mga ito ng narinig ko ang boses ni Ybarra...
"I want to apologized with my actions earlier." napatingin ako sa pinagmulan nito. Nagkubli ako ng makita kong nakatayo ito at kausap si Ms. Rebel na nakikinig rito. Alam kong mali ang ginagawa kong pakikinig pero hindi ko alam kung bakit parang may bumunulong sa aking manatili at pakinggan ang mga ito...
BINABASA MO ANG
Stavros 8: Let You Go
RomanceI've been through hell and back again I've come to understand that when You tell me that I can't pretend I either care about your stuff Make the most of the things that might be rough I let you go Oh, holding out hope for you Holding out hope, Holdi...