3

583 21 7
                                    

Clarity Amelia Salvacion's

"How are you, son?" Tanong ni Madame Yvangelin sa amo ko pagkarating palang namin sa fine dine-in restaurant kung saan ang reservation ng mga ito.

"I'm doing fine empress mama. How about you?" Tanong nito matapos halikan ito sa noo at man hug sa ama nila.
Nagkumustahan ang mga ito habang ako ay nakamasid habang nakatayo sa harap ng mga ito.

Good boy, si mangmang sa harap ng magulang ha? Kala mo di laging nakasinghal sa akin at sa mga empleyado.
Parang hindi maraming napagresign na guardian angel everyday!

Naupo naman ang amo ko sa isa sa dalawang bakanteng upuan roon ,kaya napasimangot ako, wala talagang manners itong amo kong ito! Hindi man lang ako naalalang manduhan kung aalis na ba ako o ano!

Ngumiti naman ako agad ng makita kong nakatingin sa akin si Madame Yvangelin. Nakangiti itong tumayo at lumapit sa akin. Nakaramdam ako ng warmth nh yakapin ako nito ng mahigpit. "Clarity Amelia, how are you?" Tanong nito sa akin tsaka iginaya patungo sa mesa nila tsaka pinaupo sa tabi ng anak nyang walang manners.

"Okay lang po ako, Madame Yvangelin. Kayo ho? Gumaganda po kayo lalo ha?" Glamoroso itong tumawa habang ako ay napatingin sa asawa nitong nakamasid sa amin. Kitang kita ang pagmamahal nito sa asawa. That kind of love na papangarapin mong matagpuan sa buhay mo. "Good noon po, sir Celestino." Magalang kong bati rito.

Tumango naman ito at tipid akong nginitian. "Good noon, Ms. Salvacion. It's good to see you again. Thank you for making my empress laugh." Anya na lagi nyang sinasabi tuwing nagbabatian kami.

Ngumiti naman ako ."My pleasure, sir. Mas nakakabata po pag tumatawa lagi st masaya! Kaya po isang smile naman po dyan, sir! Sabayan nyo din po ng halakhak, tulad nito... Hahahaha" Masaya kong biro rito na tila ikinagulat ng amo ko habang ikinatawa ng mag-asawa.

"Amelia... Are you really out of your crazy mind?!"bulong nitong saway sa akin na ikinangisi ko lamang.

Bano to! Akala nya di ako nag-iisip tulad nya? Luh?

"You really know how to make this old man laugh with your wits, young lady!" Natatawang sabi sa akin ni Sir Celestino.

"Of coursie watusi, sir! Kitams! Bumata at mas gumwapo po kayo ng mga limang guhit dahil sa saya nyo! One more time!" Hirit ko pa rito na ikinatawa ng mga ito.

"You are really a breath of a fresh air to us, Clarity Amelia... Since when was the last time we had a good laugh like this, mahal ko?" Madame Yvangelin asked to her husband. Kitang kita ko sa mga mata nito ang katulad na pagmamahal sa asawa nito.

"Uhmm... I think, it was when we visited the orphanage... She was making fun of the kids by playing some silly games." Sagot naman ni Sir Celestino.

Napatingin naman ako sa amo ko na tila gulat na gulat sa nasaksihan... Luh? Nabuang na ata?

"Fans ko po talaga kayo! My gosh! Nakakahiya tuloy... Ihhhr... Wag po masyado ipahalata sa iba! Baka sumikat ako! Shocks! Gusto ko po ng normal lang na buhay... Kahit na may masungit na amo!" Eksaherada kong sambit habang namimilog ang mga mata ko at tila kitikiting nagsusway sway sa kinauupuan ko na ikinatawa ulit ng mag-asawa.

"Amelia..."  saway na naman ng kj kong amo kaya sinimangutan ko ito at ng mapansing nakamasid ang mga magulang niya at nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis, ikinawit ang mga buhok kong nakaharang sa mukha ko sa likod ng taenga ko tsaka nagbeautiful eyes rito.

Kitang kita ko ang tila iritasyon at nawiwirduhang ekspresyon nito sa mga berdeng mata nya. Alam kong anytime ay sisinghalan na nya ako. Wag lang sana syang magmura. Gosh! Baka humagulgol sa iyak ang guardian angel nya na newly hired lang kanina. Ihhr...

"Aren't they adorable, mahal ko?" Natutuwa at tila may kilig na tanong ni Madame Yvangelin sa asawa na tumawa naman sa sinambit nito. Humilig pa si madame sa balikat ng asawa nya sweet.

Napaismid naman ako dahil sa tila diring diring mukha ng amo ko sa narinig mula sa ina. As if papatulan ko sya! Kapangit ng ugali ng mangmang na to... duh?!

Gwapo lang meron sya tsaka yaman pero the rest EKIS na!

"There's no way it gonna happened whatever you were thinking, empress mama! Never!" Anito na diring diri talaga. Loko to ha?!

"Aba'y wala namang PO sinasabi ang nanay mo PO, boss, sir, amo! Kaw PO ha? Defensive mo PO masyado PO ! OMG! Crush mo PO siguro talaga ako PO!" Kunwari ay gulat na gulat kong tanong dito pero ang totoo ay iniinis ko lang sya.

"WHAT THE F--"

"OPS! BAWAL PO BAD WORDS PO!" Pigil ko sa pagmumura nito. At kitang kita ko ang panggigigil nito sa inis sa akin at ang kagustuhan nitong sakalin ako kung wala lang ang mga magulang nito. Narinig naming ang tawa ng mag-asawa kaya medyo nakaramdam ako ng hiya--CHAROT! ako ? Mahihiya? Wala naman akong dapat ikahiya! Ang amo kong masama bibig ang dapat mahiya! My gosh! Mura ng mura... Singhal pa ng singhal? Di kaya siya mapaos?!

"Let's order now, stop bickering now... Cristoffer Ybarra. " Saway ni Madame Yvangelin rito.

"But empress mama, she's crossing the line and disres---"

"Enough, Cristoffer Ybarra! You're the man, you should be act like a gentleman!"saway ni Sir Celestino rito. 

Kitang kita ko ang hindi makapaniwalang mukha nito sa pagkampi sa akin ng nanay at tatay nya nya! Huh?! Ano ka ngayon, mangmang? Mas mahal ako ng nanay at tatay mo!

Mahina akong natawa dahil doon

Tumingin ito sa akin ng masama. Kaya binelatan ko ito ng mabilis atsaka inosenteng tumingin sa mag-asawa na busy sa pagtingin sa menu.

Masaya at magana akong kumain kasalo ang mga ito habang tila pinsgsakluban ng langit at lupa ang mukha ng alaga ko. Luh! Bahala sya! Sya naman ang maiistress at hindi ako!

Bad mo! Clarity Amelia!

Lord, sorry po talaga! Gusto ko lang syang turuan at tulungan, Promise babawi ako! Love You po!

Nang gabi ng araw na iyon ay hindi pa rin maganda ang mood ng amo ko dahil sa nangyari sa lunch date nila dapat ng mga magulang nya na naging lunch date namin ng mga ito at OP si bossing! Ano magagawa ko e aliw na aliw sa akin ang parents nya samantalang siya puro bragging sa business at kasong hawak nya na wala naman makakapagpasaya sa mga magulang nito. Oo at mapaproud talaga ang mga ito sa kanya, pero wala naman syang kinwento about sa buhay nya outside business...

Kahit ulila ako at laking ampunan, itinuro sa akin ng mga madre na dapat magbukas ng sarili sa mga magulang at tumayong mga magulang mo. Ikwento mo yung buhay, kasawian, tagumpay, lungkot at saya mo sa mga ito. Kaso yung kanya, puro negosyo, kaso, career... Alang sense!
Di man ito magkwento ng lovelife nya! Sus! Baka matuwa pa magulang nya sa kanya plus masaya pa ko kasi may tsismis akong masasagap! Charot!

Kasalukuyan na naghahanda ako ng pagkain naming dalawa...
Napatingin ako sa pinto ng silid nya ng biglang bumukas iyon at iniluwa siya habang may seryosong kausap sa phone nya... tila alalang alala ito roon...

"Amelia, I have to go somewhere. Double check the locks and windows."malamig nitong bilin sa akin habang nagmamadali

"Saan ka pupunta, boss?" Alalang tanong ko. Aba syempre...baka itanong ng nanay nya!

" Something came up! I fucking need to go! Wag mo muna akong inising ngayon, PLEASE LANG AMELIA! FUCK! ...hello...Yes, I'll be there, Honey..." Anito tsaka umalis at iniwan akong tulala dahil sa kakaibang kirot sa puso ko kasi sa inasal nitong iyon  .

Anong nangyayari sayo, Amelia?

Nahawa ka na ba sa mangmang mong amo?! Luh?!

Stavros 8: Let You GoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon